<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, October 31, 2010

Project ni Heart sa Kapuso hindi muna itutuloy!

May kinalaman kaya ang conflict nina Heart E­van­­gelista at manager niyang si Annabelle Rama sa desisyon ng GMA 7 na iurong for next year ang airing ng pagbibidahan niyang Dwarfina?

Ang Dwarfina sana ang papalit sa Ilumina at nakapag-storycon na at alam na ng buong cast ang kani-kanilang role. Inaayos na rin ang taping schedule at natsika sa amin na location at costume na lang ng mga gaganap na duwende ang hinihintay.

Excited na ang lahat pati si direk Mike Tuviera na director ng fantaserye, hanggang ma­tanggap namin ang advisory from GMA 7 na­ ­next year na ang airing ng Dwarfina. So, walang gagawin si Heart kundi ang Party Pili­pinas. Sayang at tinanggihan niya ang isang movie project na pang-Metro Manila Film Festival.

Primetime series na pagbibidahan ni Jillian Ward ang napagdesisyunan ng GMA 7 na ipalit sa Ilumina at before the year ends daw ito eere. Iba ang primetime soap sa unang nabalitang afternoon soap na gagawin ng childstar at may title na Batang Milyonaryo.

Christmas offering daw ito ng network to be directed by Mark Reyes, pero ayaw pang ipaalam ang title.

Posible kayang maalis si Jillian sa Captain Barbell dahil sa bago niyang primetime soap na tiyak aabot next year ang airing, eh, sisimulan na yata ni Richard Gutierrez ang Captain Barbell dahil hanggang December 3 na lang ang Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Ang pagpapalit kaya ng project ang rason kung bakit may naririnig kaming extended up to December ang Ilumina?

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites