<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 02, 2010

Annabelle Rama found Heart replacement

MISTULANG isang debutante ang kontrobersyal na talent manager at stage mom na si Annabelle Rama sa gi-nanap na birthday party ni-ya sa ballroom ng Crown Plaza Hotel.

Star-studded at walang sinabi kay Tita A ang debutante ng taon sa mga dumalo sa espesyal niyang kaara-wan. Pamilya, malalapit na kaibigan at mga alaga ni Tita Annabelle ang nagbigay ng ningning nang gabing ‘yon. Nangunguna siyempre si Ed-die Gutierrez na naghandog pa ng timeless Elvis Presley hits for his loving wife.

Nang tanungin on stage si Tito Eddie kung ano ang wish niya for Tita Annabelle, aniya: “Para kay Annabelle, I wish her good health at sana’y manatili siyang sexy lagi!” say ng Elvis Presley ng ‘Pinas.

Dumating din ang ilang sikat na personalidad tulad nina Gov. Chavit Singson, Charlie ‘Atong’ Ang, Daisy Romualdez, Susan Roces, ang bagong MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzarez, cast ng Survivors Phi-lippines, talents ng Royale Era Entertainment; Ruffa, Richard and Raymond Gu-tierrez, JC de Vera, Danita Paner, TJ Trinidad, Miriam Quiambao, Carla Hum-phries, Michelle Madrigal, John Hall, Pilita Corrales, Ramon Christopher, Dina Bonnevie, Yayo Aguila at marami pang iba. Hosted by Arnel Ignacio, nag-enjoy talaga ang mga bisita at nag-diwang ang lahat para sa nag-iisang si Annabelle R.

Parang talk show din ang set-up na ginawa. Kasi, may question and answer portion pa si Raymond sa ilang panauhin tungkol sa kanyang ina.

Isa rin nga pala sa applauded numbers ay ‘yong song numbers ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Ve-nice. Solo number sila at take note, feel talaga ni Lo-rin ang pagkanta.

Panalo rin ang version ni TJ ng Faithfully, rocker ang dating ng guwapong aktor on stage. Ipinakita ni TJ ang versatility niya that night. Wala si Heart Evangelista nang gabing ‘yon. Pero nakatutuwang malaman na may kapalit agad si Heart sa kuwadra ni Tita A. Dumagdag sina Jay Manalo, Pops Fernandez at iba pang talents na tala-gang maipagmama-laki ni Tita Annabelle. Mukhang hindi na-man kawalan si Heart kung tutuusin kay Tita Annabelle.

It was a night of fun and catching up with friends para sa birthday girl. Larawan si Tita A ng isang masayang ina, manager at asawa sa ka-bila ng mga intriga at pagsubok na dumarating sa bu-hay niya.

[via]

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Good for you Anabelle! See and daming kapalit ni Heart...Sana naman pag may mangyayaring hiwalayan ulit, huwag ka naman masyadong mag re-act. Napaghahalata ka tuloy eh, lumalabas ang tunay mong kulay....

8:20 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites