<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 17, 2010

Marian Rivera Updates

Bukod kay Dingdong Dantes, ang girlfriend niyang si Marian Ri­vera ang tuwang-tuwa nang manalo siyang best drama actor sa katatapos na Star Awards for TV. Napakagandang follow up ito ng pagkakahirang sa kanya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang youth ambassador.

Siya rin ang pinaka-latest leading man ni Regine Velasquez. First time nilang magtatambal sa serye ng GMA 7 na I Heart You Pare.

“Wala akong dapat ika-insecure sa mga magagandang pangyayari na dumarating sa kanya. Kahit sabihin pang napag-iiwanan niya ako. Wala naman kaming competition at sa akin niya ibinibigay ang credit ng lahat ng ito. Dapat lang na maging masaya ako para sa kanya, dahil mahal ko siya.

“Maganda rin naman ang nangyayari sa career ko. After Endless Love, naging busy ako sa Super Inday. Malaking pelikula ito at pang-Metro Manila Film Festival ng Regal. Early next year, may gagawin akong epic serye sa GMA. Nagpapa-audition na ang network ng magiging leading man ko. Athough mas masaya kapag kaming dalawa ni Dingdong ang magkasama, pero hindi naman healthy sa aming career kung kami na lang ang mag­kapareha palagi,” sabi ng isa na marahil sa pina­kamagagandang mukha sa local showbiz.

Funny, but nakaka-enjoy ’yung kasiglahan ni Ma­rian ngayon. Wala akong makita ni munti mang bakas ng kamalditahan na ikinukulapol nila sa kanyang katauhan. Masaya siyang nakipaghuntahan sa amin habang ini-enjoy ang kanyang dinner.

Malakas siyang kumain ha! Parang wala siyang takot na baka tumaba siya at masira ang maganda niyang figure.

Nabanggit din niyang wala na siyang panahon na makapag-handa para sa Pasko.

“Buti na lang masaya ang pamilya ko. Madalas ang communication namin ng dad ko. (He is in Spain). Once a week, I meet with my mom and lola. Wala na talaga akong mahihiling pa. ’Yung pressure na ibinibigay ng Super Inday ay expected ko na dahil it will compete against several films na talagang pinaghahandaan, ginagastusan dahil pang-festival. In the past naman, lahat ng ginawa kong pang-filmfest nasa Top 3.

“I’m glad wala akong death threats na natatanggap. Never naman akong naapektuhan ng mga negative write ups na lumalabas tungkol sa akin. Ang mga fans ang nagri-react. Masaya naman kasi kami ni Dingdong. Matagal na kaming hindi nagkakatampuhan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga nagsasabing hiwalay na kami. Walang dahilan para kami mag-away, love-love lang talaga.

“Sa totoo lang, nakakarindi na. Minsan sinasabihan ko na si Dingdong na magbakla na lang at magto-tomboy na lang ako para wala ng isyu,” pagbibiro ng sexy heroine.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites