<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 23, 2010

Ogie and Regine are now officially husband and wife

Kasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Naganap ang kasal ng dalawang singers sa Terrazas de Punta Fuego, isang beach resort, sa Nasugbu, Batangas, Miyerkules, Dec. 22, dakong 3 p.m. at natapos bago mag-5 PM.

Ayon kay Karen Pagsolingan, ang representative ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa wedding, naluha sina Ogie at Regine habang nag-e-exchange ng kanilang wedding vows. Ibinigay ng dalawa ang kanilang vows sa pamamagitan ng kanta.

Sa isang bahagi ng wedding vow ni Ogie ay sinabi niyang, "I'll be your number one Reginean, your Brad Pitt, and Justin Bieber..."

Bilang bahagi ng kanyang wedding vow, inawit ng Songbird ang "Di Ko Malimutan" ng APO Hiking Society. Nangako siyang mamahalin niya si Ogie, na ayon sa kanya ay "cute na cute" siya.

Nanghingi na rin si Regine ng paumanhin kay Ogie dahil minsan ay nasusungitan niya ito, ganun daw yata ang malapit nang "mag-menopause." Tawanan ang mga bisita sa kanyang biro.

Tinapos naman ni Regine ang kanyang wedding vow sa linyang ito: "I've never felt so happy all my life."

Nakasuot si Regine ng bright red gown, na gawa ni Monique Lhuillier. Si Ogie naman ay naka-coat and tie.

Nang iproklama sila bilang husband and wife, tumugtog ang "Kailangan Ko'y Ikaw," na isinulat ni Ogie para kay Regine.

Maganda at romantic ang venue ng kasalan.

Ayon sa report ni Karen Pagsolingan ng PEP, "The venue was filled with violet, pink, and white flowers. Visitors are dressed in pastel colors. The altar is overlooking the hills."

Nangunguna sa mga bisita si Pangulong Noynoy Aquino, na isa sa groomsmen.

Sabay na naglakad ang matriarch ng Regal Films na si Lily Monteverde at Viva big boss na si Vic del Rosario bilang principal sponsors. Principal sponsor rin si Sharon Cuneta ngunit nagka-problema siya sa kanyang gown. kaya kahit naka-makeup na siya,

Ilan pa sa mga bisita ng Songbird at sa Singer-Songwriter ay ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Michael V., Senator Bong Revilla, Christian Bautista, Noel Cabangon, John Prats, Rachelle Ann Go, Direk Louie Ignacio, at Direk Dante Nico Garcia.

Kasama rin sina Dennis Trillo, Jose Mari Chan, Pia Magalona, German Moreno, Kuh Ledesma at ang anak niyang si Isabella. Naroon din ang mga Gutierrezes na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, at Richard.

Ilan sa couples na dumalo ay sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Cong. Lucy Torres, na nakasuot ng isang gray na gown. Kasama naman ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera, na naka-light blue-green sequined gown.

Kasama naman ni Robert Chien ang asawang si Lea Salonga, na nakasuot ng baby pink na gown. Kasama naman ni Janno Gibbs ang asawang si Bing Loyzaga at ang kanilang dalawang anak na babae. Sabay ring dumating ang magkasintahang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dumalo rin ang big bosses ng dalawa sa GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Darling de Jesus, at Redgie Magno.

Ang ibang dumalo ay ang Bench owner na si Ben Chan, TAPE executive na si Mr. Tony Tuviera, at TV5 big boss na si Mr. Manny Pangilinan.

Hindi naman mawawala and dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren kasama ang mga anak niyang sina Leila at Sarah. Kasama ni Michelle ang asawang si Mark Morrow.

Ginamit sa naganap na kasalan ang mga kanta nina Regine at Ogie, kasama na ang "Pangarap Ko ang Ibigin Ka" at "Kailangan Kita."

Kasunod ng kasal ay ang reception na gaganapin sa beachfront ng Terrazas de Punta Fuego.

[source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites