<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, December 12, 2010

Pagkatapos magka-pelikula Frencheska bibirit na

Nagdiriwang ang mga tagahanga ng Are You The Next Big Star? grand winner na si Frenceska Farr dahil maka­ka­birit na ang kanilang idolo. Kalalabas lang ng debut album ni Frencheska sa GMA Records, ang Inside My Heart na may sampung kanta, at may grand launch ito ngayong Linggo sa Party Pilipinas.

Kahit kasi pagkanta ang unang talento na nakita sa GMA Artists Center 18-year-old talent, sa musical film na E­mir naman siya unang na­big­yan ng malaking break. Pero walang problema kay Frencheska dahil hindi lang siya nakakanta sa Emir kundi nakaarte pa. Proud din siya nang mabalitaan na napansin ang pelikula ni Direk Chito Roño sa isang filmfest sa ibang bansa.

Sa solo album ni Frencheska, tumulong ang mga malalaking pangalan sa industriya ng musika para mapaganda ang mga piniling kanta tulad nina Vehnee Saturno, Rebel Magdagasang, at Agatha Obar. Tatlo rito ang cover songs at pito naman ang orihinal na komposisyon.

Classic ang Sa Pangarap Ko na sinulat ni Vehnee. At ang Everytime ni Rebel ay ginamit na theme song sa Tween Hearts. Carrier single naman ang Today I’ll See the Sun at sa music video nito ay makikita ang suporta ng mga Kapuso stars.

Kasama rin sa Inside My Heart ang bersiyon ni Frencheska ng Ang Pag-Ibig Kong Ito at power ballad din ang Isama Mo Ako.

Binigyan naman niya ng ibang groove ang U2 hit na I Still Haven’t Found What I’m Looking For.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites