<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 09, 2010

Richard Gutierrez excites Lovi Poe

Matagal nang crush ni Lovi Poe si Richard Gutierrez at never niya ikinaila ang bagay na ito.

"Sino naman po ang hindi magkaka-crush kay Richard? Bukod sa sobrang guwapo na, napakabait pa. Saka kapag kilala mo siya at nakakasama, super maasikaso. For me, he's a true gentleman," sabi ni Lovi.

Sobrang tuwa nga raw ng young actress-singer nang kunin siya ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films para maging isa sa apat na leading ladies ni Richard sa Valentine movie na Suddenly It's Magic.

"Nang sabihin sa akin ni Tito Leo (Dominguez, her manager) ang tungkol sa Suddenly It's Magic, tuwang-tuwa ako.

“Na-excite talaga ako. Hindi biro na maging isa sa leading ladies ni Richard. It's a dream come true. Finally, magiging leading lady na ako ni Richard. Excited na ako!" tipong kinikilig na pahayag pa ni Lovi.

Ngayon pa nga lang daw, pinaghahandaan na niya ang episode nila ni Richard sa trilogy na Suddenly It’s Magic, kung saan ay ka-triangle nila si Solenn Heussaff.

“Solenn is so nice, kaya excited din akong makasama siya. Saka okay kami at iisa ang manager namin.

“I'm sure, like me ay sabik na ring umarte si Solenn dahil si Richard ang leading man namin,” sabi pa ni Lovi. "Pinaghahandaan ko na nga po ang pagsisimula ng shooting namin."

Samantala, kapipirma lang ni Lovi ng endorsement contract sa Belo Medical Group at malamang early next year, ilulunsad na ang billboards niya para sa nasabing beauty clinic.

Bukod dito, nominado si Lovi bilang best actress sa Famas Awards para sa pelikulang Sagrada Familia.

“Maganda ang taong 2010 sa akin. Sana nga, mas marami pang magagandang bagay ang naghihintay sa akin sa 2011,” dagdag ng dalaga.

Ang afternoon soap drama naman niya sa GMA-7 na Little Star, kung saan kasama niya si Jennylyn Mercado, ay patuloy na tumataas ang ratings at marami ang nakapapansin sa very daring role niya sa serye.

Siyanga pala, bukod sa Suddently It's Magic, nakatakda ring gawin ni Lovi ang remake ng pelikulang Temptation Island sa Regal.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites