<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 31, 2010

La Diva in Life & Style

Jonalyn Viray, Aicelle Santos and Maricris Garcia were all products of Pinoy Pop Superstar. After successfully performing solo, they sing together as La Diva on GMA 7’s S.O.P.

Know their beauty secrets as they guest on Q-11’s Life & Style With Gandang Ricky Reyes today, 10 to 11 a.m.

Host-producer Ricky Reyes interacts with beauty specialist Dr. Claudine Roura and dentist of the stars and CEO of Adajar Dental Services, Dr. Cielo Adajar. Are they behind the transformation of La Diva, too?

Also featured is Arnel Ignacio who talks about solutions to hair loss
. “When my hair started thinning, I was scared and stressed. It was Ricky who urged me to try a hair piece business. I found out that aside from solving my hair problem, it is really a profitable enterprise,” says Arnel.

Life & Style is presented by ScriptoVision.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 30, 2010

Kris Bernal - Black Pear Cart

With loveteam-mate Aljur Abrenica as guest, Kris Bernal recently kicked off the Black Pear Cart which can be found at Shopwise on Commonwealth Ave., Quezon City.

Part of Kris’ contract as endorser stipulates that she will be given her own franchise.

Kris said that she’s looking for a place to launch her own Black Pear Cart, her own Black Cart business.

Same with Aljur who was also given his own franchise.

The two are now starring in the GMA fantasy-adventure The Last Prince which is beating the competition on its timeslot.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 29, 2010

Jewel Mische ‘di type ng pamilya Gutierrez para kay Richard

HINDI itinago ni Ruffa Gutierrez ang paghanga at pag-kagusto niyang maging GF ng utol niyang si Richard Gutierrez ang fashion model na si Georgina Wilson.

In fact, mula nang makilala niya si Georgina nu’ng dyowa pa ito ng kapatid ay humanga na siya sa ganda ng dalaga.

Perfect partner daw sina Georgina at Chard kung ang dalawa ang magkakatuluyan.

Hindi nabanggit ni minsan ni Ruffa si Jewel Mische na natsi-tsismis ngayong kinalolokohan ni Chard. Maging ang parents ni Chard ay tutol kung si Jewel ang magiging ka-sintahan ng aktor. Although wala namang sinasabing masama against Jewel ang pamilya ni Chard.

Well, hindi masisisi si Ruffa na humanga kay Georgina dahil talaga naman itong maganda at super-lakas ng sex appeal.

Sabi nga, kapag dumaan sa harapan mo si Georgina, hahabulin mo talaga ito ng tingin.

Marami nga ang super-inggit kay Chard nang malamang naging dyowa niya si Georgina.

If ever pasukin din ni Georgina ang showbiz, si-guradong maraming magpapantasya sa magandang modelo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, January 28, 2010

Jacky at Lovi, dadalo sa Soho int’l filmfest

KUMPLETO na ang line-up ng kauna-unahang Soho International Film Festival NYC 2010.

Magkakaroon ito ng Filipino Film Night in cooperation with GMA Pinoy TV and GMA Life TV sa February 20, 2-10 p.m.

Ang Filipino works na ipalalabas sa gabing iyon ay ang With Whom, ang MTV ni Kitchie Nadal na dinirek ni Janice Perez; The Pastor’s Kid ni Direk Dale Adriatico; Pitik Bulag ni Direk Gil Portes starring Marco Alcaraz; at Walang Hanggang Paalam, starring Jacky Woo and Lovi Poe, na pinamahalaan nina Ellen Ramos at Paolo Villaluna.

Dadalo sa pagtitipon sina Direk Janice, Ellen at Paolo, pati na ang mga artistang sina Jacky, Lovi at Marco.

Katuwang ng GMA Pinoy TV at GMA Pinoy Life TV sa paghahatid ng Filipino Film Night sa Soho International Film Festival ang Essential Consulting Services.

Mamimigay sila ng goody bags sa mga a-attend at tsansang makilala’t makausap ang Filipino actors at filmmakers. Ang red-carpet event ay susundan ng isang bonggang after party hatid ng G Productions.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng $15 (kada pelikula) o $50 para sa apat na pelikula at after-party cover charge.

Ang Soho International Film Festival NYC 2010 ay itinatag nina Jorge Ballos, Noli Parumog at Luis Pedron. Ito’y four-day event na magsisimula sa February 18 hanggang 21, showcasing 30 films mula sa iba’t ibang bansa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 27, 2010

Rhian Ramos at TJ Trinidad kampante sa eksenang laplapan

Ang tambalan nina Rhian Ramos at TJ Trinidad ang buwena-mano sa mas pinalakas na Dear Friend, ang Sunday series ng GMA-7.

Pagbibidahan nila ang four-part love story na Almost A Love Story, na magsisimulang mapanood sa January 31, after SOP.

May-December relationship ang tema ng story at ang description ni TJ ay “harmless sa simula at tragic ang ending.”

Tiyak si TJ na maa-achieve nila ni Rhian ang reaction ng viewers na mangibabaw ang emotions sa mangyayari sa mga karakter nila sa episode.

Nakatulong na kumportable na sa isa’t isa sina TJ at Rhian at alam nila ang responsibilidad nila bilang mga artista.

Kung may kissing scene sila, ginawa nila at hindi na nahirapan si Direk Topel Lee sa pagpapaliwanag sa kanila.

Samantala, ang mga susunod na episode ng Dear Friend ay kukunan sa iba’t ibang parte ng bansa, gaya ng March episode na sa Bohol ang location at kung saan balik si Jun Lana sa pagdidirek.

May episode ring kukunan sa Ilocos at sa Cebu, balita ng EP ng series na si Mona Mayuga at program manager na si Hazel Abonita.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 25, 2010

Lovi Poe magpapakasal na sa kasalukuyang boyfriend?

IISA ang manager nina Ogie Alcasid at Lovi Poe. Kaya nang magsimula si Lovi sa kanyang singing career ay inalalayan siya ni Ogie.

Nang mag-guest si Ogie sa programang Show Me Da Manny, panay ang biro niya kay Lovi na noon ay neneng- nene pa ito, pero ngayon ay dalagang-dalaga na at puwede nang pakasalan.

Kasi ba naman controversial si Lovi ngayon. Pag-katapos makipaghiwalay kay Jolo Revilla, may Cong-ressman Ronald Singson siya ngayon na mature enough para mag-alok kay Lovi ng kasal. Kaya tuloy si Ogie ay pabirong sinabihan si Lovi na pakakasal ka na ba?

“Di pa po ako magpapakasal. Wala pa po sa isip ko ‘yan,” namumula ang pisngi sa hiyang sagot ni Lovi kay Ogie.

Anyway, until now ay wala pang inaamin si Lovi tungkol sa kanila ni Cong. Ronald. Basta panay lang ang puri niya sa binatang anak ni Chavit Singson. Mabait at maalalahanin daw ito.

Pero, ganyan naman si Lovi, ‘di ba? Wala siyang inamin nu’ng panahon na sila pa ni Jolo, pero nang naghiwalay na sila, nasabi niyang mahigit dalawang taon din silang naging mag-on

Incidentally, parang nakatulong sa acting ngayon ni Lovi ang pakikipaghiwalay kay Jolo. Kasi, naging effective ang pag-arte niya sa pe-likulang Sagrada Familia kung saan isa siya sa mga bi-da.

Sa Show Me Da Manny, si Lovi ay pamangkin ni Manny Pacquiao ang role niya. Sa SOP naman, siya ay kasama sa grupo ng Cover Girls.

Nag-back-out si Lovi sa kanyang ikatlo sanang prog-rama sa GMA7, ang Panday Kids. Kasi, ‘di raw nagandahan ang young actress sa role niya sa pambatang soap na ito ng network.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 24, 2010

A Kapuso Sinulog

The rain didn’t hamper the recent celebration of the Sinulog Festival in this Queen City of the South.

The affair honoring the Sto. Niño, traditionally observed every third Sunday of January, still brought an extraordinary number of foreign and local tourists that instantly filled hotels and made local businesses more lucrative. The fluvial procession and Eucharistic Mass pushed through as scheduled. Colorful parades passed by the dazzled crowd without a hitch. Street dancing festivals with contingents from all over the province were garbed in costumes bursting in colors. They strutted in the distinctive two steps forward and one step backward routine to the rhythmic Sinulog beat. People even hummed the infectious melody, and every spectator seemed unmindful of the gloomy skies and occasional downpour.

Indeed, the annual commemorative rites, which has been observed for the past 30 years, put everyone in a jubilant mood. But what made the Cebuanos’ hearts filled more delight was GMA 7’s participation in the event dubbed as the “Mother of All Festivals. “

The Kapuso network treated everyone to two consecutive nights of fun and entertainment. Perennial onscreen partner Aljur Abrenica and Kris Bernal greeted the ecstatic audience at SM City’s covered parking area. The Last Prince stars rendered songs that elicited shrieks from the crowd. Young loveteam Joshua Dionisio and Barbie Forteza, on the other hand, received thunderous roar from the lively audience as they ascended the stage with Way Back into Love. La Diva and the Sex Bomb Girls sang and danced the night away with their boundless energy.

The lively presence and funny antics of hosts Yurri Deldig and Binibining Pilipinas beauty Anna Maris Igpit added glitter to the star-studded Kapuso Night.

But what turned SM Events Center into a hotter venue was Cebuanos’ warm welcome to the cast of Full House on the second night of the show. Deafening shrieks filled the air as Rainier Castillo and Sheena Halili sang a tender duet of Bakit Ngayon Ka Lang. Isabel Oli, on the other hand, performed I’ve Fallen for You while Patrick Garcia engaged the crowd in a kilig moment when he threw one by one three of the four shirts he was wearing while crooning Harana. An exhilarated fan fell from her seat as she got one of the shirts.

Did I see the crowd grow wilder as Richard Gutierrez and Heart Evangelista sang Fallen? The two even descended the stage to get closer to the audience.

“It’s been a while since I saw a crowd that’s so active. They sing with you and that inspires me to perform well,” Heart says. “If people in Manila are used to seeing celebrities and they just watch you perform, here the constant screaming is overwhelming. It’s nice to see them happy.”

Out-of -town shows, Heart adds, are breathers from the hectic tapings that tie her down to work until the wee hours of the morning. She, too, thinks meeting people through her show is a perfect avenue of reaching out to them.

Richard shares the same feeling as he looks forward to joining Sinulog celebration every year.

“They are so responsive and warm. You can feel the high energy,” he says.

But both laugh off speculations that there’s something more than meets the eye between them.

“I’ve been busy with work and we’re just really good friends,” Richard offers.

Full House occupies most of his time. He, too, is busy preparing for Captain Barbell to air soon on GMA.

So there, as loud and clear as the pounding of drums in the Sinulog beat. Richard and Heart need not be lovers to last together.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, January 21, 2010

Jean Garcia on "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"

ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jennica Garcia mula sa inang si Jean Garcia dahil sa pagiging rebelde nito at sa pag-aakalang ‘di siya mahal ng butihing ina. Ito ang eksena sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na mapanood sa Lunes sa GMA-7.

Say ni Jean sa eksenang pananampal kay Jennica: “Naging mahirap sa isang ina na saktan mo ang sa-riling anak, Pero kaila-ngan kong gawin dahil ‘yun ang hinihingi ng eksena. Eversince na isilang ko si Jennica ay hindi ito nakatikim ng sampal o pananakit mula sa akin. Kaya hirap na hirap akong sampalin siya sa eksena namin sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Para magawa ko ang eksena ay nag-emote ako na walanghiya siyang anak na dapat bigyan ng leksyon para magising. Kaya hayun, first time siyang nakatikim ng sampal sa akin.”

Malakas at ramdam pa rin daw ni Jennica ang sakit ng sampal ng ina after ng eksena pero kailangan daw niyang tanggapin ito dahil hinihingi sa istorya.

Banta pa ni Jean sa anak:“Kaya kailangan ma-ging mabuting anak ka at huwag tutularan ang role na ipu-portray mo. Dahil siguradong makatitikim ka ng sampal sa akin sa totoong buhay.”

Natawa at naunawaan naman ni Jennica sa sinabi ng ina at iginiit na hindi mangyayari sa tunay na buhay na magiging pasaway siyang anak .

* * *

SA presscon din ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? nakatsikahan namin si Iwa Motto, na isa sa tatlong anak ni Jean sa teleserye. Kapa-tid niya si Jennica sa ina dahil magkaiba ang kanilang ama sa istorya.

Seksi ngayon si Iwa na parang nagpa-lipo. Pero ayon sa Filipina-Japanese actress, walang niretoke sa katawan niya. Nag-reduce lang daw siya para maibalik ang dating sexy figure.

“Napansin ko these past few days na medyo lumobo ang katawan ko. Natsismis pa na buntis raw ako kaya tumaba. Kaya naman ako nag-reduce kaagad at baka iwanan ako ng boyfriend.

“Four years na kami ni Mickey Ablan. Going strong pa rin ang relationship. Katunayan, may itinayo kaming negosyo na magkasosyo. ‘Yung Fossils na maliit lang dahil nagsisimula pa lang,” tsika ni Iwa.

Inamin din niyang minsan ay natutulog sa kanilang bahay ang BF pero hindi raw sila magkasama sa kuwarto.

“Natutulog siya sa bahay namin minsan, pero katabi ko ang mommy ko at siya naman ay sa kabilang kuwarto. Bawal na bawal at magagalit si Mommy. Sa araw na lang, hahaha!” pil-yang pahayag ni Iwa.

Going back sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na kung saan ay malditang kapatid siya ni Jennica, hindi ba natatakot si Iwa na ma-typecast sa kontrabida role, laging malupit at salbaheng kapatid?

“Hindi naman ako ganoon sa tunay na buhay. Saka kailangang gawin mo ang hinihingi ng istorya or else hindi ka na bibigyan ulit ng project. Masarap guma-nap na kontrabida dahil maraming projects. Alhough masarap ding maging bida sa isang teleserye,” sagot ni Iwa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 19, 2010

Ariel at Gelli magma-migrate na lang sa Canada

Hindi na bago yung balitang magma-migrate na si Gelli de Belen kasama ang asawa niyang si Ariel Rivera at dalawa nilang anak na lalaki sa Canada na kung saan nagbuhat si Ariel.

Walang proyekto sa kasalukuyan si Gelli mata­pos ang ilang taong paghu-host ng SiS sa GMA 7 pero hindi ibig sabihin ay magtutuluy-tuloy na ito. Katunayan, may nakatakda siyang gawin na serye pero hindi pa niya puwedeng ibigay ang detalye nito.

Hindi naman itinanggi ni Gelli na talagang may plano sila na manirahan sa Canada. Andun ang pamilya ni Ariel, hindi naman as if they will be totally on their own. Meron namang tutulong sa kanila habang sinasanay nila ang sarili nila na mamuhay sa ibang lugar pero matagal pa ito, baka makalakihan pa ng dalawa nilang anak.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 18, 2010

Dingdong at Marian sa eroplano aabutan ng Valentine's Day

Sumama kami kay Dingdong Dantes sa San Fernando, Pampanga noong Sabado, na ginawa sa Bren Guiao Convention Center ang first leg ng nationwide Ayos Na! Movement na ang aktor ang lead convenor. Iikutin niya ang buong bansa para mag-organize ng 500,000 young volunteers na tutulong sa kampanya ni Sen. Noynoy Aquino.

Habang hindi pa nagti-taping ng Autumn In My Heart at bago umalis for Dubai para mag-guest sa show nina Ogie Alcasid at Regine Ve­las­quez, sa Ayos Na! at Yes Foundation muna ang attention ni Dingdong.

Sa hectic ng schedule ni Dingdong, sa erop­lano na sila magsi-celebrate ng Valentine’s Day ni Marian Rivera dahil baka pauwi na sila from Spain sa pagbisita sa father ng GF at tita niya. De­de­retso sila sa Spain mula sa Dubai para samahan si Marian sa pakikipagkita sa ama.

“Hindi totoo” at “no truth to that” ang sagot ni Dingdong sa tsikang after Autumn In My Heart ay aalis sa GMA 7 si Marian at lilipat sa ABS-CBN. Bukod sa wala ring offer ang Channel 2 kay Marian para lumipat.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Sunday, January 17, 2010

Janice, Gelli inggit sa TF ni Carmina?

Ewan ko lang kung magpo-prosper yung intriga na sinisimulang likhain between the De Belen sisters, Janice and Gelli and Carmina Villaroel. Nag-ugat ito sa diumano’y mas mataas na TF na inoffer ng GMA7 kay Carmina kesa kina Janice at Gelli para lamang mapigilan ang paglipat ni Carmina sa Kapamilya network kasama sina Zoren Legaspi at ang kambal niyang sina Casey at Maverick.

Sana naman hindi dahil walang kinalaman dito ang mga nabanggit na artista. Ito ay labanan ng mga talent managers nila na siyang nakikipag-negotiate pagdating sa TF.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 16, 2010

Marian Rivera at Dingdong Dantes, may aaminin pa

Lubos na ikatutuwa ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nabalitaan naming finally aaminin na ng dalawa ang kanilang relas­yon sa Feb­ruary issue ng Yes! Magazine. Kung totoo ito, ta­mang-tama ang labas ng ma­gasin sa Valentine’s Day.

Pre-programming din kumbaga ang labas ng Yes! sa balik-tambalan nina Marian at Dingdong sa End­less Love: Autumn In My Heart na eere sometime in April.

Samantala this Saturday, nasa San Fernando, Pam­panga si Dingdong at may meeting siya sa mga kabataan na members at gustong mag-member sa Ayos Na! na susuporta sa kandi­datura ni Sen. Noy­noy Aquino. Tingnan natin kung sasama sa kanya si Marian. (What kai­langan pa ba nilang umamin?

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Nora Aunor, naloko na naman ng promoter sa Canada

May problema pa rin pala hanggang ngayon ang Canada concert tour
ng superstar na si Nora Aunor dahil hindi tumupad sa usapan ang promoter ng concert at si Guy (Nora) ang mga producers ng limang lugar sa Canada ang naiipit.

May pinirmahang kontrata si Guy sa isang promo­ter sa Canada para sa limang guaranted shows sa iba’t ibang lugar tulad ng Vancouver, Toronto, Edmonton, Winnipeg, at Calgary.

As in any contract, may down payment upon signing of the contract - usually 25% or 50%. Ang may kon­trata ay bet­ween Guy at ang promoter sa Canada at ang promoter naman ang may hiwa-hiwa­lay na kontrata sa iba’t ibang producer sa mga lugar na nabanggit, unless iisa lamang ang producer ng limang shows sa magka­kaibang lugar.

Sa simula pa lamang ay hindi na tumupad ang promoter sa usapan at laman ng kontratang kanilang nilagdaan ni Guy. Ang kabuuan ng down­payment ay hindi pa naibibigay kay Guy samantalamg naibigay na ng concert producers ang full downpayment sa promoter.

Pinagmukhang kawawa ng promoter si Guy para i-follow-up ang kabu­uang bayad pero hindi na siya kina­kausap nito. Ang problema, si Guy ngayon ang naiipit sa mga producers na hindi naman niya direktang kausap.

Na­­­lu­­lungkot si Guy sa mga nangyayari. In good faith ang kanyang pagtanggap ng offer at pagpirma ng kontrata at nakatanggap siya ng kabayaran (partial) na $8,000 (hulugan pa). Kung hindi sisiputin ni Guy ang shows niya sa Canada, siya na naman ang mapa­pasama pero wala siyang kasalanan sa aspetong ito. Ang promoter ang kanyang hinahabol at ito rin dapat ang habulin ng mga producer.

“Diyan ako parati nasisira. Ang ending, ako parati ang may kasalanan dahil hindi naman alam ng mga tao ang totoong dahilan,” malungkot na pahayag ni Guy.

Pero isa kami sa umaasa na maaayos ang problema at magkaroon na lamang ng direktang kasunduan sa pagitan ni Guy at ng mga producers. In the meantime, puwedeng habulin ni Guy at ng mga producer sa Canada ang promoter dahil ito ang punu’t dulo ng problema.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 15, 2010

Jolina Magdangal parang si Lady Gaga

“Soon” ang sagot sa amin ng isang tinanong kung kailan babalik sa SOP si Jolina Magdangal at magu­gulat daw ang viewers sa bagong image ng singer-ac­tress. Ipinakita na raw sa mga taga-SOP ang pic­tures o video ng “new Jolina” na mala-Lady Gaga nga.

Umaasa ang mga nasa likod ng new image ni Jo­lina na magugustuhan at tatanggapin ng viewers ang bago niyang katauhan. Kaya lang, hindi raw muna ipapa-interview si Jolina sa press ‘pag nakabalik na siya sa SOP, bakit kaya?

Hindi na mami-miss ng kanyang fans si Jolina pagbalik niya sa SOP, samantalang tuloy pa rin siyang ma­pa­panood sa Dear Friend at kasama siya sa cast ng Panday Kids as the mentor ng panday kids. Sa second quarter ng taon naman ito eere.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, January 14, 2010

GMA treats Claudine Barretto well

LIKE anyone else who is undergoing adjustment periods, Claudine Barretto has to toe the line with the new people she meets at the Kapuso network.

At this stage, Claudine has yet to make sense of the system at her new home studio.

Although she is slowly building working relationships on a positive note inasmuch as she has been greeted with words of welcome, there is no denying the fact that an adjustment period has its psychological and social dimension, too.

As such, there is no way of telling whether Claudine is adjusting well or not.

Nonetheless, what revealing experiences would come Claudine’s way?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 13, 2010

Kapuso stars in Sinulog 2010

Lead stars of GMA 7’s primetime programs will join the Sinulog Festival this weekend beginning Friday.

First up is GMA Network’s Serbisyong Totoo Campus Tour on Jan. 15 via the launch of the Sayaw Galaw automation dance contest with the Sexbomb Dancers.

The Sexbomb Dancers will perform the bouncy election automation song, Bilog na Hugis Itlog at the Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center together with the popular dancing inmates. The performance will be aired live via GMA 7’s early morning show, Buena Mano.

There will be Campus Automation Dance visits at Brgy. Sambag 1 and South Western University by GMA TV Cebu Dancers.

In the afternoon, all roads will lead to SM City Cebu’s North Covered Parking lot as Aljur Abrenica, Kris Bernal, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, La Diva and the Sexbomb Dancers topbill the Kapuso Night.

Activities begin at 3 p.m. with the opening of the sponsors’ booths, followed by on-ground games at 5 p.m. The Kapuso Night starts 6 p.m. with a grand production number where 60 dancers chosen from the launch of the Sayaw Galaw contest will take centerstage.

La Diva will render songs especially chosen for the night.

On Jan. 16, Full House’s Richard Gutierrez and Heart Evangelista together with Isabel Oli, Patrick Garcia, Sheena Halili, and Rainier Castillo will take part in the Kapuso Volunteerism Program in SOS Children’s Village, Talamban Proper.

The cast will then troop to the Entertainment Center of SM City Cebu for the Kapuso mall show.

On Jan. 17, the Full House cast will ride the Kapuso Float which will take part in the Sinulog Grand Parade. The live parade coverage will be aired live via GMA TV 7 Cebu from 8:30 a.m.to 12 noon by Buena Mano and Balitang Bisdak production team.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 12, 2010

Krista Ranillo hindi nagsisisi na nakasama sa WAPAKMAN

Finally, humarap na rin si Krista Ranillo at sinagot ang kontrobersiya tungkol sa kanila ni Manny Pacquiao.

Sa The Buzz last Sunday ay nilinaw ni Krista ang isyung nagtungo siya sa Amerika kasama ang alagang aso ng naka-Business Class seats sa eroplano.

“It’s common sense naman na ‘pag may kasama kang hayop sa biyahe, sa cargo sila nilalagay,” maanghang na sagot ni Krista.

Ayon pa sa dalaga, sa cargo ng eroplano niya ipinalagay ang alagang aso dahil ‘yun talaga ang patakaran.

Sa intriga namang naka-Business Class siya, “Nagta-trabaho ako rito, nagsasayaw, gumagawa ng pelikula para kumita. So, kung ano man ang ginagastos ko, I deserve that.”

Ano ang kanyang reaksiyon sa sinabi sa misis na Manny na hate siya nito, sagot ni Krista, “Ako, I don’t hate anyone. It’s New Year, I don’t want to hate anyone.”

Nag-deny din itong buntis siya at hinamon ang nagkakalat ng balita na patunayan ito.

Iginiit pa ng aktres na may isang proseso kung saan malalaman sa dugo kung buntis ang isang babae at ora-mismo ay magpapakuha siya ng tests para mapatunayang hindi siya buntis.

ChanSinabi rin ni Krista na hindi niya pinagsisisihan na naging bahagi siya ng pelikulang Wapakman, dahil ito ang kanyang kauna-u-nahang villain role kahit maliit lang ang kanyang naging partisipasyon sa pelikula.

Nagbunga man ng sob-rang kontrobersiya ang pagsali niya sa pelikula, tila walang bahid ng pagsisisi sa mukha ng aktres dahil alam niya kung ano ang totoo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Fantaserye ng Kapuso tiyak aabangan ng mga bata

Ang Kapuso ay may apat na fantaserye na tiyak na aabangan at susubaybayan ng mga bata. Una ang tambalan ng “Royal Teen Couple of Philippine Television” na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal via The Last Prince na nagsimula nang umere kahapon.

Kasama sa cast ang mga respetadong artista na sina Carmina Villaroel, Eula Valdez, Emilio Garcia, Geoff Eigenmann,Carla Abellana at Princess Punzalan. Gayundin sina Angelu de Leon, Benjie Paras, Bianca King, Bubbles Paraiso, Chanda Romero, Paolo Paraiso, Chynna Ortaleza, Elvis Gutierrez, Steff Prescott, Karen delos Reyes, Joey Paras , Nicole Sanoy at Rita Iringan. Ito ay mula sa direksyon ni Mac Alejandre, ang direktor ng blockbuster na Ang Panday.

* * *

MULI ring ibabalik ang Captain Barbell ng GMA-7 at ang top-rater na Encantadia nina Iza Calzado at ang tiyak na susubaybayan ay ang version ng Panday Kids kung saan kasama sa cast ang kapapanalo lang bilang 2009 MMFF Best Child Performer na si Buboy Villar para sa pelikulang Ang Panday.

Sa limang bagong programang ilulunsad ng Kapuso ay iisa lamang ang drama at ito ay ang Diva, tampok ang triangle nina Regine Velasquez, Mark Anthony Fernandez at Glaiza de Castro.BALIK-TRABAHO si Sen. Bong Revilla matapos ang pamamayagpag ng kanyang Ang Panday sa 2009 Metro Manila Film Festival.

At kung naging abala man si Sen. Bong sa katatapos na taunang film festival ay naging doble naman ang kanyang kasiyahan nang lagdaan ni Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo ang panukalang batas na kanyang inakda para maging lehitimo ang mga anak ng underage parents.

Ayon kay Sen.Bong, sa naturang batas ang anak ng menor-de-edad na mga magulang ay magkakaroon ng benepisyong katulad ng natatanggap ng isang lehi-timong anak, partikular sa usapin ng mamanahin.

“Nasasaad sa ilalim ng Family Code na maaari lang makatanggap ang illegitimate children ng kalahati na makukuha ng isang lehitimong anak. Ngayon, dahil sa ating inakdang bagong batas , ang anak ng menor-de-edad na magulang ay ituturing na legitimate kapag nagpakasal na ang kanilang mga magulang at magkakaroon ng pantay na hati sa mana,” paliwanag ng butihing senador.

“Alam naman na natin na ang underage parents ay hindi maaaring magpakasal hanggang hindi sila sumasapit sa 18 years old. Ito ay kinukunsiderang impediment sa ilalim ng kasalukuyang Family Code at taliwas sa Child and Youth Welfare Code na naggaga-rantiya na itataguyod ng gobyerno ang kapakanan at kabutihan ng bawat bata at pangangalagaan ang kanilang karapatan,dignidad at personalidad,” dagdag pa ni Sen.Bong.

Bukod dito, makakaiwas ang tinedyer na magulang sa magastos at matagal na pro-seso ng adoption.

Batay sa survey, mara-ming underage parents na ngayon, kabilang sa mundo ng showbiz at karamihan dito ay hindi pa nagsasama at tanging ina lang ang nanga-ngalaga sa kanilang anak.

Mayroon pa na ipinagkakait sa ama ang kanilang anak at hindi nabibigyan ng pagkakataon na maipadama sa bata ang pagmamahal ng isang ama.

Gayunman, dahil sa ba-gong batas na ito, nakasisi-guro ang mga anak na mag-kakaroon ng mana sa kanilang mga magulang.

Sana rin ay maisip ng magulang na bawat desisyon na kanilang ga-gawin, ang kanilang mga anak ang higit na naaa-pektuhan at sa bandang huli baka sila pa ang sisihin ng mga ito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 11, 2010

GMA 7 New Programming Line-up

Simula ngayong Lunes, Enero 11, may bagong programming sche­dule ang GMA Network na magpapakita sa iba’t ibang genre - film, musical, drama, reality, anime.

Sa morning block, Kapuso Movie Festival ang mapa­pa­nood ang leading at longest-running noontime show, Eat Bulaga.

Samantala, back-to-back ang Dramarama sa Hapon na Kaya Kong Abutin ang Langit (na pinagbibidahan ni Iza Calzado) at Tinik sa Dibdib (na pinagbibidahan ni Nadine Samonte). Susundan ito ng Slamdunk ngayong Lunes at One Piece sa Martes.

Simula Miyerkules hanggang Biyernes, ang Bilib Ka Ba Araw-Araw Presents na kinabibilangan ng Ripley’s Believe It Or Not, OC to the Max at Wow Hayop ay mapapanood na sa mas maagang oras, pagkatapos ng Tinik sa Dibdib. Ripley’s Believe It or Not ang mapapanood sa Miyerkules, OC to the Max sa Huwebes, at Wow Hayop sa Biyernes.

Ang much-anticipated team up nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa The Last Prince ay magde-debut ngayong Lunes pagkatapos ng Darna sa GMA Telebabad. Susundan ito ng Full House
nina Richard Gutierrez and Heart Evangelista. Ang Starstruck V Daily Updates ay magkakaroon ng five-minute intrusion sa morning, afternoon, at primetime blocks.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez may bukol sa matris

Bumalik pala ang polyp o lump (bukol) sa matris ni Regine Velasquez kaya ito naospital kamakailan. Nawala na raw noon ang mga nasabing bukol pero na-detect na nagbalik ang mga ito ayon sa source.

Alaga ng OB-Gyne si Regine dahil hindi naman niya inililihim sa mga kaibigan niya na gusto na nilang magkaanak ni Ogie Alcasid.

Naghahabol na sa huling biyahe ang singer/actress. Hindi na nga naman paurong ang panahon.

Kailangan na niyang magkaanak bago mahuli ang lahat.

Hindi naman delikado ang polyp (mucous lining of an organ) dahil kalimitan ay benign ang ganito. Pero naniniguro raw sila Regine. Mahirap na raw magsisi sa huli.

Balitang maraming nabibiting trabaho si Regine dahil dito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 10, 2010

Panday Part 2 sisimulan na!

SISIMULAN na ang part 2 ng Panday, ang obra ni Komiks King at 2009 National Artist Carlo J. Caparas.

Ito ang napag-alaman ng Tonight mula sa “showbiz buzz” matapos maitanghal na certified at undisputed top grosser ng Metro Manila Film Festival ang action-fantasy-adventure film na tinampukan ni Sen. Bong Revilla bilang Flavio.

Inalay ni Revilla ang tagumpay ng Panday kay legendary King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. Sinabi din ng senador na saludo siya kay Carlo J at kinikilala niya ito bilang 2009 national artist.

Mas pinalaki at pinaganda ang Panday Part 2 na sisimulan ngayong 2010.

Ang Panday ay namayagpag dahil ito ay pinagkagastusan ng higit sa P70 milyon, state-of-the-art effects nito, global competitiveness at technical quality lalo na ang Dolby “surround sound” nito na ginawa pa sa Bangkok.

Malaki din ang appeal sa manonood ni Revilla, Phillip Salvador at Buboy Villar. Best actor si Revilla, best supporting actor si Salvador at best child performer si Villar.

Nagtapos noong Enero 7 ang MMFF, at batay sa opisyal na resulta sa gross receipts ng mga 7 MMFF entries ay Panday pa rin ang nanguna sa sa takilya. Ang kita nito ay umabot ng P99.4 milyon.

Naging crucial ang kita ng Panday noong Dec. 25, 30, 31 at Enero 1 at 2, kung saan umabot ito ng hanggang P8 milyon isang araw.

Natamo naman ng MMFF ang overall na gross receipts na P437 million.

Hindi man nakamit ang P.5 bilyon na kita ng MMFF ay masaya at kontento na rin ang mga organizers ng festival. Ito ay dahil sa gitna ng mga sumalanta sa bansa lalo na sa Luzon dulot ng tropical storms na Ondoy at Pepeng ay nakalikom pa ito ng malakas na kita sa takilya.

Nakuha din ang naturang P437-million gross receipts na kita kahit na pito lamang ang entries.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera's beauty skin deep?

THE captivatingly beautiful Marian Rivera does not even care anymore to answer allegations of being quite prickly, snappish and ill-tempered.marian

This time, a make-up artist was reportedly sent home by Marian who does not want to air her side of the story.

A very thin line exists between being able to express dissatisfaction in a kind and tactful manner, a socially-acceptable behavior, and to express it in a rather sharp, careless and inconsiderate way.

Can Marian’s silence about the matter be considered an indication of the truth to the allegation?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 09, 2010

Marian Rivera dadalhin si Ding­dong sa Spain

Extended ang top-rating fantaserye ni Marian Rivera na Darna sa GMA 7 kaya malamang na ma-delay ang pag­sisimula ng Pinoy version ng Koreanovela na Endless Love na siyang magbabalik sa tambalan nila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Parehong masaya ang magkasintahang Marian at Ding­dong dahil magkasama sila nung nakaraang Pasko at Bagong Taon. Magkasama rin ang dalawa kasama ang pamilya ni Dingdong sa Boracay na first time narating ng aktres.

Kapag natuloy ang show nila ni Dingdong sa Dubai para sa GMA Pinoy TV, malamang na tumuloy sila ng Spain para dalawin ang kanyang Spanish dad.

Matagal nang plano ni Marian na makipagkita sa kanyang ama sa Spain pero parati itong nauudlot dahil sa kanyang very tight schedule. Pero gusto niyang ma­tuloy ito bago pa man nila simulan ni Dingdong ang taping ng Endless Love na balitang magsisimula sa buwan ng Abril.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 08, 2010

Alkris pantapat ng Kapuso sa Kimerald

Palabas sa Lunes ang The Last Prince sa GMA. Pinagbibidahan ito nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Aba, nagmimistulang ka-level na ni Aljur sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes bilang prime leading men ng GMA dahil sunud-sunod din ang kanyang show. Kapansin-pansin din na lagi na lang hinuhubaran si Aljur sa kanyang mga teleserye.

Sa teaser ng The Last Prince ay sexy ang kanyang costume kung saan nakikita ang kanyang abs. May eksena rin siyang natutulog sa kama nang nakahubad at natatakpan lang ng kumot ang kanyang harapan.

Hindi naman sumipot sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa grand prescon ng The Last Prince. Hindi kaya dahil supporting lang sila kina Aljur at Kris dito? Parang na-demote nga ang dalawa na pagkatapos na magbida sa Rosalinda ay second fiddle na lang sila ngayon sa mas batang love-team nina Aljur at Kris.

Nagbabalik din ang paborito naming kontrabida na si Princess Punzalan na limang taon ding nanahimik sa Amerika para mag-aral ng Nursing at mag-asawa ng isang Amerikano. Sa Sta. Monica, California siya naka-base at umuwi last December sa Pilipinas para magbakasyon.

Habang nandito siya ay sinabihan niya ang kanyang manager na si Angeli Valenciano kung may project sa kanya ay puwede siya dahil na-miss din niya ang pag-arte. Heto nga, bigla siyang isinalang sa The Last Prince bilang Alwana. Kailangan nga lang niyang bumalik sa States sa katapusan ng January dahil babalik na siya sa school. Kaya inuuna nang i-tape ang lahat ng mga eksena niya.

Siguradong ikakatuwa ng mga bata ang special effects ng The Last Prince. Very fairy tale kasi ang dating ng istorya. The new teleserye also reminds me ng mga costume movies ni Ricky Belmonte noong ‘60s. Hindi kaya gustong ibalik ng GMA ang golden era na ‘yun?

* * *

Napansin naming nakasuot ng contacts na hazel brown si Aljur. In fairness bumagay naman ito sa kanya. Kailangan daw kasi ito sa character niya bilang si Prinsipe Almiro.

Nitong nakaraang Pasko ay niregaluhan siya ni Kris ng isang wireless earpiece para hindi na siya mahirapan sa pakikipag-usap sa dalaga sa cellphone nang matagalan. In return, niregaluhan naman niya si Kris ng isang sexy dress na ga-ling sa Dubai.

Halatang bini-build-up nang husto ng GMA ang dalawa bilang pantapat kina Kim Chui at Gerald Anderson ng ABS-CBN.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Kris Bernal dapat magpataba

Bonggang-bongga ang live presentation for the eyes of the showbiz press ng newest telefantasya ng GMA-7 na The Last Prince nu’ng isang gabi. Feeling tuloy namin, nasa kaharian kami ng royal family ng England. Kuntodo naka-royal costume kasi sina Carmina Villarroel at Emilio Garcia bilang reyna at hari ng Paladino gayundin si Bubbles Paraiso bilang prinsesa at Aljur Abrenica bilang prinsipe.

Nu’ng una, hindi pa mukhang royal blood ang ka-loveteam dito ni Aljur na si Kris Bernal, pero nu’ng magsayaw na sila at naka-gown na ng puti with matching korona si Kris, nagmukha na rin itong prinsesa.

Kaso, dapat magpataba itong si Kris.

Super bongga ang cast ng The Last Prince. Bukod kina Aljur, Kris, Carmina, Emilio at Bubbles, kasali rin sa cast sina Eula Valdez, Chanda Romero, Angelu de Leon, Chynna Orteleza, Benjie Paras, Paolo Ballesteros, Elvis Gutierrez, Karen delos Reyes, Joey Paras, Steff Prescott, Francis Magundayao, Rita Iringan, Angeli Nicole Sanoy at ang nagbabalik-showbiz na si Princess Punzalan.

Kasama rin sa cast ang loveteam nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, pero hindi naman pala sila support kina Aljur at Kris bagkus they play very special roles.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 05, 2010

Regalong kotse ni Jolo, isinoli ni Lovi

May umamin na sa kampo ni Jolo Revilla that, indeed, he gifted Lovi Poe with a car. Although hindi brand new, it’s a Beetle (which is a rare brand now) na model 2006.

Naisauli na diumano kay Jolo ni Lovi ang kotse days before she was spotted in Boracay kasama si Ronald Singson, anak naman ng deputy national security adviser na si Chavit Singson.

Ewan nga lang daw ng nagbalita sa amin kung kasabay sa pagsauli ni Lovi kay Jolo ng Beetle model 2006 ay ibinalik rin niya ang mga bagay-bagay, reportedly amounting to more than P250,000 na pinamili nila ni Jolo (for her) sa isang shopping spree before Christmas.

Now, regarding Lovi’s supposed rendezvous naman with Ronald in Boracay, dala raw siguro ng maganda at romantic surrounding ng lugar, the two got carried away and really made a public display of affection for each other.

Now, Ian F., since Congressman Ronald (of Ilocos Sur) can well afford it, it will not be surprising if he also gives Lovi a car at brand new pa. Of course, not just a Beetle, ha.

Sabi nga ng isang kilalang broadsheet columnist, Congressman Ronald knew about the Beetle Jolo gifted Lovi. By then, however, sila na ng aktres.

Ganunpaman daw, hinayaan ni Ronald na tanggapin ni Lovi ang regalong kotse ni Jolo. To quote the columnist verbatim: “He (Ronald) respects their past.”

* * *

If Congressman Ronald’s name sounds familiar, it’s not only because he is the son of Chavit.

Neither is it because kasosyo siya ni Jomari sa businesses nito, which include concert producing, among others.

It is reported that their group will soon start managing the Makisig Channel.

In a tete-a-tete we had with Jomari, he said they will transform it into a reality music station.

Congressman Ronald was also linked before to actresses Angelu de Leon and Sunshine Dizon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 03, 2010

Aljur Abrenica avoids women

THE big-budget telefantasya-romance, "The Last Prince,” a combination of various well- loved fairy tales, will premiere on January 11, replacing the Christmaserye, "Sana Ngayong Pasko,” that ends this week. Its stars, Aljur Abrenica and Kris Bernal, are understandably nervous about it. "Siyempre, ang love team namin ang magdadala nito kaya mataas ang expectations sa amin kaya we're nervous about it," says Kris. "But with the help of our director, Mac Alejandre, we're able to give our best and we're confident viewers will love it."

"In my case, I'm more excited than nervous about it," says Aljur. "Kakaiba ang roles namin ni Kris and GMA7 really spent so much for the costumes, the sets, the special effects. They built a special set, including our own palace, in Tanay to make the taping of 'The Last Prince' will go on smoothly."

Aljur plays the title role as Prince Almiro, a womanizing young man who'll be punished for crushing the hurts of many women. Can he identify with the role in real life? "No, hindi naman ako babaero. Lalo ngayon, talagang I avoid being close to women I don't really know after that sad experience na kinasuhan pa ako kahit wala akong kasalanan."

[via]

Labels:


Continue Reading...

LJ Reyes' sexy poses shocks Ryza

RYZA Cenon's batch mate in “Starstruck 2,” LJ Reyes, has already posed for FHM magazine. Will she be the next one to follow? "Sobrang nagulat ako when I saw her pictorial sa December issue," she says. "When I first heard about it, I thought it's not true as I know she's been asked to do that before but she turned it down. Sabay pa nga kaming inalok but like me, ayaw rin niya kasi I know conservative siya. I really don't know how they were able to convince her to pose in a two-piece bikini. As for me, hindi pa ako ready. I am not saying I'm closing my doors on it but, as of now, happy naman ako sa career ko kasi di naman ako nawawalan ng project, so I don't feel I need to show skin in a men's magazine at this point."

Ryza is featured in the "Dear Friend" episode that starts this afternoon after "SOP Fully Charged" entitled "Bakasyonistas.” Relive this romantic episode that explores the many faces of love and its intricacies. With Ryza are I-sabel Oli, Mark Herras, Sheena Halili, Rainier Castillo and Chris Cayzer, directed by Gil Tejada.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 02, 2010

Being among Top 3 is good enough

His entry in the ongoing Metro Filmfest, Ang Darling Kong Aswang, finished No. 3 Best Picture in last Monday’s Gabi ng Parangal and is safe and secure among the Top 3 moneymakers. (Official results as of Dec. 31: Ang Panday, P58M; Ang Darling Kong Aswang, P56.5M; Shake, Rattle & Roll XI, P53M; I Love You, Goodbye, P51M; Mano Po 6: A Mother’s Love, P25M; Nobody, Nobody But... Juan, P23M; and Wapakman, P2.1M.)

“Good enough,” said Vic Sotto whose M-ZET Productions co-produced Aswang with Orly Ilacad’s OctoArts Films and Antonio P. Tuviera’s APT Entertainment, Inc. “Sobra pa sa sapat ang tuwa ko. Satisfied na ako, happy na ako especially nang makita ko ang kasinghaba na pila. Masaya na ako to see the people na nagtatawanan at nag-i-enjoy sa panonood sa loob ng sinehan, sa mga nagti-text ng congratulations at sa mga tumatawag. ‘Yung award, bonus na lang ‘yon.”

Directed by Tony Reyes and with Cristine Reyes as Vic’s co-star, Aswang is Vic’s 10th Metro Filmfest entry. The nine others, also moneymakers, were two Okay Ka, Fairy Ko flicks, four Enteng Kabisote flicks, Lastikman, Fantastikman and Iskul Bukol 20 Years After. Contrary to popular belief, Aswang doesn’t ride on the popularity of the Twilight/New Moon phenomenon.

“For one thing,” said Vic, “it’s not about vampires but our very own aswang myth.”

Vic is generous that’s why he’s reaping the rewards of good karma. Even after his GMA sitcom Fulhaus (which he himself produced) has been off the air, Vic gave his office staff not only their bonuses but also their 13th-month pay.

“Hindi nagtatagal sa bulsa ko ang pera,” said Vic when asked how much he’s worth now. “I don’t count; I share. Anyway, you can’t bring your money doon sa pupuntahan nating lahat.”

Incidentally, another comedy that you should watch in the Metro Filmfest is the Dolphy starrer Nobody, Nobody But...Juan, directed by Dolphy’s son Eric Quizon who also stars in it as the strict supervisor of a senior-citizen in Chicago where Dolphy plays one of the residents.

One of the funniest scenes shows Dolphy and his fellow inmates in Pampers and diapers staging a strike against Eric’s character who wouldn’t let them watch Wowowee through which Dolphy meets his long-lost ladylove (played by Gloria Romero). Nobody isn’t doing bad contrary to what some people think, so far grossing P23M. Not only good but very good — in any currency.

Vic paid Dolphy a tribute when, asked who his favorite comedian is, he answered without a second thought, “Si Dolphy. He’s my idol.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 01, 2010

Marian at Dingdong, pinag-uusapan na ang kasal?

Until now na confirmed na may relasyon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Marian still would not want to refer to Dingdong as her boyfriend.

Best friend, iyan ang turing ni Marian kay Dingdong.

But there’s no denying na ’di lang actually sila best friends, as they consider each other as very special sa isa’t isa.

She is happy, ultra happy, when she is with Dingdong. And vice versa.

As sweethearts, have they talked about marriage?

Both are of the marrying age. Marian is in her mid-20s. Nasa kanyang late 20s naman si Dingdong.

“We do,” sagot ni Marian. “Although, kung tungkol sa kasalukuyang samahan namin ang pag-uusapan, parang ’di na naman kailangan ang magpakasal pa.

“We are close as can be. At nagkakaintindihan kami sa lahat ng bagay.”

GMA-7 is reportedly currently preparing a soap na pagtatambalan ulit nilang dalawa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ariel Rivera in "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"

May bagong show si Ariel Rivera sa GMA 7, kapalit nang hindi niya pagkatuloy sa role ni Eddie Garcia sa TV remake ng Gumapang Ka sa Lusak. Kasama siya sa cast ng SineNovela ng network na Ina, Kasusuklaman Ba Kita? tampok ang mag-inang Jean at Jennica Garcia.

Given nang mag-ina ang role nina Jean at Jennica, ang hindi pa namin alam ay ang role ni Ariel. Sa kuwento ni Jean, ang love ng ama ng kanyang anak sa istorya ang magiging conflict nila ni Jennica. Pini-presume naming si Ariel ang gaganap na ama ni Jennica sa bagong SineNovela ng Kapuso.

Kasama sa cast si Paulo Avelino at nakaamoy na kami ng intriga. Bago ma-link si Paulo kay LJ Reyes, una siyang na-link (nanligaw pa yata) kay Jennica at nakita namin nang bumisita siya sa storycon ng Adik sa ’Yo para lang makita
ang young actress.

After Jennica, kay Jean naman na-link si Paulo after magpahayag na crush niya ang aktres at ngayon, magkakasama silang tatlo sa soap. Maganda ito!

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites