<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, March 29, 2010

Marian Rivera at Dingdong Dantes Movie Teaser

May teaser na ang movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na You To Me Are Every­thing kahit five days pa ang natitirang shooting. In fact, after Party Pilipinas kahapon, bumiyahe ang dalawa sa Baguio and up to Wednesday na ang shooting nila.

Thursday to Sunday, makakapagpahinga si Marian at after Holy Week, itutuloy ang naiwang two shooting days. Kailangang matapos ang movie dahil aalis sila ni Dingdong sa May 13 para mag-guest sa US/Canada shows nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Bago umalis, magti-taping na ang aktres para sa Endless Love, pero ‘di pa alam kung paano isisingit sa schedule.

Tampok pala si Marian sa Holy Week Special ng APT Entertainment na airing sa Black Satur­day sa GMA 7 entitled Anghel Sa Lupa directed by Joel Lamangan.

Gandang-ganda si Marian sa script na may pagka-heavy drama at masaya siyang makatrabaho sa TV for the first time si direk Joel dahil sa movies niya ito nagiging director.

Also, may bago at malaking endorsement si Ma­rian, siya ang face ng Panasonic at lahat ng ap­pliances na gawa ng Panasonic, siya ang en­dor­ser. Pumirma na siya ng kontrata at makikita na ang billboard at print ads niya para rito.

You To Me Are Everything Movie Teaser:


[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Bautista joins Party Pilipinas

Tama ang desisyon ni Mark Bautista na lumipat sa GMA 7. Very important star ang treatment sa kanya sa launching ng Party Pilipinas kahapon hanggang sa Showbiz Central.

Sa intro pa lang, bongga na si Mark.

Isa si Mark sa maraming artista ng GMA 7 na present sa launching ng sunday show ng Kapuso na literal na nag-join lahat ng mga Kapuso stars except siyempre sa mga beterano na. As in lahat ng sikat na Kapuso stars ka-join.

Infairness, sosyal ang stage nila. Gumagalaw-galaw at alam mong ginastusan.

Pero parang the same pa rin with SOP except sa super laking stage at nadagdagan ng host. At mataas ang level ng energy.

Actually, inaabangan ang kick off ng Party Pilipinas. Sa Twitter, ang daming nagri-react. Maraming nagandahan, pero yun nga, ang dami ring nagsasabi na para pa ring SOP ang programa dahil andun pa rin naman ang dating nasa SOP.

Si Fusion naman daw, parang ka-level lang ni Mark Herras ang galaw na inimport pa ng GMA 7.

Tanggap naman ni Ogie Alcasid na hindi lahat ay nasiyahan sa unang presentation
nila. “Thank you for all the comments! Positive and negative! We will try to improve pa! Have a blessed Sunday!,” tweet ni Ogie after the show.

Ang hihintayin na lang natin ay kung anong rating ng Party Pilipinas.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 27, 2010

Marian Rivera Updates

INAMIN ni Marian Rivera na madalas siyang tawagan ng amang nasa Spain, pero itinanggi niyang tungkol sa pagpapakasal nila ni Dingdong Dantes ang kanilang pinag-uusapan.

“Madalas talagang tumatawag si Dad ko. But we’re not talking about ‘yung sa amin ni Dong, lalo na ‘yung planong pagpapakasal. Malayo pa ‘yun,” say ni Marian sa taping ng Show Me Da Manny sa Studio 6 ng GMA-7.

“Sana naman huwag nila kaming pangunahan, Kasi kami, we are very happy and contented sa sitwasyon namin ngayon. Never na pinag-usapan namin ang very serious matter gaya ng pagpapakasal. Hindi naman ganoon kadali ‘yun. May priorities pa kami na dapat unahin sa aming buhay,” katuwiran pa ni Darna

“Basta kapag tuma-tawag sa akin si Dad, lagi siyang may advice at tungkol sa amin ‘yung napag-uusapan namin. Tulad kung kai-lan siya magbabakasyon or kailan ako papasyal ulit doon sa kanya. Kaya natatawa na lang kami ni Dingdong kapag tungkol sa kasalan ang usapan. Kasi kahit pa we really love each other so much, hindi pa naman kami sure kung hanggang kailan tatagal ang relationship namin, di ba?

“Marami pang araw na daraan at marami pang puwedeng mangyari. Siguro, mas mabuti na maging masaya na lang kami anumang mayroon kami nga-yon. And I wish na magtagal kami, parang ‘yung bago naming show na Endless Love,” patuloy ni Marian.

Samantala, masaya at matatag pa rin ang barkada ng SMDM kahit hindi pa nakapagte-taping si Manny Pacquiao dahil magiging busy ito sa pangangampanyang congressman sa Sarangani Province.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 26, 2010

ASAP at Party P tatapatan ng PO5

Isa sa mga shows na ini-announce sa trade launch ng TV5 kagabi ang Sunday game-musical-variety show nilang PO5 o Party On 5 na pantapat sa ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA 7. Hosts nito sina Ryan Agoncillo, Lucy Torres, JC de Vera, Alex Gonzaga at John Estrada. Kasama rin sina Rainier Castillo, Jan Nieto at ilang galing sa Philippine Idol.

Puwedeng Premyo On 5 ang ibig sabihin ng PO5 dahil sa big cash prizes na ipamimigay at pinaghalong Eat…Bulaga at Wowowee ang concept nito. Sa April 11, magsisimula ang live show ng PO5. Pare-parehong may Party ang title ng Sunday shows ng three networks, Party On 5, Party Pilipinas at All Show After Party o ASAP.

Idea ni Noel Ferrer ang title na PO5 at Pa­parazzi, ang showbiz talk show ng TV5 hosted by Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Gu­tierrez. Kasama rin si Shalala bilang voice-over announcer at taga-GMA 7 din siya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 25, 2010

GMA Summer Station ID 2010 – Sama-Summer Na

GMA Summer Station ID 2010 – Sama-Summer Na!

Labels:


Continue Reading...

2 Best Actress nominations for Iza Calzado

GMA Artist Center (GMAAC) talent Iza Calzado scored two Best Actress nominations in this year awards season.

“I cannot begin to describe the way I feel about being nominated in Gawad Urian and ENPRESS Golden Screen for Best Actress,” says Iza. She said she is truly grateful for these nominations, adding that “it is such an honor to be in the same league as great actresses such as Vilma Santos, Eugene Domingo, Irma Adlawan, Janice de Belen, and Sharon Cuneta for ENPRESS.”

Just to be nominated alongside these actresses, Iza says, “I feel like I have already won.”

The actress is cited for her role in Joel Lamangan’s socially-aware film Dukot. Iza says she owes everything to the director.

“It all started with (him). He would tell me before, that one day, he would like to do a film with me and I will play the lead.” Iza recounts that it was during the filming of Desperadas 2 that he told her about the role of Maricel in Dukot. “He was excited because he said that the project he wanted for me to do, was already being planned.”

Iza shares that she didn’t even have to consider anything. “I was more than happy to do the film.” Although Iza admits to being scared at first, upon finding out about the film’s political theme, the challenge excited her as well. “I had never done anything like that before. (And) upon reading the script, I became a hundred percent sure that I wanted to make this film.”

She confesses, “I even got emotional during our story conference. After seeing pictures and footage of people who were killed, abducted and missing.” Iza describes that during the making of the film
, during the rape scene specifically, she felt really angry. “I would never wish that for anyone — even for people that I don’t really like.”

“I only wish that we could live in a society that is free from all these pain, suffering, and injustice.” Iza remarks, “one can dream, right?”

Until that time though, Iza thinks films like Dukot should continue being produced. “It is very important to keep making these films because it is a very powerful eye-opener for people everywhere.” Films like Dukot, according to Iza, show realities that people don’t often see or know about, because they are caught up in their own worlds.

“You see, it’s one thing to hear about this kind of news, or read about it, but watching a film that shows what can or did happen, to someone abducted or killed, is always powerful.”

“So long as these incidents happen, we must continue to show the realities of these events, so that people can continue the fight for justice.” Iza ends with a quote from Metallica, “And justice for all.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 24, 2010

Party Pilipinas sa March 28

Malaki ang expectations ng televiewers sa bagong Sunday variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas dahil mas malaki at mas maganda ito daw ito sa SOP.

Pero may intrigang pilit na idinidikit sa Party Pi-lipinas sa kesyo title lang ang pinalitan pero sila-sila pa rin ang mapapanood sa banner show ng GMA-7.

Hosts pa rin ang mag-dyowang Ogie Alcasid at Regine Velasquez with Jaya Ramsey at Janno Gibbs na siya ring hosts ng defunct SOP.

Isinama pa si Mark Bautista, dating Kapamilya na ngayo’y certified Kapuso na at nawa’y makatulong sa pag-rate ng Party Pilipinas.

Sana ay makatulong din daw ang sandamakmak na mga baguhang isinaksak sa naturang show na halos hindi kilala ng working press kumpara sa dami ng big stars na napapanood sa ASAP XV tuwing Linggo, with Pinoy international stars Arnel Pineda, Charice Pempenco at Jabbawokeez, na talaga namang inaabangan ng mga kabataang Pinoy.

Sana’y tangkilikin nga ng bawat Pinoy ang pagbubukas ng Party Pilipinas sa March 28 para bumalik naman ang sigla ng competition between ABS-CBN’s ASAP XV at GMA 7’s Party Pilipinas tuwing Sunday afternoon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 23, 2010

Jennylyn Mercado forgives Patrick

JENNYLYN Mercado has softened and has forgiven Patrick Garcia, father of her love child Alex Jazz. When asked at the presscon of "Working Girls" as to what she'd do if Patrick drops in to see their son she said, "Walang problema. Okay lang sa akin. Kung anuman ang nangyari, tapos na 'yon. Wala nang reason para mag-away-away pa ulit."

So, what made her change her mind? "Lagi ko naman sinasabi, darating din 'yun, in God's time. So ito na 'yung time na ayoko nang magdala ng anumang mabigat sa dibdib ko. Isa pa, Lent ngayon, the season for forgiveness. So, anuman ang nangyari before, hayaan mo na lang, di ba? Ngayon, wala nang problema sa akin kahit magkita kami o makatrabaho ko siya. I lift everything na lang to the Lord. My mom and I have talked about it and if GMA7 wants to make me work with him, walang problema talaga sa akin. Trabaho lang 'yan."

What if Patrick wants to reconcile with her? "Naku, magtatrabaho pa lang sana kami, ang layo na agad ng itinakbo ng usapan. As for that, wala nang balikan. Hindi na kailangan."

So Patrick can now borrow their son? "We have to talk about it. Hanggang doon na lang muna."

It's said her role in "Working Girls" is tailor- made for her. "In a way, siguro nga. Kasi just like in real life, I play a single mom na ayaw nang makipagbalikan sa ama ng anak ko, si Biboy Ramirez. The difference is that nagkaroon ako ng bagong lovelife sa movie, si Carlo Aquino. In real life, wala, kasi mas gusto ko talagang tumutok sa trabaho to provide everything my son needs. Ngayon, pinasok ko na siya sa toddler's class at mahal ang bayad, pero okay lang para maaga siyang matuto how to socialize with other kids."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 22, 2010

Regine's kantaserye moving up

REGINE Velasquez is elated that "Diva" has picked up and got its highest rating last Tuesday with 30.2%.

"Every where I go, people tell me they enjoy following the story of Sampaguita, the ugly girl who has a golden voice," she says. "What makes it even more endearing daw is inaabangan nila kung ano ang songs na kakantahin ko in each show. Alam nyo naman, Pinoys love to sing as singing is one of the ways they express how they feel kaya enjoy sila talaga sa song numbers in 'Diva'. Inaabangan din nila kung sino ang celebrities na magge-guest sa show, like sina Ogie (Alcasid, her boyfriend) and Moymoy Palaboy. Viewers also tell me they like the positive values the show imparts, like the value of having a loving family who believes in you and supports your talent, and also the importance of following the golden rule of doing to others what you want them to do to you. This makes our kantaserye really very unique as it offers not only entertainment kundi may valid messages din."

Regine really gives an engaging performance in "Diva" and she's lucky to have not only two goodlooking but very talented leading men, Mark Anthony Fernandez and TJ Trinidad, who're also superb in their respective roles as Gary and Martin.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 21, 2010

Jennica Garcia, Carl Guevarra nagkabistuhan ng tunay na ugali

MADALI ngang magkakainlaban sina Jennica Garcia at Carl Guevarra, kasi ba naman ay opposite ang character ng dalawang magka-love team sa Dear Friend episode na My Stalking Heart.

Sa panayam namin, inihayag nila na nagkabistuhan sila ng tunay na ugali nang magkasama sa My Stalking Heart. Ayon kay Jennica, si Carl ay tahimik at mahiyain sa set ng Dear Friend nang una silang nagkita. Although alam naman niyang guwapo si Carl. Akala, niya ang ga-nitong guys ay happy go lucky. Pero, naiba ang impression niya sa binata nang nagkasama.

Si Carl naman, nang ‘di pa niya nakakasama si Jennica akala niya ay nakaiilang na kasama ang dalaga. Nang nag-meet sila for the first time sa set ng Dear Friend sobrang na-attract kaagad siya kay Jennica.

Ngayong Sunday, aba-ngan ang sa My Stalking Heart ang eksenang: Nagpanggap na mag-asawa at napilitang magsama sa iisang bahay sina Doris at Julio para mamatyagan ang mag-dyowang sina Nina at Eric. Dito nag-umpisang magkapalagayan ng loob sina Doris at Julio.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 20, 2010

Toni Rose Gayda itinangging nagpakamatay ang anak

Isang anak ng television personality na si Toni Rose Gayda ang napaulat na namatay makaraang mahulog mula sa isang condominium sa Mandaluyong City kahapon. Ngunit idiniin ng ina na hindi nagpakamatay ang anak niyang si Edward James Lim.

Ayon sa ulat na nakalap ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ang 25 anyos na bunso ni Toni Rose ay nahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang condominium sa Wack-Wack Road, Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Nabanggit sa isang Twitter post ng isa pang TV personality at siya ring kinumpirma ni Toni Rose, nahulog ang bunsong anak habang naninigarilyo sa veranda. Sabi pa ng Eat Bulaga TV host, ugali na ni Edward James na manigarilyo kapag nagko-computer at pumupunta ito sa may veranda.

Iniulat pa ng PEP na na-cremate na kahapon din ng hapon ang labi ng biktima. At may lamay pa mamayang gabi sa Santuario de San Jose, Greenhills, San Juan City.

Si James ay apo rin ng batikang aktres at ngayo’y pinuno ng Philippine National Red Cross na si Ms. Rosa Rosal.
[via]

Labels:


Continue Reading...

GMA 7 keeps Mega Manila lead

GMA 7 continues to lead in Mega Manila TV ratings all weekdays of February, based on figures from AGB Nielsen Philippines.

In February, GMA posted an average weekday audience share of 39.1 percent, up by 1.4 percent points versus ABS-CBN’s 37.7. Partial data (available until March 14; with March 7 to 14 based on overnight ratings) showed GMA ahead overall with an average audience share of 36.2 percent, up by 0.4 percentage point against ABS’ 35.8.

The continued success of GMA in viewer-rich Mega Manila is attributed to the steady performance of its primetime programs in TV ratings. Based on AGB Nielsen’s 2010 TV household population projections, Mega Manila TV households now comprise 55 percent of the National Urban Philippines TV population and are generated from a bigger panel of 800 TV households.

Viewers can expect an even better line-up of GMA shows on primetime and other day parts in the coming months, as the Kapuso station is set to launch new, exciting and high quality programs within the quarter.

Including specials, GMA programs figured strongly in the overall Top 30 list for the period March 1 to 14, with 14 shows making it in the said roster.

Manny Pacquiao’s latest fight against Joshua Clottey topped all programs, while the network’s two primetime fantasy series, Panday Kids and The Last Prince, led by Aljur Abrenica and Kris Bernal, were also in the Top 5.

GMA’s banner newscast 24 Oras got the highest rank among all news programs as it landed sixth on the list of Top 30 overall programs. 24 Oras had an average rating of 27.4 points, ahead of rival TV Patrol World’s 25 points.

New primetime series Diva, which has been receiving positive comments from viewers and print media, also landed a spot in the Top 10 list.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 18, 2010

Aljur Abrenica shows edge

ALJUR Abrenica is turning 20 on March 24 and he's celebrating it with a birthday concert, "I'm Yours," at Zirkoh, Tomas Morato, on March 26, Friday night. Produced by Perry Lansigan, his guests are Jolina Magdangal, Allan K and Kris Bernal. Aljur's edge over other actors his age is that he sings well and GMA Records-Sony BMG is also launching his first album.

"I feel so nervous about the concert and the album," he says. "I hope the public will support both."

The poster for his "I'm Yours" concert shows him shirtless. Is he going to appear naked from the waist up during the show? "That they'll have to find out by watching my concert. It's summer, so dapat, mag-init din ang gabi ng mga manonood ng concert ko. All I can say is that the title is 'I'm Yours' as I really want to offer myself to the audience. I'll be singing 15 songs at ngayon pa lang, panay na ang rehearse ko to show na I'm really a good live performer. HIndi kasi ito parang sa 'SOP' na sanda-sandali lang ang exposure ko kundi I'm there sa buong concert. Ito ang pa-birthday ko sa kanila and they won't feel shortchanged when they watch my show. Darating ang iba ko pang friends sa showbiz like sina Moymoy Palaboy as my surprise guest."

For tickets, call Zirkoh, 411-6773.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lian Paz hindi na babalik sa sexy dance group

DEFINITELY ay hindi na babalik si Lian Paz sa EB Babes. Ayon kay Paolo Contis, ang ama ng baby nila ni Lian na si Xonia Iatana, hindi na makakaya ni Lian ang daily shows plus rehearsal.

Pero, inilinaw ni Paolo na kung gusto ni Lian na magbalik -showbiz, okay lang sa kanya. Kung gusto ni Lian na magbalik-school, susuportahan din ni Paolo. So far, malakas na ngayon si Lian at nakapag-iikot na silang sa mall.

“Nang mabuntis si Lian, nagpaalam na siya sa Eat Bulaga. Kaya expected na nila na hindi na makakabalik bilang dancer si Lian.

“Sa ngayon, sandali lang kami kung lumabas dahil sa iniisip namin ang bata. Bukod dito, breastfeed si Lian. Wala kaming katulong at kami-kami ang halinlinan sa pag-aalaga sa baby. Kung wala si Lian sa bahay, nandiyan ang nanay ko, nanay ni Lian o lola ni Lian,” kuwento ni Paolo sa set ng Show Me Da Manny.

May dalawang comedy shows si Paolo sa GMA-7, ang Show Me Da Manny at ang Wipe Out na mapapnood tuwing Lunes at Martes.

May sisimulan ding soap sa May or June si Paolo kaya naka-focus muna siya sa baby girl niyang si Xonia.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 17, 2010

Ehra Madrigal: Hindi kami magkalevel ni Anne

EHRA Madrigal looked slimmer at her contract signing with GMA7. "Madalas kasi akong kinukulit ni Tita Annabelle na mag-diet kaya ayan, pumayat na 'ko," she says. "But having a daily morning show like 'Diz Iz It' also helps kasi napipilitan kang gumising ng maaga. Discipline ang kailangan kaya bawal mapuyat para hindi mahirap gisingin sa morning. I'm also more relaxed now as a co-host in the show. Noong una kasi, natetensiyon ako at lagi kong iniisip: tama kaya ang spiels ko? But now, mas comfortable na rin ako with my co-hosts."

What can she say about her co-host Grace Lee having an accident in Seoul, Korea while skiing? "Oo nga. Kawawa naman. She broke an arm daw. I hope she'll be okay at makabalik siya rito nang maayos."

Doesn't she miss acting in a soap? "I do, pero sa ngayon, ine-enjoy ko muna itong hosting. At least dito, di ka inaabot ng magdamagang taping. Happy rin ang mga kasamahan ko sa Royal Era ni Tita Annabelle kasi nabigyan ako ng ganitong break sa hosting."

How does she feel about comments that she pales in comparison to Anne Curtis of their rival show? "Ayokong magpaapekto kasi hindi naman talaga kami magka-level. Mas nauna naman talaga siya sa'kin. Nagugulat lang ako kasi pati suot ko, pinupuna. Basta ang main concern, to connect with the audience. Kapag nega ang comment, dedma na lang."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paulo Avelino, masaya sa GMA7

Masaya raw ang GMAAC star na si Paulo Avelino sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio, mula sa Starstruck V kung saan isa siya sa naging segment host, hanggang sa Ina Kasusuklaman Ba Kita? at ngayon ay ang pagiging kapalit nito sa iniwang role ni JC de Vera sa Panday Kids.

Tsika ni Paulo, noong una nga raw na nakarating sa kanya ang balita mula sa kanyang mga kaibigan ay hindi ito naniniwala hanggang ang mismong handler nito na si Chris Ojeda at executives ng Panday Kids ang nagtimbre sa kanya na mapupunta sa kanya ang nasabing role.

May halong kaba at excitement nga raw ang naramdaman ni Paulo dahil isang malaking role ang ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA Network.

Kaya naman daw kun-todo workout ito ngayon at dumaan sa training bilang maging preparasyon sa pag-halili niya sa iniwang role ni JC.

Alam din ni Paulo na ma-raming magtataas ng kilay sa pagkakapili sa kanya among the many young actors ng GMA na puwedeng pumalit sa role ni JC.

Pero dedma na lang daw siya at paghuhusayan na lang ang kanyang trabaho para naman ma-prove niya sa lahat ng bumabatikos sa kanya na deserving siya sa role na ipinagkatiwala ng GMA-7.

Sa ngayon daw, sanda-ling ipapahinga ang kanyang role sa Ina Kasusuklaman Ba Kita para maka-focus sa kanyang bagong role sa Panday Kids, pero ibabalik naman daw ito pag malapit ng matapos ang afternoon soap.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 15, 2010

Katrina Halili pinaiyak ng mga taong nagmamahal sa kanya

WE cannot put a good actress down.

Ito ang maririnig mula sa mga taong nagmamahal kay Katrina.

Humalakhak kasi ang dedractors ni Kat nang ma-sangkot ito sa sex scandal kay Hayden Kho at nag-isip na katapusan na ng career ng sexy actress.

Nang makausap namin si Katrina sa kanilang tahanan sa New Manila, Quezon City ay naikuwento ni Kat ang kasagsagan ng paki-kipaglaban niya kay Hayden sa ginawang kababuyan nito sa kanya at kung papa-ano siya nawalan ng pro-jects.

“Tito Gerry, at that time ay talagang zero balance ako. Nagulat na lang ako na may mga taong pumupunta sa bahay na may mga dalang pagkain at ‘yong iba ay cash bilang suporta,” pani-mulang wika ni Katrina sa interview namin.

“Hindi ko noon napigilan ang maiyak dahil kara-mihan ng mga nagsisipunta sa bahay para tumulong ay hindi ko kakilala. Biruin mo na noon ko lang sila nakilala at may mga dalang pagkain at pera.

“Binigyan nila ako ng lakas ng loob at magpaka-tatag. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas kaya hanggang ngayon ay nakikipaglaban ako,” patuloy ni Katrina.

Ngayong nagsimula nang dinggin ng korte ang kasong isinampa niya laban kay Hayden ay sobrang saya ni Katrina.

Nandiyan pa ang buong suporta sa kanya ng GMA7 sa pamamagitan ng pagbibi-gay sa kanya ulit ng projects.

Nitong Sunday ay si Katrina ang guest sa Show Me Da Manny bilang isang fake na TV host na dumayo sa lugar nina Ella (Marian Rivera) at partner in crime sila ng comedian na si John Feir.

Ang kanilang modus operandi ay magnakaw kapag nakalingat ang mga taong kanilang binobola at bibiktimahin.

Samantala, nagpunta na sa Dallas Texas sina Onyok Velasco, Benjie Paras at Do-nito Donaire, na kasama rin sa cast ng SMDM, para manood ng laban ni Manny Pacquiao at pagkatapos ay magte-taping na rin sila roon para sa sitcom kasama ang Pambansang Kamao.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 14, 2010

Claudine Barretto's Drama Anthology

Hindi na Drama Queen, kundi Claudine na ang title ng drama anthology ni Claudine Barretto sa GMA 7 na magpa-pilot sa March 28. Sa first taping day ng aktres sa episode na Alzheimers, si Laurice Guillen ang kanyang director na ikinatuwa nito dahil first time siyang maidirehe nito.

Isa sa ikinagusto ni Claudine sa kanyang drama anthology ay ang chance na makatrabaho ang mga film directors na ‘di pa niya nakakatrabaho at binanggit nito sina directors Joel Lamangan, Joyce Bernal, Mac Alejandre at Maryo J. delos Reyes. Tatakbo ng 26 weeks ang Claudine at malaki ang tsansa na maidirek si Claudine ng mga nabanggit niyang directors.

Matagal na nabakante sa acting si Claudine, nanibago siya ng konti, pero nagpasaya sa kanya ang pagpayag ng mister niyang si Raymart Santiago na makapareha sa nasabing episode. Ang galing daw ni Raymart at siya ang mas na-conscious sa mga eksena nilang dalawa.

Naaliw kami sa deretsong sagot ni Claudine sa rason nang kanyang pagpayat at dahil ‘yun sa second bust reduction na ginawa sa kanya.

“Sobrang nalalakihan ako sa boobs ko at masakit sa likod, kaya last January 23 yata ‘yun, nagpa-bust reduction uli ako,” sabi nito.

Hoping si Claudine to work with Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Iza Calzado, Glaiza de Castro, Marian Rivera at former ABS-CBN talents na sina Heart Evangelista, Marvin Agustin, Patrick Garcia at Paolo Contis sa kanyang drama anthology.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 12, 2010

Katrina, Hayden maghaharap na sa korte

SA susunod na buwan na magsisimulang dinggin ng korte ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacion ng Pasig-RTC.

This time, may mga witness nang ipi-present ang bawat kampo at sa first hearing ay si Katrina mismo ang unang uupo. Hindi kasali sa mga witness si Vicky Belo, pero dadalo raw ito bilang suporta kay Hayden. Gusto rin daw ng controversial cosmetic surgeon na mari-nig ang mga inihandang panlaban ni Atty. Capunan, abogado ni Hayden.

Ayon naman sa lawyer ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, basta fair lang daw ang paglilitis ay malaki ang paniwala niyang mananalo sila dahil nakita naman daw na may nilabag si Hayden sa batas at sa karapatan ni Katrina.

Samantala, ini-reverse ng DoJ ang desisyon ng QC-RTC sa kasong libel na isinampa ni Katrina laban sa ina ni Hayden na si Irene Kho. Matatandaan last year ay sinampahan ni Katrina ng kasong libelo si Mrs. Kho nang sabihan siyang nagda-drugs sa isang interview sa ABS-CBN.

Na-dismiss ang kasong isinampa ni Katrina sa ina ni Hayden kaya agad humi-ngi ang abogado ni Katrina ng petition for review sa DoJ. Na-grant ang naturang petition kaya tuloy ang kasong libel ni Kat kay Mrs. Kho at hihintayin na lang daw kung saang korte sa QC-RTC ito mapupunta.

Malaki raw ang paniwala ng kampo ni Katrina na maganda ang magiging resulta ng kasong isinampa niya laban kay Hayden.

Parehong malalakas ang panlaban ng bawat kampo kaya kaabang-abang kung sino ang magtatagumpay.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Heart Evangelista problemado sa career!

Naniniguro ang GMA 7. Lahat ng mga artista nila, pinapipirma na ng kontrata. At hindi na basta dalawang taon na lang, tatlong taong exclusive contract ang pinipirmahan ng mga artista nila.

Na-insecure ba sila sa TV5 na agresibo ngayon sa pagkuha ng mga artista? Hindi ang sagot ni Mr. Felipe Gozon, presidente at CEO ng GMA 7. Bago pa man daw naging active ang TV5 ni Mr. Manny Pangilinan ay pinapa-review na nila ang mga kontrata ng mga artista nila at nagulat nga raw siyang dalawang taon lang pala ang kontrata ng mga Kapuso stars. Aminado rin silang conscious sila sa pagiging aktibo at agresibo ng TV5.

Ini-relate ni Mr. Gozon na noong nagta-trabaho pa siya sa isang airline company, nang magsimulang mag-operate ang ibang airline, sa PAL lang sila kumukuha ng mga empleyado. “Ngayon, sa ABS-CBN at GMA 7 lang kukuha ang TV5,” sagot ni Mr. Gozon tungkol sa nangyayaring lipatan ngayon ng mga artista.

Kahapon, sunod-sunod ang contract signing sa Kapuso Network. Nauna ang grupo ng mga artistang mina-manage ni tita Annabelle Rama, sunod si Mark Bautista at ang grupo ng Starstruck.

Nauna sa pila ng contract signing ang mga alaga ng nanay ni Ruffa Gutierrez - sina Ynna Asistio, Ehra Madrigal, Bubbles Paraiso, TJ Trinidad, at Raymond Gutierrez.

Wala si Heart Evangelista dahil nasa Hong Kong daw ito. Pero mukhang may problema dahil kahit sa kanyang Twitter account may emote si Heart : Is stressed! Keeping my fingers crossed:/ just want everyone to be okay:).”

Puwede na sanang mag-renew ng kontrata si Heart kahapon, pero parang nag-iisip pa raw ang aktres.

Ang duda ng iba, gusto na nitong mag-lay low sa career dahil busy ito sa boyfriend nitong galing sa angkan ng mayaman sa Isabela, si Ian Dy. Hindi raw kaya gusto na nitong mag-asawa?

Mai-expire ang contract ni Heart sa GMA sa May pero hindi naman daw ito puwedeng lumipat sa TV5 dahil may kontrata ito sa manager niyang si Tita Annabelle ng isang taon pa.

Tungkol naman kay JC de Vera, nasa TV5 na nga siya. Mismong ang nanay daw nito ang nag-desisyon na sa pag-aaring channel na lang ni Mr. Pangilinan ito magpatuloy ng trabaho at wala itong nagawa. Pero isang buwan daw itong nag-iiyak dahil ayaw daw nitong lumayas ng GMA 7. Pero testigo siya sa kaso nina Ms. Wilma Galvante at ng kanyang manager kaya mas maiging nasa TV5 na raw ito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 09, 2010

Bagong ‘look’ ni Jolina ipinagtanggol ni Marvin

HINDI pinalampas ng detractors ni Jolina Magdangal ang kanyang bagong “look.”

Pero agad namang ipinagtanggol ni Marvin Agustin si Jolens sa mga bumabatikos sa makeover ng da-ting ka-loveteam.

Ayon kay Marvin, ‘di na raw kinonsidera ng mga mambabatikos ang effort ni Jolina para lang may bagong makita ang lahat sa kanyang desisyon na magpa-make-over.

Kaya naman laging nag-a-advice si Marvin kay Jolens na huwag na huwag magpapaapekto sa mga taong walang magawa kundi siraan at banatan siya sa kanyang new-look.

“Sabi ko nga kay Jolens, gawin ang makakapagpaligaya sa iyo. Don’t mind your dectractors!”

Kung si Marvin ang tatanungin, hindi niya kaila-ngan ang kung anuman ritwal para ma-maintain ang artista look.

May nag-aalaga sa kanyang kutis at pagpapanatili ng magandang panganga-tawan.

Kailangan ni Marvin na laging in top shape at fit dahil sa maaksyong eksena niya sa Panday Kids as Li-zardo

At kahit nagmamay-ari siya ng iba‘t ibang resto ay hindi siya nate-tempt na kumain nang todo-todo dahil alaga niya ang kanyang ka-tawan.

Anyway, thankful si Marvin sa magandang pa-ngangalaga rin sa kanya ng GMA-7. Hindi siya pinababayaan ng network at kapag may project na bagay sa kanya ay siguradong sa kanya itong ibibigay at ipag-kakatiwala.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 07, 2010

Bb. Pilipinas 2010 Winners

The coronation night of Bb. Pilipinas 2010 happened Saturday night at the Araneta Coliseum with slightly delayed telecast via GMA-7.

21-year-old Bicolana beauty, Maria Venus Raj (#10, center), was chosen as Bb. Pilipinas-Universe. She stands 5′9.

20-year-old former Miss USA-Philippines winner, Krista Mae Arrieta Kleiner (#11, 2nd from left), was selected as Bb. Pilipinas-International. Best known as Krissa Mae, this Psychology grad already appeared in various GMA programs such as Gagambino, Obra, Gobingo and Darna. She’s the girlfriend of RnB Prince Jay-R.

19-year-old Czarina Catherine Gatbonton (#11, 2nd from right) was assigned the Bb. Pilipinas-World title. Considered as the black horse among the finalists, Czarina was the only one who answered the question and answer segment in tagalog.

1st Runner Up honor went to Diane Necio (#22, rightmost) while the 2nd Runner Up honor went to Miss Photogenic Helen Nicolette Henson (#18, leftmost).

[via]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurd Focus sa pag-aaral

Naka-focus ang atensyon ni Yasmien Kurdi sa kan­yang pag-aaral kaya pili ang kanyang mga TV guest­ings.

Marami ang nagtatanong sa mga pinagka­kaabalahan ngayon ni Yasmien dahil bihira siya na mapanood sa TV.

By choice ang pagiging inactive ni Yasmien sa showbiz. Gustung-gusto niya talaga na makata­pos ng pag-aaral.

May mga request ako na natanggap mula sa mga fans ni Yasmien. Puwede ba raw na maging mainstay si Yasmien sa bagong show na ipapalit sa SOP? Hindi magkakaroon ng conflict sa pag-aaral ni Yasmien dahil walang pasok sa school tuwing Linggo.

Ipaubaya natin kay Yasmien ang pagde-desisyon. Basta pag-aaral ang involved, hindi ako nakikialam sa mga diskarte ng mga alaga ko dahil mas pabor ako na magkaroon sila ng college diploma. Ako pa nga ang laging nagsasabi sa kanila na hindi pang-matagalan ang career sa showbiz. Iba pa rin kung may fall back sila sa sandaling tumamlay na ang takbo ng kanilang career.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Carl Guevarra lumayas sa Dos para kay Jennica

MASISIRA marahil ang sinasabi ni Jennica Garcia na ‘di muna siya mai-in love sa ngayon dahil enjoy siya sa pagiging single.

Matagal na silang hiwalay ni Mart Escudero, kaya nasasabi niyang masarap na walang nobyong nakikialam sa buhay.

Pero, nang magkasama sila ni Carl Guevarra sa set ng Dear Friend episode na “My Stalking Heart,” na-sabi niya agad na crush niya si Carl.

Kasi ba naman super-seryoso sa trabaho si Carl at quiet lang sa set.

Nasabi ni Jennica na ma-sarap magtrabaho ngayon dahil wala siyang problema sa kanyang bagong leading man.Cut

First time na naipareha si Jennica kay Carl na dating taga-ABS-CBN.

Kalilipat lang ni Carl mula sa Kapamilya to Kapuso Network.

Maganda ang chemistry nina Jennica at Carl kaya naman ngayon pa lang ay tinatayang magiging hot tandem ang dalawa ng GMA-7.

Isang galawgaw (Jennica) at isang seryosong binata (Carl).

Naipagtapat ni Carl sa presscon ng “My Stalking Heart “ na matagal na niyang gustong lumipat sa Siyete at maka-partner si Jennica.

Bukod daw kasi sa super-crush niya ang anak ni Jean Garcia kay Jigo Garcia, medyo hindi niya nagugustuhan ang “treatment’” sa kanya ng mga taga-ABS-CBN.

Simula na ang first episode ngayong Linggo ng “My Stalking Heart.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 05, 2010

Dingdong and Marian’s 2nd Movie is ‘You to Me are Everything’

Before they team up again in the primetime series “Endless Love,” Dingdong Dantes and Marian Rivera will star in their 2nd movie together with working title “You to Me are Everything.”

Their love team started in the Philippine version of the hit Mexican telenovela “MariMar.” It was a hit and made GMA-7 a force to be reckoned with in Mega Manila and even nationwide. Their second tv series “Dyesebel” was successful, too, breaking tv ratings records during its run.

Their third series “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” was not as successful as MariMar and Dyesebel understandably because it caters to mature audience. However, their team-up is still one of the hottest in showbiz as it transcends to magazine covers, print ads, radio and tv commercials.

Their first movie together was “One True Love” which was shown in November of 2008. It has grossed more than P50 million at the box office although it went head to head with the monster hit movie “Twilight.”

Now Dongyan, the moniker given to them by their fans, start to film their second movie together and it has a working title “You to Me are Everything.” Under a script written by Aloy Adlawan, it will be directed by Mark A. Reyes, the director of the Valentine hit movie My Bestfriend’s Girlfriend which also starred Marian Rivera.

Also starring in the upcoming romantic movie are Isabel Oli, Sandy Andolong, Manilyn Reynes and AJ Dee.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 04, 2010

Panday Kids makes it big

GMA 7’s newest primetime offering, Carlo J. Caparas’ Panday Kids recently kicked off on the right note after registering high viewer rating in the primetime block.

On its pilot episode, Panday Kids scored strongly with 34.8 percent, topping the overnight ratings among Mega Manila households based on data of AGB Nielsen Philippines. Anticipation is high for the action/adventure/fantasy/drama TV series which is top billed by an ensemble of cast.

Viewers of all ages especially the younger ones are in for a treat with this telefantasya which not only as interesting, fun and entertaining to watch but also imparts valuable lessons in life to its audience.

The show is expected to set even higher ratings in the coming days especially when the three Panday Kids, Julian Trono as Hadji, Sabrina Man as Charlie and Robert “Buboy” Villar as Oliver, take on challenge as the new superheroes who will protect the legendary sword of Panday.

Also, the first glimpse in the land of the Eskrimadors and the Engkantos pulled everyone under spell for its cinematic magic which devises a world unlike anything we have seen on primetime TV before.

More high adventure scenes await the televiewers as the Panday Kids embark on their quest to end Lizardo’s reign. Who will be their foes and friends on their magical journey?

Panday Kids is headlined by Gelli de Belen, Iza Calzado, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Tirso Cruz III, JC de Vera, Polo Ravales, Jackie Rice, Rich Asuncion, Akihiro Sato, Ryan Eigenmann, Jose Manalo, Pen Medina, Marissa Delgado, Nanette Inventor, Bernard Palanca, Isabel Granada, Ella Cruz, Nikki Samonte, Cruzita Salcedo, Yogo Singh, and Migui Jimenez.

Catch the exploits of the Panday Kids as they cross the boundaries of the enchanted and their quest to defend humanity from the forces of evil weeknights, Mondays to Fridays after 24 Oras on GMA.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 03, 2010

Arnold Clavio tackles issues fair & square

Who’s not familiar with Arnold Clavio?

He greets your mornings with the latest news on GMA 7’s Unang Hirit. At 10 a.m. weekdays on DZBB, he tackles issues and enlightens listeners on matters concerning the nation. He also deals with unsolved crimes Thursday nights in Case Unclosed. And just when you’re ready to hit the sack, Arnold with Vicky Morales caps the day with hard-hitting stories that everyone needs to know in Saksi.

That’s not all. Arnold is at all times in the front line during political fora for Pinoys to be informed about politics, the politicians involved, and other topics in the political arena. He tackles every discussion in a non-partisan way, always living up to the Kapuso slogan of Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo lamang.

“By presenting issues on TV and radio, we get the people’s reaction and learn things they want to know. I become an instrument to ask questions they feel need answers.”

And now that election time is getting nearer, Arnold takes part in educating the electorate through Kandidato, a GMA News and Public Affairs 45-minute series featuring presidential aspirants that airs Wednesdays beginning tonight after Saksi.

“There are a lot of interesting and revealing information about presidentiables that you will learn from the show. You’ll see who is the most focused, well-prepared and who doesn’t know what to answer,” offers Arnold.

Televiewers will see one presidential aspirant per episode treated as job applicants where they have to answer questions from three panelists composed of Arnold, Malou Mangahas of Philippine Center for Investigative Journalism and Howie Severino. The questions are divided into three categories — easy, average and difficult. Each question, which will be based on every candidate’s platform, and controversies where he is involved and key issues, must be answered within 30 seconds.

“That’s where they feel the pressure. But you’ll be impressed how each candidate looks at certain issues. They also know about figures and economic percentage. So far, those we have already interviewed during tapings showed they have prepared.”

Arnold says every question to be raised aims to give a clear view of the candidates’ stand. Questions in the difficult round are about controversies and are well-researched. The Ateneo School of Law helps determine if the questions are fair, too general or need to be more direct.

Even Arnold simplifies a question in layman’s terms every time he feels it won’t be interesting to viewers or is too technical. The show also airs a two-minute video about each candidate.

Asked if he sees himself joining politics someday, Arnold says as a media practitioner he is able to help those who come to him. His IGAN Foundation is aimed at the good of others. His daughter who graduated from Ateneo is also involved in the foundation.

“I will remain a Kapuso,” he says, shedding light on the rumor that he will jump ship.

With his busy schedule, is there any time left to rest and spend a day for his family?

“Yes. I take power naps between shows and I have a half way house with my family,” replies Arnold.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 02, 2010

Claudine Barretto pinaasa lang ng Kapuso?

SPEAKING of Bb. Pilipinas pre-pageant night last Sunday, napasama sa judges sina Claudine Barretto at Mike Enriquez.

Ayon kay Claudine, nagulat nga siya nang piliin siyang maging hurado sa Bb. Pilipinas pageant. ‘Di naman daw siya former beauty queen. Pero, para sa mga nakakita kay Claudine nang gabing iyon, tama lang siyang mapiling judge dahil super-beauty at sexy pa rin siya kahit misis na.

By the way, taliwas sa tsismis na pinaasa at pinabayaan ng GMA7 si Claudine matapos itong mag-ober da bakod mula sa ABS-CBN, malapit na niyang simulan ang unang assignment bilang Kapuso. Drama anthology ito na ipapalabas tuwing Sunday night. ‘Di pa namin alam kung ano ang title ng programa. Balita ring may ibibigay sa kanyang te-leserye ang Kapuso na si-simulan na ni-yang i-tape soon. Maaa-ring pagkatapos ito ng shooting sa abroad ng movie ni Claudine kung sa-an makakasama niya si Ri-chard Gutierrez. Bale ito ang movie na kapalit ng na-shelve nang project nila ni Mark Anthony Fernandez.

Noong presscon ng Diva kung saan si Mark Anthony ang isa sa leading men ni Regine Velasquez, nasabi ng actor na ang manager niya mismo ang nagsabi na huwag nang ituloy ni Mark ang movie na pagsasamahan nila ni Claudine.

‘Di raw totoong ayaw pa niyang makatrabaho si Claudine. Nagkataon lang daw na desisyon iyon ng manager niyang si Dondon Monteverde. May conflict daw kasi ‘yon sa shooting schedule ni Mark Anthony. Sunud-sunod kasi ang soap opera na kanyang ginagawa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 01, 2010

SOP - The Final Party

SOP - The Final Party. SOP says goodbye. In the final number, Ogie Alcasid and Janno Gibbs hinted in their “Sobrang OJ” number that although they were beaten by ASAP in the ratings game, the battle is not over.

Here’s the lyrics from the said number:

Itong ASAP tuwang tuwa ngayon
Natalo na nila ang dati’y hindi nila matalo
Ngunit, bakit, hindi nyo ba alam
Kami’y magbabalik, at di pa tapos ang laban

We dance, we shout
Movin’ Groovin’ all around
You can say that we are having so much fun
We sing we bring joy to everybody
Get down and join the party
Here at S-O-P!

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites