Dingdong seryosong kinausap ang tatay ni Marian sa Spain
Say ni Marian sa presscon ng You To Me Are Everything, marami pa silang priorities sa buhay bago ang pagpapakasal.
Kahit daw katiting ay wala pa raw silang plano na humarap sa altar.
Minsan ay napag-uusapan nila ang kasalan pero sa ngayon ay wala talagang plano pa.
Nu’ng magpunta sila sa Spain last February, doon ay nagkausap nang “heart to heart” ni Dingdong ang ama ni Marian na si Francisco Javier.
Ayaw idetalye ni Dingdong ang pinag-usapan nila ng future father-in-law basta aniya: “Masaya ang ama kung saan maligaya ang anak. Walang anumang paghihipit kay Marian. Basta gusto ng ama na maligaya ang anak.”
Anyway, very romantic ang You To Me Are Everything dahil kinunan pa ito sa isang plantation ng strawberries sa La Trinidad, Benguet.
Hilarious and funny sina Marian at Dingdong sa movie kasi swak ang kanilang tandem sa nakakikilig na eksena nila.
Siyempre hindi mawa-wala ang sweet moments nilang dalawa sa movie. Lalo pang kikiligin ang kanilang fans kapag napapanood ang kissing scenes nila.
Palabas na ang very nakakakilig na movie sa May 5 sa inyong favorite moviehouses.
[via]
Labels: Dingdong Dantes






