<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, June 30, 2010

Rhian Ramos: I can date anyone

RHIAN Ramos says she's not peeved even if JC De Vera compared her to an eraser as he wants to forget all memories of their past relationship. "As for me, I'd never erase him as I have good memories of him and I learned a lot from him," she says. "We were never formally on kasi early on, I realized hindi puwedeng maging kami. It won't be functional. Nagtataka nga ako at ngayon lang biglang napag-usapan ito kung totoong naging on kami. "

How come JC sounds so bitter? "I don't know. I guess it's how you handle a situation. If that's his way of handling what he perceived na nangyari before, it's up to him. Basta kung galit siya sa'kin, ako, hindi galit sa kanya at ayokong magalit. Basta I want to thank him kasi nag-enjoy naman ako working with him before in 'La Lola'."

Rhian is the special guest in "Take Me Out" this Friday. Did she ask the permission of rumored BF DJ Mo before seeking a date in the dating game show? "No need. Hindi kami on. Wala akong BF kaya walang sinumang magagalit kung maghanap man ako ng ka-date."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 29, 2010

Rufa Mae Quinto tuloy ang kasal kay ‘Mr. M’

MUKHANG si Paolo Contis na ang kapalit ni Mo Twister bilang host ng Showbiz Central dahil siya na naman ang guest co-host ng show last Sunday at isa siya sa nag-host special edition ng Don’t Lie to Me segment. Aliw dahil sumasayaw din siya gaya ni John Lapus.

Slight palang na inamin ni Rochelle Pangilinan na sila na ni Arthur Solinap, pero mas pinaniniwalaan namin ang child actor na si Paul Salas na pamangkin ni Arthur na tsinikang GF ng uncle niya si Rochelle at dinadala ito sa family affair nila.

Guest si Ricky Lo sa Showbiz Central at siya ang nag-interview kay Rufa Mae Quinto. Nagbigay na ng clues si Ricky sa fiancé ni Rufa Mae at ang ’di makahula ay hindi in sa showbis.

“Mr. M” ang tawag ni Ricky sa fiancé ni Rufa at isa pang tanong nito at kung nakapag-dinner na siya with the First Family at “no” ang sagot ni Rufa Mae, pero inaming may naka-dinner na siya ng isa sa member ng First Family.

Bago tapusin ang interview kay Rufa Mae, binati nito ng happy birthday si First Gentleman Mike Arroyo at nag-”I love you” sa fiancé at tuloy pa rin ang kasal niya. Ayan, mga clue ’yan at naniniwala kaming malapit nang makilala ng lahat si “Mr M” ni Rufa Mae.

Napanood pala naming bago ang Party Pilipinas, ipinalabas ang pelikulang Curimao at kapareha ni Rufa Mae si “Mr. M.” Matagal nap ala silang may koneksyon kung ganu’n!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 28, 2010

Mark Anthony Fernandez: Di ako nambitin

MARK Anthony Fernandez denies the story that he is backsliding to his old habits and has become unprofessional again. Proof of this is the fact that GMA-7 has just renewed his contract with them and GMA execs led by president, Felipe Gozon welcomed him anew warmly.

"Yung sinasabing di ko sinipot ang taping ng 'Diva', I did inform the staff about it," he says. "Hindi ko sila basta binitin. I had to attend to something very important that day pero nagpaalam ako nang maayos sa kanila. I'm really surprised that some people are even making a big thing out of my absence sa second death anniversary ng dad ko sa Heritage Park. Alam ni Tita Lorna (Tolentino) na di ako makakarating noon kasi nga nagkataong may taping ako ng 'Diva' that day. She understood me naman. Si Papa ko mismo ang nagsabi sa'king huwag kong pababayaan ang trabaho kaya tinapos ko muna ang taping bago ako nagpunta roon. Hindi naman kailangang ipakita ko pa sa lahat na I'm grieving on my own. Mas gusto ko 'yung nagpupunta ako roon on my own para may quiet time kami at kinakausap ko siyang mag-isa."

As Gary in "Diva," Mark realizes that he's really in love with Regine Velasquez as Melody, the more beautiful version of the girl he originally cared for, Sampaguita. He resolves to tell her his true feelings after the simultaneous concert of Melody with rival Tiffany (Glaiza de Castro). But he later learns that his friend, Martin (TJ Trinidad) is also in love with Melody so he quietly gives way. On the day of the concert, the venue is jampacked with people but Debbie tries to sabotage it by saying there's a bomb so the audience runs away. Despite this, Melody continues to perform for her crippled dad, Elvis (Boboy Garovillo), and sings "Run to You" to him. In contrast, Tiffany's own concert is filled to the rafters.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera si Dingdong na ang endless love

Big challenge kay Marian Rivera ang End­less Love dahil pinaka-heavy drama ito sa mga ginawa niyang soap at tragic pa ang ending. Pina­dalhan siya ng DVD copy ng original Korean novela at napag-aralan niya ang karakter ni Jenny na kanyang gagampanan. Napansin niyang may mannerism si Jenny ’pag nai-stress at gagayahin niya iyon at dinagdagan pa nga.

Ano ang masasabi niya sa Primetime Queen at Reyna ng GMA 7 na mga titulong ibinigay sa kanya?

“Nagulat ako sa ibinigay nilang title at mala­king karangalan sa akin ’yun pero importante pa rin sa akin na masiyahan ang mga tao ’pag napa­nood ako bilang Marian Rivera at hindi dahil sa title na ibinigay sa akin,” reaksiyon ng aktres.

Natutuwa pala si Marian na muling maka­trabaho sina Dennis Trillo at Nadine Sa­monte na kanyang sinuportahan sa Super Twins.

“Five years ago nag-support ako sa kanila at masaya ako dahil naging mabait sila sa akin kahit supporting lang ako, kaya mabait din ako sa kanila,” pagbabalik-tanaw pa ni Marian.

Samantala, “oo” agad ang sagot ni Marian kung si Dingdong Dantes na ang endless love niya at “sana” ang sagot sa tanong kung gugus­tuhin niyang sa kasal mauwi ang kanilang relasyon.

“Very proud ako sa kanya, hindi lang ako nakakita ng matalinong tao, edukado at guwapo pa. Gusto ko ’yung ginagawa niyang pagdalaw sa mommy at lola ko at isinasama niya ako sa family niya. Sobra akong touched noong nasa States kami at mawala ang maleta ng mga pinamili ko. Hindi siya nag-shopping dahil hindi niya kayang mamili na nalulungkot at umiiyak ako. Pagdating ng maleta ko, saka siya nagyayang mag-shopping,” tsika ni Marian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, June 27, 2010

Claudine, papalitan ng sitcom ni Eugene

Klik ang tambalan nina Eugene Domingo at Wendell Ramos nang magsama sa Hot Mama ng SRO Cinemaserye kaya sila ang pinagtambal sa sitcom na Jejemom. Second week ng August ang airing ng sitcom at may feeling kaming ito ang ipapalit sa Claudine ni Claudine Barretto.

Si Dominic Zapata ang director ng sitcom kung saan kasama sa cast sina Gelli de Belen at Jennica Garcia. Third regular show ni Eugene sa GMA-7 ang Jejemom dahil may Comedy Bar at Whatchamakulit pa siya.

Second sitcom naman ni Eugene ang Jejemon dahil gagawin niya ang Inday Wanda sa TV5 na ang kaparehang si Ariel Rivera ay mister ni Gelli na kasama niya sa Jejemom.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ogie Alcasid, Kris Aquino iniintriga

IKINAGULAT ni Ogie Alcasid ang tsikang kinukumbinse diumano siya ni Kris Aquino na magkaroon ng posisyon sa administration ni President-elect Noynoy Aquino at napapayag na raw siya ni Kristeta.

“I really don’t know kung saan nanggaling ’yang news na ‘yan. Never pa kaming nagkausap ni Kris regarding that matter. Kasi, I’m so busy with my work at sa pagiging isa ko sa board members ng OPM,” depensa ni Ogie nu’ng makausap namin sa taping ng Hole In the Wall, na magbabalik-TV with Michael V as his co-host.

Hindi rin nakitaan ng interes si Ogie para pasukin ang pulitika dahil right now, super-love pa rin ng composer/TV host/comedian ang pag-aartista at pagma-mahal sa awiting Pinoy.

“Wala akong hilig sa politics at hindi ko linya ‘yun. Kaya, I really don’t know yet. I still have to talk to them, if ever. At ako, ang hinihingi ko lang na tulong sa kanila ay ‘yung sa aking advocacy for OPM, ma-ging dito sa industry ng local showbiz,” say pa ni Ogie

Masaya na raw si Ogie na hindi man niya pasukin ang politics ay may maganda siyang kontribusyon sa administrasyon ni P-Noy.

“I’m happy na ibalita sa inyo na may ginawa kami ni Noel Cabangon na song para sa bago nating gob-yerno, ’yung Bagong Pilipinas, Maganda talaga at maipagmamalaki namin ‘yung song na ‘yun. Okey na sa akin ‘yung ganoon. Kaya kahit alukin ako ni Pangulong Noynoy para magkapuwesto ay hindi ko tatanggapin. Masaya na ako sa showbiz at sa trabaho ko rito,” giit pa ni Ogie Da Pogi.Go

Samantala, kaabang-abang ang pilot episode ng Hole In The Wall dahil sina Kris Bernal, Daniel Matsunaga, Berwin Meily, Sheena Halili, Fabio Ide at Antonio Aquitania ang sasabak sa pagsisismula ng game show.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 24, 2010

‘Claudine’ Will Soon Bid Goodbye

Claudine Barretto‘s self-titled drama anthology on GMA-7 will soon air its final episode.

According to reports, GMA Network’s EVP and CEO Gilberto R. Duavit himself revealed the news.

Duavit cited that the show’s poor rating is not the main consideration behind the management’s decision. The reason is Claudine’s hectic schedule because she’s busy filming “In Your Eyes” with Richard Gutierrez and Anne Curtis.

But according to Mr. Duavit, after “Claudine” airs its final episode, the kapuso actress will star in a new soap opera.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Carmina at Gelli may tampo sa GMA 7

May himig pagtatampo ang nabasa naming post ni Carmina Villaroel sa kanyang Twitter account sa non-participation niya sa 60th An­niversary Special ng GMA Network. Sabi ng post ni Carmina: “How can you not be part of a big celebration, if you’re one of their stars? Just wondering! Maybe because I’m not a singer nor a dancer.”

Natsika sa amin na ganun din ang sentimyento ni Gelli de Belen na gaya ni Carmina, wala rin sa anniversary show na ang TV coverage ay ipalalabas sa Sunday, June 27 sa SNBO.

Bakit nga kaya hindi naimbitahan sina Carmina at Gelli sa okasyon eh, may regular shows din naman sila sa network? Nakalimutan lang ba sila o tama ‘yung sinabi ni Carmina na baka dahil hindi sila singer at dancer, pero puwede naman silang magbasa ng spiel.

Anyway, sa sumunod na tweet ni Carmina, ibinalita nitong may new show siya at excited siya rito. “I really pray it will push thru’.”

Ibinalita rin ni Carmina na mag-i-enroll sa CCA si Zoren Legaspi dahil gustong maging chef ng asawa na co-host ng Kitchen Battles ng QTV11.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, June 23, 2010

GMA Pinoy TV stars to grace Phil-Am Friendship Day in New Jersey

After ABS-CBN and The Filipino Channel sent two of their most prized artists, Sarah Geronimo and Christian Bautista, to the Philippine Independence Day parade and festival in New York City last June 6, GMA Network and GMA Pinoy TV are sending four of their biggest homegrown talents to headline the Philippine-American Friendship Day celebration in Jersey City, New Jersey, a neighboring town of NYC, this Sunday (June 27).

Here’s the full report from Funfare’s Big Apple correspondent Edmund Silvestre (of The Filipino Reporter):

Rhian Ramos, one of GMA’s Glam Girls and a mainstay of Party Pilipinas; Mark Herras, the Bad Boy of the dance floor and star of the new TV series Langit Sa Piling Mo and Diva; and Kris Bernal, star of the top-rating fantaserye The Last Prince, are all expected to draw a huge crowd and add radiance to the second biggest gathering of Filipinos in the US East Coast after the Philippine Independence Day celebration in NYC.

As an added bonus, GMA is also fielding StarStruck runner-up and fast rising matinee idol Rocco Nacino in the line-up of guests. Rocco is regularly seen in the top comedy show Bubble Gang.

Rhian has already built a following among US Pinoys via her high-rating and acclaimed drama series Stairway To Heaven, which she starred in opposite Dingdong Dantes, while Mark and Kris made their marks in Fil-Am households via Ikaw Sana and All My Life, respectively.

Organized by the Philippine-American Friendship Committee, Inc. (PAFCOM) headed by overall chairman William “Bong” Pineda, the 20th annual event celebrates the friendship between the Philippines and the US, a relationship that has spanned over six decades. This year’s grand marshals are Tom and Lida Zabala.

The Friendship Day celebration features marching bands, colorful floats, a cultural show, a food festival galore, a flea market, a health fair, the Filipino Idol 2010 grand finals, and performances from Rhian, Mark and Kris, who will be joined by a number of Fil-Am talents.

PAFCOM is a nonprofit organization that enriches the quality of life of families, especially those in need. It promotes inclusiveness, opportunities, interculturalism, advocacy and intergenerationalism.

Media sponsor GMA Pinoy TV aims to establish global exposure and presence for GMA Network, Inc., bringing the company’s programs to Filipino communities around the world.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 21, 2010

Geoff's unique way of courting Carla

IT was Carla Abellana's birthday on June 12 and she got a big surprise at the taping of "Basahang Ginto" at the Makati City Hall grounds when leading man Geoff Eigenmann sent her a quartet of musicians to serenade her. He also sent her a bouquet of white roses and lilies. All the people around them were thrilled to see how happy Carla was with Geoff's unique way of greeting her a happy birthday. "Talagang kinilig ang mga tao sa kasweetan nina Carla at Geoff," says our source.

"It's Geoff's way of returning Carla's gift for him some months ago when she hosted a special dinner for him and his family in Bohol in Eskaya, a plush resort na dollars ang bayad."

But Carla got an even better gift when she heard that audience feedback on "Basahang Ginto" remains very positive and the ratings continue to go up. "Sana magtuluy-tuloy, 'yun ang birthday wish ko," she says. "Talagang mas pinapaganda namin ang show. Sa story, kami ng mga kapatid ko, nakatira sa mansyon nina Geoff bilang tulong niya sa'min. Nagalit ako when I learned muntik nang ma-rape ang sister at nilalait sila ng mga sosyal na tao roon. I'll catch his girlfriend, si Sylvia, kissing another man and Sylvia will dump him, so palalayasin ako sa mansyon dahil ako raw ang malas doon. Pero ang gagawin ni Geoff, pagagandahin ako para pagselosin si Sylvia. Magiging beauty na rin ako."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, June 20, 2010

Marian Rivera ‘di makalimutan ang pagkakasakit sa abroad

HINDI malilimutan ni Marian Rivera nu’ng nasa Toronto, Canada sila nina Dingdong Dantes at magdyowang Ogie Alcasid, Regine Velasquez, ang “matamis na karanasan sa pagkaka-sakit.”

Nagkasipon siya, inubo at nagka-fever. Siyempre, ang nag-alala nang husto ay si Dingdong. Grabeng asikaso ang ibinigay ni Dong kay Marian.

Hindi na nga natutulog ang aktor sa gabi sa pagbabantay kay Marian kaya in the end, si Dingdong naman ang nagkasakit.

Habang nasa San Francisco, USA naman ang grupo, nadale naman ng sipon, ubo at slight fever si Regine Velasquez.

Si Ogie naman ang nag-asikaso at labis na nag-alala para sa nobya.

Kaya noong nasa Los Angeles, California na ang grupo, si Ogie naman ang dinapuan ng sipon, ubo at fever.

Pero fully-recovered na si Marian nang umuwi sa Pilipinas kaya may panahon na siya para makapagpagpahinga.

Agad na rin siyang sasalang sa taping ng balik-tambalan nila sa TV ni Dingdong na local version ng Endless Love, na mapapanood na sa June 28.

“Lahat ng soaps ko ay mahihirap magmula sa Dyesebel, Marimar at Darna. Pero iba ang Endless Love, madugo talaga ang mga eksena rito dahil mabigat na drama. Kaila-ngan ay laging naka-focus sa character ang emosyon ko kasi maraming iyakan dito.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, June 19, 2010

GMA Network nakalamang sa Mega Manila TV ratings

Napanatili ng broadcast giant GMA Network ang maliit na lamang sa TV ratings sa viewer-rich Mega Manila mula Enero hanggang Mayo 2010, ayon sa survey results ng mas kinikilalang ratings data supplier na AGB Nielsen Philippines.

Nasa Mega Manila ang 55 percent ng total tele­vision households sa buong bansa.

Mula Enero hanggang Mayo, nagtala ang GMA 7 ng average na 35.6 per­cent audience share, mas mataas ng 0.7 points sa 34.9 percent ng ABS-CBN.

Ang television adaptation ng seryeng pang-ko­miks na Darna ni Mars Ravelo na pinagbidahan ni Marian Rivera ang nanguna sa listahan ng Top 10 programs.

Pasok din sa Top 10 ang iba pang GMA-pro­duced shows na kinabi­bila­ngan ng fantaseryeng The Last Prince nina Kris Bernal at Aljur Abre­nica, ang romantic comedy Full House na pinag­tambalan nina Richard Gutierrez at Heart Evan­gelista, ang kauna-unahang kantaserye sa telebis­yon na Diva ng Asia’s Songbird na si Regine Ve­las­quez, at ang banner newscast ng GMA na 24 Oras.

Tinalo ng 24 Oras, na pinangungunahan nina Mike Enriquez and Mel Tiangco, ang newscast ng kalabang istasyon sa pagtatala ng 26.6 percent na household rating kumpara sa 25.1 percent ng huli.

Noong nakaraang eleksiyon, mas pinanood ang election coverage ng GMA Network na pina­magatang ELEKSYON 2010. Mula Mayo 10 hang­gang 11, nakapagtala ang ELEKSYON 2010 ng ave­rage TV household rating na 12.3 percent, kum­­para sa 10 percent ng ABS-CBN. Noong Mayo, naka­pag-rehistro ang ELEKSYON 2010 ng 12.6 percent household rating, kum­para sa 11.1 ng kalaban. Noong Mayo 11, umakyat ang lamang ng GMA elec­tion coverage sa 3.5 percent.

Samantala, napanatili rin ng GMA 7 ang la­mang nito sa isa pang key area — Urban North/Cen­tral Luzon — kung saan 21 percent ng natio­nal te­le­vi­sion households ang matatagpuan. Mula Enero hanggang Mayo, nakapag-rehistro ang Kapuso ng 40.5 percent na audience share sa nasabing area, o 7.6 percentage points na mas mataas kumpara sa 32.9 ng kalabang istasyon.

Kamakailan ay nagkaroon ng musical extra­vaganza ang GMA Network sa Araneta Coliseum para sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo. Ang grand celebration ay mapapanood sa SNBO sa Hunyo 27.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Kris Bernal: Jay Perillo isn’t my type

KRIS Bernal says that a reporter who saw her picture with “Comedy Bar” vocalist Jay Perillo on her cellphone made the wrong conclusion that Jay is her boyfriend. "Ang screen saver ko is a series of photos with me and my friends," she says. "The photos change and the reporter saw 'yun lang kami ni Jay. I admit Jay is a close friend. Masama bang magkaroon ng kaibigang lalaki? Enjoy kami magkulitan, but he's not my type. I prefer tall guys. Sabi niya, matangkad siya, but I told him, maliit ka kaya. Tinanggal ko na picture niya sa cellphone ko para matigil na 'yan."

So she likes the tall Daniel Matsunaga, her leading man in "Wish Come True" of Lovebug that starts this Sunday after "Party Pilipinas"? "Oo naman. Naka-relate nga ako sa role ko as his admirer sa story kasi international model siyang sinundan ko sa Singapore para akitin. But in real life, I wouldn't do something like that kahit crush ko ang isang tao."

Has she seen Daniel's nudephotos on the net? "Yes, nakakaloka! But he said matagal na ‘yun, sobrang bata pa niya at napilitan lang siya."

How does she feel that she won't see Aljur Abrenica anymore now that "The Last Prince" is about to end? "Siyempre, sad. At our last taping day nga noong Monday, he said, I'll miss you. And I felt na hindi niya ako pinaplastic but it came from his heart."

Was she really never on with Aljur? "You ask Rich Asuncion," she laughs. "Si Aljur, kung kani-kanino nali-link. Someone asked my reaction nga and I said, sa kanila na siya kasi pagod na ako sa kanya."

Is she now okay with Rich? "We've always been okay. Dito sa 'Wish Come True', siya ang girlfriend ni Daniel but I discovered she's two-timing him with another model kaya sinumbong ko siya kay Daniel. I really enjoyed working with Daniel kasi inaalagaan niya akong parang baby. Pag gutom ako, he asks me what I want to eat. When I'm tired, he gets water for me. Dinadala pa niya ang gamit ko sa Singapore. Gentleman talaga."

Unlike Aljur who doesn't help her carry her things? "Hoy, huwag ganyan. Baka sabihin, porke hiwalay na kami, sinisiraan ko na si Aljur. May pinagsamahan din kami noon."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Eugene wants to do movie with Sarah

ACCORDING to Eugene Domingo, she’s toying with the idea of doing a movie project with Sarah Geronimo in the near future.

“That would be nice, don’t you think so? I’d love to work with Sarah. She has this certain charm on screen, and I feel we’ll make a good combination, if ever,” she avers.

Some quarters wonder why she is considering the thought, to think that she herself is a main box-office attraction. In the process, she won’t be able to get solo credit if ever the film becomes a hit.

“Honestly, it doesn’t matter to me at this point in time: who gets top billing or whose exposure is longer. I’m not that competitive. My commitment is with the project.”

For Eugene, potential hit team-ups are what the local film industry needs these days.

“Definitely,” she beams, “for practicality reasons. It’s hard to score a hit these days. Good screen tandems stir excitement among the viewing public. The fresher the team-up, the bigger chances it has to make money.

“Gone are the days when a movie’s financial viability is dictated by its lone lead star. As an old adage goes, two heads are better than one. In my case with Sarah, we could pass up as a riotous mother and daughter team. I wish there is really a producer out there who will take interest in us,” she explains.

Meanwhile, many believe she is presently the highest paid celebrity on the boob tube since her shows for GMA7 are left and right.

“That’s not true," she says with a laugh.

Considering her present stature, it’s inevitable for the public to think that she’s got lots of money already.

“Again, that’s a wrong perception. I’m not yet that rich. But I admit I have savings. I’m a hardworking person. I don’t have vices too.”

With the success of her last two silver screen starrers, "Working Girls 2010" and "Here Comes the Bride," she is a likely candidate for the Box-office Queen title next year.

“Well, I don’t know about that. For me, it’s just a title. What’s important is that my movies make money. I simply feel lucky and blessed,” ends Eugene .

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, June 18, 2010

‘Goodbye Kris, Hello Rhian” si Aljur ngayon

NAIKUWENTO ni Aljur Abrenica na nalulungkot siya sa pagtatapos ng ta-ping nila sa The Last Prince. Naging parte na raw ng buhay niya na maagang gumigising tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Ang kabutihan lang sa pagtatapos ng kanilang soap ni Kris Bernal, makapagpapahinga na siya tulad ng request sa kanya ng kanyang doktor.

Dahil kasi sa taping niya ng The Last Prince sa iba’tibang lugar, nagkaroon si Aljur ng viral infection at apat na beses na siyang nao-ospital dahil sa sakit na ito.

Ayon sa attending physician niya sa St. Lukes Medical Center, nakuha daw niya ito sa pagkain o sa hangin ng kapaligiran.

Hindi rin niya alam kung kailan ang umpisa ng taping ng bagong soap nila ni Rhian Ramos na horror-mystery ang tema.

Pero mapapanaood pa rin siya sa Party Pilipinas every Sunday at mga guesting sa Kapuso shows.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 17, 2010

Patrick Garcia welcome kay Jennylyn sa Father's Day

Kasama ni Jennylyn Mercado ang anak na si AJ sa interview niya para sa pagtatapos ng Gu­ma­­pang Ka sa Lusak sa Friday. Ang ganda-gan­da ng aktres ngayon at nakadagdag sa kan­yang aura na parang wala na siyang dina­dalang sama ng loob sa mga umaway, nanakit, at nagbi­gay ng problema sa kanya at feeling namin, malaki ang kinalaman dito ni Dennis.

Okay sa kanyang makita ni Patrick Garcia ang anak nilang si AJ sa Father’s Day at ’di ito problema sa kanya, pero kailangang si Patrick ang gumawa ng paraan. “Kung gusto niyang makita ang anak niya, gawin niya,” hamon ni Jennylyn.

Maghanda lang si Patrick dahil walking yata ang hobby ni AJ na walang kapaguran sa paglalakad at sabi ni Jennylyn, sa bahay nila, ak­yat-manaog ito at talagang walk nang walk. Open na rin siyang ma­ka­trabaho si Patrick, basta maganda ang project.

In one interview, sinabi ni Carlene Aguilar na pabor siya sa relasyon ng ex na si Dennis Trillo at ni Jennylyn. Any comment?

“Okay kami ni Carlene, lagi kaming nagti-text. Kinu­kumusta niya si AJ at sabi niya, the next time na may playdate sina AJ at Calix, sasama siya. Nag­lalaro ang mga bata sa pinagawa kong play­ground, may kanya-kanya silang laruan. Binigyan ni Dennis si AJ ng toy na parang galing sa Monster, Inc. Magkasundo ang mga bata, ‘tita’ ang tawag sa akin ni Calix,” bida pa ni Jen.

May next show na sa GMA 7 si Jennylyn after Gumapang Ka sa Lusak pero ayaw pang sabihin at hindi si Dennis ang kasama niya, pero tiniyak nitong walang mababago sa kanilang relasyon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 15, 2010

Jolina Magdangal tinanggal sa Party Pilipinas!?

Wala si Jolina Magdangal sa Party Pilipinas last Sunday at akala namin, nasa ibang bansa ito o may ibang importanteng ginawa. Pero naintriga kami nang mabasa sa kanyang Twitter account ang na-post na “wala ako sa PP sa malalim na dahilan.”

Nag-tweet kami sa singer-actress para alamin kung bakit wala siya sa Independence Day special ng Party Pilipinas, pero lalo kaming naintriga sa sagot na ayaw na lang niyang magsalita at baka sabihing gumagawa siya ng isyu. Ay, ano kaya ang nangyari?

Nang makita namin si Jolina sa taping ng Comedy Bar noong June 9, we asked her kung ano ang gagawin niyang number sa Party Pilipinas at “wala pa” ang sagot nito, pero ang alam namin, by that time, alam na ng artists ang mga nakatoka nilang production numbers.

Makapagtanong nga kung ano talaga ang nangyari?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard and Claudine in each other's eyes

Should the Los Angeles Lakers win this year’s NBA championship, Richard Gutierrez would be one of those who will be celebrating hard. In nearly three weeks that he spent in LA to shoot Mac Alejandre’s In Your Eyes, a co-production between Viva and GMA Films, the good-looking actor saw the Lakers play three times. And in those occasions he was able to meet and shake hands with several Hollywood personalities who came in droves to support the local team.

“I shook hands with Stallone, Jamie Foxx and (Olympic swimmer) Michael Phelps,” he disclosed. Like ordinary folks, Richard gets star struck, too. “I just tell them, ‘I am a big fan of your work,’ and then I shake their hands. They appreciated it. I know how it feels to be appreciated and they felt the same way.”

Richard is no stranger to being approached by fans himself. Being one of the most popular actors working today, he has reigned as one of the Philippines’ most bankable romantic leading men for several years now. He has been paired with the brightest stars in showbiz — most notably being KC Concepcion’s only screen partner so far — and now he is headlining a movie with another superstar, Claudine Barretto, and emerging box-office sensation Anne Curtis, whose latest film, Star Cinema’s Babe, I Love You, raked in huge box office money in both local and international screenings.

It would be recalled that Anne and Richard used to date and it wasn’t lost on Claudine who playfully teased Richard about it after I asked her if there’s anyone in particular she would want Richard, who is currently single, to date.

“Myself!” Claudine initially volunteered. “If I weren’t married — that is, but since I am married, si Anne. Kasi meron pa talaga. May history, may future... at may present, I swear.” Richard couldn’t help but smile almost conspiratorially while snugly holding on to his travel pillow. Claudine is married to Raymart Santiago.

This writer had a spirited chat with the two very warm and friendly superstars last Saturday after The Philippine Star was invited to cover the stars as they shot some key scenes at the popular Filipino bar California Wok in Orange County. They were shooting late into the night and by the time I got to the venue Anne was already gone.

The shoot ended past midnight and I was told they had a 6 a.m. call time. As it was rushed, we didn’t have time to find a quiet room to do a proper sit-down interview, so the next best place was inside their service van. It was a haphazard setup that turned out pretty well. Richard sat in the second row next to the window while clutching his travel pillow while Claudine initially sat on the floor of the van (the day’s shoot was so tiring, she could have sat on the pavement and still wouldn’t have minded it!). I positioned myself in the front seat while my photographer, Greg Leviste, went circling around the van to take good pictures.

Claudine, who told me that if there’s one place in America she wants to go it would be New York because she likes Alicia Keys’ Empire State of Mind, expressed her excitement to finally work with Richard: “It’s fun, super fun, really fun.”

“I told Richard that it’s harder for me to connect with my leading men as compared to my female co-stars,” she said before adding that Richard is only the third actor — after Aga Muhlach and Piolo Pascual — with whom she never had difficulty getting along on the first day of shoot. “We never worked together before and yet it was so easy for us. We are on the same page always at isang tinginan lang, yun na. We knew instantly what our likes and dislikes are.”

Richard and Claudine knew each other back in the days when Richard’s older brother Rocky was trying to woo Claudine. “We were so young then,” she recalled.

And although the courtship didn’t prosper to anything more than friendship, Claudine had fond memories of their Baguio trips and various activities.

The two never thought they’d ever work together. The obsessive network war has prevented them from starring in a movie together. But when Claudine’s contract with ABS-CBN expired, she signed up with Viva, which immediately rolled out several projects for their new prized talent.

Richard remembered feeling “excited and a little scared at the same time” when he learned of the offer to work with Claudine. He even initially addressed his co-star as “Ms. Claudine.”

To break the ice, Claudine presented her co-star with DVDs of some of her movies and Richard found Claudine’s turn in the 2002 movie Got 2 Believe quite endearing. “My favorite was Kailangan Kita pero nakalimutan ko na,” Richard shared. “‘Yung Got 2 Believe, it’s like watching a different Claudine, so funny!”

By this time, Richard should have presented Claudine with DVDs of his own movies after Claudine revealed that she hasn’t seen any of his movies although she is familiar with his TV work. “He owes me,” she said.

In the movie, Claudine and Anne play sisters who fall in love with the same guy played by Richard. The story is partly inspired by the struggles and sacrifices of not so few Filipino-Americans as they chase the so-called American Dream.

Richard described his character as “a drifter, go-with-the-flow-guy, who’s not really taking anything seriously and jumping into roller-coaster relationships.”

Asked if he was able to relate to his character, he replied, “Oo naman, dumaan ako dyan.” to which Claudine, with a wicked smile, sarcastically countered “Dumaan?” Richard laughed again and hinted that “there are certain attributes of my character na hanggang ngayon pinagdadaanan ko pa rin.”

“We made it in such a way that we will make a different kind of story.” Richard stated. “This is one of the most challenging and fulfilling characters that I’ve ever portrayed. Working with direk Mac, Anne and Claudine, kind of puts me in an excellence that I have to achieve.”

“If you wanna work with the best you also have to give your best,” the two said in unison.

Hearing Richard and Claudine talk passionately about their craft prompted me to ask them about their thoughts on Philippine movies in general.

During the past couple of years, Philippine cinema saw some resurgence after years of declining movie productions. The independent film movement ushered in a new set of visionary filmmakers and showcased several talented but largely unheralded character actors now crossing over to mainstream filmmaking — and are headlining their very own movies!.

“The Filipino audiences now are becoming very smart. You just can’t give them any kind of movies. You have to give them what they want. You have to give them intelligent films,” Richard acknowledged, “and that’s what motivates us to keep out doing our work.”

Would they consider doing an independent movie? “I’d love to do it but not now,” Claudine responded. “You just can’t go off-beat. You have your weaknesses as an actor and you just cannot say, ‘Okay, I will do this,’ because sometimes you can only do what you are supposed to do.”

Claudine further added: “I am so happy with what’s happening to our independent movies because they spend less money and yet they get so many awards and recognitions and it makes me so proud. It’s an opportunity for so many actors, new and old, and those who are very good who couldn’t find work get their breaks and shine.î

We talked about showbiz gossip and intrigues and both agreed they’ve come to live with it although they would wish to correct so many untruths written about them. What they are, we didn’t have time to discuss anymore as the crew already signaled that they were about to leave. It was already a few ticks away from 1 a.m. and they had a 6 a.m. call time.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, June 14, 2010

‘Party Pilipinas’ in 3D on June 20

‘Party Pilipinas’ in 3D on June 20. Party Pilipinas, will be in 3D format this coming June 20, 2010. This is the first time that a local tv program in the Philippines will be seen in 3D.

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 10, 2010

Dingdong at Ogie, dumalo sa proklamasyon ni Noynoy

DUMATING na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahapon mula sa pagge-guest sa series of shows nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Bukas o sa Monday, magre-resume na sila ng taping ng Endless Love: Autumn In My Heart na magpa-pilot na sa June 28.

Marami na ang naghihintay na muling mapanood sina Marian at Dingdong na magkasama at hindi sila mabibigo sa Endless Love: Autumn In My Heart dahil pinaganda ni Direk Mac Alejandre at ng pool of writers ng soap.

Nagpapasalamat pala kami kay Kitsherwin Cruz na nagpadala sa amin ng picture nina Marian at Dingdong sa Endless Love: Autumn In My Heart.

Pagdating ni Dingdong, ang isyung may iaalok sa kanilang posisyon si President-elect Noynoy Aquino ang sumalubong sa kanya.

Honored daw siya, kaya lang kung babalikan ang mga sinabi ng aktor sa mga nauna niyang interview, nabanggit nitong masaya na siyang nasa showbiz at tutulong pa rin naman sa mga project ng bagong presidente.

Kabilang sina Dingdong at Marian sa mga dumalo sa proclamation kahapon ni President-elect Noynoy sa Batasang Pambansa dahil personal silang inimbita nito at ni Kris Aquino sa nasabing okasyon.

Naroon din kahapon si Ogie Alcasid at ang “First Girlfriend” na si Konsehala Shalani Soledad.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 08, 2010

Rhian Ramos walang galit kay Ruffa

ISA ang PLDT endorser na si Rhian Ramos sa mga nag-host ng PLDT myDSL Watchpad Crew event sa M Café, Greenbelt 4, nu’ng Biyernes ng gabi, at du’n ay pinalinaw sa kanya ng showbiz press ang lumaking issue sa pagitan niya at ng Paparazzi host na si Mo Twister.

Pinagtawanan lang ni Rhian ang issue na magkasama sila ni Mo sa Paris. Aniya, totoong bumiyahe siya pa-Europe matapos mag-ikot sa Amerika kasama sina Mark Herras at Wendell Ramos para sa GMA Pinoy TV.

Pero hindi raw si Mo ang kinatagpo niya roon kundi ang amang nasa business trip at hindi siya sa Paris nagpunta kundi sa Amsterdam.

Sey ni Rhian, matagal na silang hindi nagkikita ng tatay niya, kaya mula Amsterdam, nag-train siya para makasama ito’t makausap tungkol sa ilang bagay.

Dinenay din nito ang tsikang si Mo ang dahilan ng kanyang pag-iyak sa airport nang dumating mula sa California.

Anang aktres, something very personal ang rason ng nakunang pag-iyak niya sa airport.

“Nabalitaan ko ’yung kay Mo habang nasa California ako,” kuwento ni Rhian sa interview ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central nu’ng Linggo.

Nabasa raw niya sa Twitter ang tweet ng ate ni Mond na si Ruffa na tinutukso nga siya kay Mo.

Alam daw ni Rhian na nag-aasaran ang dalawa at nadamay lang ang pangalan niya.

“Well, were friends, buong pamilya n’yo naman (meaning, the Gutierrezes), okay naman tayong lahat. Siguro confused lang ako, gusto ko lang malaman kung ano ’yung pinag-uusapan bilang nabasa ko lang naman ang pangalan ko.

“Once and for all, guys, I was not in Paris, but I went to Europe, so, wala namang nagsabi na spotted in Paris, may nag-spot sa akin sa airport nu’ng 19 (May) nu’ng papunta akong Amsterdam and then I took a train to see my dad because he was there on a business trip. More than a year ko na kasing ’di nakita si Dad. The last time we saw each other, debut ko pa. So, gusto ko siyang kausapin about things.”

Pero hindi niya dinenay na “very close” sila ni Mo. Magkakilala na raw sila ever since she was 15 years old.

Nag-sorry na rin daw ito sa kanya dahil nadawit nga siya sa intriga, but she “over it.”

Paano kung mauwi rin sa ligawan ang relasyon nila?

Sagot ni Rhian, “Hindi ko naman sinasabi na tinatak-buhan ko siya or anything. But that’s all, hanggang du’n lang. D’yan na naman lumalabas ’yung mga what if, what if manligaw?

“As of now, friend ang tingin ko kay Mo. I never saw him in any other way yet. Kung sinabi ko kasing ayaw ko, tapos sa future, may mangyari, sino ’yung mukhang ewan, ’di ba? I just never saw him in that way, ’yon.”

Ang message naman niya kina Ruffa at Mo? “Obviously, wala naman tayong galit sa isa’t isa, before and after this show, nag-uusap naman din tayo or mag-uusap naman tayo.

“Trust me, the number of jokes na nagawa ko na sa buhay ko na naging isyu, marami na rin. So, sino naman ako para mapikon, ’di ba?”

Anyway, ang tinanghal nga palang PLDT myDSL Watchpad Crew Final Five ay sina Carole Monique de Leon, Jacqueline Milner, George Schulze, Yassi Pressman at Nikko Ramos.

Nag-uwi naman ng special awards sina Yassi, lifestyle press choice; Paolo Villanueva, people online choice; Nikko, entertainment press choice, bloggers’ choice at school editors’ choice.

Bukod kay Rhian, present din sa Final Five announcement sina Tessa Prieto-Valdez, Victor Aliwalas, Tim Yap, Isabel Oli, atbp.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, June 05, 2010

Kris Bernal inaalok mag-pose sa FHM

INALOK na pala ng FHM magazine si Kris Bernal para maging cover ng kanilang magazine.

Ipinarating ng FHM ang alok kay Kris thru GMA Artist Center. Sa ngayon, pinag-iisipan pa ni Kris kung tatanggapin ang offer. Kung kami ang tatanungin, wala siyang dapat ipag-alala sa kanyang ka-tawan kasi medyo nag-gain na siya ng timbang .

“Pinag-iisipan ko pang mabuti. Baka naman isipin ng iba na dahil nagkahiwalay na kami bilang love-team ni Aljur nagpaseksi na ako. Basta, pinag-iisipan ko itong mabuti,” say ni Kris off-cam ng maging judge sa Pinoy Records.

Hindi naman sa ayaw mag-pose ng sexy ni Kris sa FHM, kaya lang may personal siyang desisyon kasi na sinusu-nod.

* * *

SA paghihiwalay nina Kris at Aljur bilang loveteam, nagbigay ng memorable birthday gift si Kris sa kanyang leading man.

Mamahaling Louis Vuitton na wallet lang naman ang ibinigay niya kay Aljur. According to Kris, marami siyang koleksiyon ng bag, isa na ang worth P200,000 na Louis Vuitton.

“Wala akong binibiling anuman sa kinikita ko. Hindi ako breadwinner sa pamilya. May sarili na ka-ming sasakyan bago pa ako mag-artista. May sa-rili rin kaming bahay sa Commonwealth Ave. Kaya wala pa akong dapat ipun-dar sa kinikita ko. Pagda-ting sa sarili ko, kuripot ako. Hindi ako pala-bili, bags lang ang binibili ko. ’Yan lang ang luxury ko sa buhay ko. Ang ibang kita ko ay nakabangko lahat para sa future ko.”

Bukod sa malapit nang matapos na The Last Prince , nakapag-taping na rin si Kris sa wala pang title na Love Bug episode na kinunan pa sa Singapore. Kapartner niya si Daniel Matsunaga, na openly ay sinasabing crush niya si Kris. Para naman kay Kris, okey lang magkagusto sa kanya si Daniel kasi mabait daw ito, especially noong nagte-taping sila sa Singa-pore. Nakasama rin nilang mag-taping sa Singapore sina Rich Asuncion at Chariz Solomon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, June 03, 2010

Manny Pacquiao tinanggihan ang WOWOWEE

Totoo pala na inoperan ng Dos si Manny Pacquiao mag-host ng Wowowee pero agad niya itong tinanggihan dahil tumatanaw siya ng utang na loob kay Willie Revillame.

Malaki raw ang naitulong sa Pambansang Kamao ni Willie sa panga-ngampanya kaya itinuring niya itong kaibigan.

Isa pa, may sitcom si Manny sa GMA7 na Show Me Da Manny, napapanood every Sunday pagkatapos ng Showbiz Central.

Ngayong nahalal na Ccngressman si Manny, balak daw niyang mag-imbita ng foreign sportswriter para sa inagurasyon niya ngayong June.

Ayon na rin sa manager ni Manny, inihahanda na ang bonggang preparasyon para sa nasabing okas-yon para ma-accommodate ang darating na foreign press na magko-cover kay Pacman. Magsisilbing advance promo na rin ito para sa nalalapit na laban niya kay Floyd Mayweather sa November, kung walang magiging aber-ya. Pangako naman ni Pacman na huling laban na niya ito para makapaglaan ng panahon bilang public servant. Babalikan din niya ang pag-aaral at uunahin ang crash course sa Public Administration and Governance.

Pero giit ni Manny, hin-ding-hindi niya iiwanan ang telebisyon at kapag libre ang kanyang schedule, magte-taping siya ng Show Me Da Manny.

Ngayon ay nasa Amerika si Manny kasama ang pamilya para magbakas-yon at tanggapin na rin ang award bilang magaling na boksingero.

* * *

Naipagtapat ni Joshua Dionisio sa pag-uusap amin sa presscon ng Pilyang Kerubin na mas gusto niya ay matanda sa kanya ang babae.

’Yung kasing edad nina Heart Evangelista at Shaina Magdayao. Sa female actress kasi ng GMA7, si Heart daw ang crush niya at sa ABS-CBN naman ay si Shaina.

Ayon pa kay Joshua, 13 years old siya ng magka-GF at schoolmate niya ang girl.

Pero ngayong 15 na siya, mas gusto niya na may edad ang babae sa kanya. Nagugulat si Joshua sa mga tanong sa kanya ng press sa presscon ng Pil-yang Kerubin pero sa halip iwa-san ay tumatawa na lang ito at nagtatanong kung kailangan ba niya ’yung sagutin. Loveteam sila ulit ni Barbie Forteza sa Pil-yang Kerubin pero out na si Jake Vargas dahil si Elmo Magalona na ang co-star nila. Nami-miss daw nina Barbie at Joshua si Jake pero natutuwa naman daw sila dahil may bago na naman silang makakasama at kaibigan sa katauhan ni Elmo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, June 02, 2010

Trudis Liit on GMA

Jhyllianne Warde, the cute little girl who sings “mama said I have a very beautiful voice” in the Promil Preschool TV commercial, is set to star on GMA’s “Trudis Liit.”

GMA is doing a TV remake of the classic film Trudis Liit, based from one of the most popular graphic novels by Mars Ravelo (creator of Darna, Captain Barbell, etc.) with the same title, which Sampaguita Pictures produced in 1963 and launched the career of Vilma Santos. The Star for All Seasons won the very first Best Child Performer award from the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) for her performance in the said movie.

[source]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, June 01, 2010

Paolo Contis Updates

Balik-acting si Paolo Contis dahil kasama siya sa cast ng Pilyang Kerubin na magpi-premiere sa June 7, pagkatapos ng 24 Oras. Bad boy na na­man dito si Paolo dahil gagampanan ang role ni Jonas na gugulo sa relasyon nina Melissa (An­gelika dela Cruz) at Arman (Raymart Santiago). Sa husay gumanap na kontrabida ni Paolo, tiyak na kamumuhian siya ng mga viewers at mukha namang handa na ang aktor na awayin ng mga viewers.

In real life, hindi na kailangang makipag-aga­wan ng babae si Paolo dahil kahit hindi sila kasal ni Lian Paz, masaya silang nagsasama with their baby girl Xonia. Kapag tinatanong kung kailan nila balak pakasal, ang laging sagot ni Paolo ay gusto niyang maging flower girl nila ni Lian ang anak sa wed­ding nila, kaya palalakihin muna nila ang bagets.

Guest co-host si Paolo sa Showbiz Central last Sunday at ’di naitago ang pagka-irita sa mga “kaibigan” niyang up to now, hindi pa rin matanggap si Lian para sa kanya. Kung ayaw daw kay Lian ng mga friends niya, ayaw niya rin sa mga ito at mati­gas na “move on” ang message niya sa mga kaibigang hindi naman binanggit ang mga pangalan.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites