<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 09, 2011

Iwa Moto denies taking illegal drugs

MORE than six months hindi gumawa ng TV show si Iwa Moto dahil sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo at kalusugan.

Pero sa pagpasok ng 2011, handang-handa na raw siyang sumabak ulit sa mga teleserye kaya isinama siya sa Dwarfina ng GMA7.

As usual, kontrabida ang role ni Iwa sa bagong telefantasya ng Kapuso Network at ang Dwarfina ang second time niyang magko-kontrabida kay Heart Evangelista.

“Na-miss ko si Heart kasi ang bait-bait niyang tao talaga. Kapag kausap mo siya, parang positive ng lahat. Maganda ang energy niya. Nakakahawa ang pagiging masayahin niya kaya gusto ko siyang katrabaho,” say ni Iwa sa presscon ng Dwarfina.

Ang last TV series na ginawa ni Iwa ay ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Nagkaroon lang siya ng guest appearance sa Pilyang Kerubin at Beauty Queen. Tsika pa ni Iwa, marami siyang inayos sa buhay kaya nag-beg off muna sa mga show.

Lalong sumeksi si Iwa na medyo nangayayat kaya hindi totoo ang intriga na dahil daw sa nagda-drugs siya.

“Apat na wisdom tooth ang pinabunot ko dahil impacted sila. Kaya grabe ang ipinayat ko kasi hindi ako makakain ng tama at nagkasakit pa ako pagkatapos ng magpabunot.

“Then ’yung business namin ng boyfriend ko, medyo nagkaproblema financially. Hindi naman kami nalugi pero kailangan tutukan ko nang husto. Kaya doon lahat naka-focus ang energy ko sa business, kasi ayokong mawala ang pinaglagyan ko ng kinita sa showbiz.

“Ngayon unti-unti na kaming nakakabawi. Pero kailangan pa ring tutukan ko parati. Kaya this year lang ako nakatanggap ng show kasi nababawasan na ang mga negative energies ko sa katawan,” tsika ni Iwa.

Muling inurirat kay Iwa ang tunay na ang rason umano ng pag-lie low niya sa showbiz ay dahil nagpakasal siya at nagbuntis.

“Hindi pa ba sila nagsasawa sa isyu na ’yan? Three times na akong nababalitang ikinasal tapos five years na akong nababalitang may anak. Aba, sana may five-year-old na anak na ako ngayon, ’di ba? Patunayan nila kung nagkaanak at nagpakasal na ako,” paghahamon pa ng sexy star.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites