<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, January 01, 2011

Vic: Gwen to remain as Faye in next movie

HIHIGIT sa P100 million ang kikitain ng "Si Agimat at si Enteng Kabisote." Kaya naman tuwang-tuwa ang mag-partner na sina Vic Sotto at Bong Revilla. 'Yun nga lang, hindi na muna sila magsasama sa susunod nilang MMFF entry. Come December, may kanya-kanya na silang ilalahok. Pero mukhang walang mababago sa casting. Nagustuhan nina Vic at Bong ang dalawa nilang leading ladies na sina Gwen Zamora at Sam Pinto, kaya naman, in their separate projects, mukhang ang dalawa pa rin ang kanilang kukunin.

"Mahusay si Gwen," ani Vic. "At saka, ayaw ko na ng paiba-iba ng Faye (ang karakter ng misis ni Enteng na isang fairy)."

Ayon pa kay Vic, kung hindi rin lang naging girlfriend at future wife ng anak niyang si Oyo Boy si Kristine Hermosa, ayaw na sana niyang palitan ito bilang Faye. "Nakakahiya naman," ani Vic. "Misis ng anak ko, tapos, leading lady ko sa pelikula."

Samantala, matagal na palang kilala ni Vic si Sam Pinto (na leading lady ni Bong). "Kasama siya ni Oyo sa "Midnight DJ" bago sumali sa PBB (Pinoy Big Brother)," paliwanag ni Vic.

Sabi namin, mukhang pabata nang pabata ang mga nagiging leading ladies nila. "Ganun talaga," sabi ni Vic sabay tawa. "Para manatili kaming bata."

Ganun din ba sa tunay na buhay?

Ngumiti lang si Bossing Vic. No comment naman si Bong.

[via]

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites