<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 05, 2011

Lovi Poe admits long-time crush for Richard

NANINIWALA si Lovi Poe na walang maliit na role sa isang mahusay na artista. At mukhang ito ang gusto niyang patunayan.

“Basta po for art’s sake, okey lang po sa akin,” sabi ng magandang anak ng yumaong King of Philippines movies na si FPJ. “At saka, kaila-ngan lang, naniniwala ka sa director mo at sa mga kasama mo sa pelikula.”

Sa pelikulang My Valentine Girls ng GMA Films at Regal Entertainment, marami silang kissing scenes ng leading man na si Richard Gutierrez.

“Disente si Richard at marespeto sa kanyang leading ladies,” ani Lovi.

“Mahusay din po ang director naming na si Andoy Ranay kaya kahit anong ipagawa niya, okey lang sa akin.”

Richard is a perfect gentleman, ayon kay Lovi. Nagulat nga siya nang dalawin siya nito sa set ng My Little Star. Hindi nga siya makapaniwala na ginawa ito ni Richard na since high school ay crush na niya. But of course, we all know na taken na si Lovi. Inamin na ni Cong. Ronald Singson na ngayo’y may kaso pa sa Hong Kong ang tungkol sa kanilang dalawa. In fact, moral support ang gustong iparating ni Richard para kay Lovi sa mga pinagdadaanan nito ngayon.

Alam din ni Lovi na mas close si Richard sa isa pa nitong leading lady na si Solenn Heussaff. Bagama’t hindi pa sila on, halata na-ming doon na papunta ang relasyon ng dalawa.

Pero ang nakatatawa, nang tanungin ang isa pa sa star ng My Valentine Girls na si Jillian Ward kung sino ang sa palagay niya’y mas gusto niya para kay Richard sa tatlong leading ladies nito sa naturang pelikula, sinabi ng bata na, “Si Rhian Ramos po. Bagay po sila,” sabi nito habang naglalaro ng lutu-lutuan sa presidential table.

Yan ang opinion ng isang bata na kadalasan ay nagsasabi ng totoo.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites