<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 23, 2011

Marian Rivera Not Dead

“Hindi ako patay!” salubong sa amin ni Marian Rivera sa presscon ng Spooky Nights Presents: Bampirella dahil a few hours before the presscon, kumalat sa text na namatay siya dahil sa isang car accident sa Cavite.

Bale ba, matagal sinagot ng manager niyang si Popoy Caritativo ang text namin asking for the veracity of the said news.

Ayun, false alarm ang balita na ipinakalat ng kung sinong may galit yata kay Marian.

Habang itsinitsismis siyang naaksidente, kampante ang aktres na nagpapa-blower ng buhok sa salon ni Bambbi Fuentes.

“Ang daming tumawag at nag-text sa akin tungkol d’yan, kaloka! Hindi ko na ipinaalam kay Dingdong (Dantes), magwawala ’yon. Ibig sabihin, hahaba pa ang buhay ko,” sabi ni Marian.

Sa nabanggit ng showbiz editor na si Isah Red na may naiinggit sa kanya, ang sagot ni Marian ay malakas ang kapit niya sa Diyos.

“Ipinagtitirik ko ng white candle sa church sa The Fort ang mga taong ’di ako gusto at pati ’yung mga taong mahal na mahal ako. Konti lang naman siguro ang haters ko at pini-pray ko sila,” wika pa ni Marian.

Samantala, in-assure ng aktres ang viewers na matatawa at matatakot sa Bampirella na eere na sa March 26.

Kasama sina Gelli de Belen, Marc Abaya, Mikael Daez, Isabel Nesreen Frial, Jervi Li, Ken de Loen at Gladys Guevarra at may special participation si Dingdong sa direction ni Albert Langitan.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites