<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, April 10, 2011

Iza Calzado unafraid of Marian

SIXTH team-up na nina Iza Calzado at Dingdong Dantes ang pagsasama nila sa I Heart You Pare! Kaya naman confident si Iza na hindi siya matutulad sa ibang naging leading ladies ni Dong na may isyu na inaaway ni Marian Rivera.

“Naku naman, ang dalas na naming magkapartner ni Dingdong. I’m sure, may kissing scenes din kami ni Dong pero hindi na big deal ’yun sa akin kasi madalas na naming ginagawa ‘’yun,” nakangiting paliwang ni Iza.

Matatandaang naging partners sila ni Dong sa Engkantada, Moments of Love, Atlantika, Eternity at isang pelikula pa. Ang kinatatakot lang ni Iza sa paglabas niya sa gay role, kung mapapantayan niya ang ginawa ni Regine Velasquez.

Nagawa man ni Iza sa SRO ang bading role, mahinhin ang pagka-gay niya doon. Dito sa I Heart You Pare, hysterical gay dahil comedy soap nga ito at kailangan na magpatawa siya ng viewers.

Mabuti na lang at hindi siya kakanta dito, kungdi puro dance production lang na minamani lang niya sa Party Pilipinas at Eat Bulaga.

At dahil magiging busy siya sa I Heart You Pare, nagpaalam muna siya kay Mr. Tony Tuviera na hindi muna siya makakapag-host sa Eat Bulaga. Pero pangako niya, sisipot siya kapag nagkaroon ng time. Kaya ngayon pa lang daw, mami-miss na ni Iza ang dabarkads niya sa EB.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites