<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, August 03, 2011

Marian Rivera nagpa-dessert kay Dingdong

Magkasamang sinalubong nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang birthday ng una last August 2. After ng taping ng aktres ng Amaya, dume­retso ito sa isang ranch sa Batangas, kung saan, nauna nang nag-celebrate ng birthday ang BF with his male relatives. Sa eve ng birthday ng aktor, hanggang kinabukasan, magkasama sila ni Marian at ibang family members at close friends ng actor.

Dala ni Marian ang ni-request ni Dingdong na Japanese fried rice, caldereta, pork steak, garlic shrimp na niluto niya sa kanyang condo. Kay Dingdong na rin ipinapatanong ni Marian ang birthday gift niya rito. Sa tanong kung anong inihanda niyang dessert, “Me” ang pabiro nitong sagot, pero chocolate cake talaga ang binili.

Sa Aug. 12, birthday naman ni Marian at bilang treat ng production ng Amaya, hindi siya ini-schedule ng taping. Wala pang gift sa kanya si Dingdong, pero si Marian, bumili na ng designer bag bilang gift sa sarili’t reward daw niya ‘yun. Hindi nito sinabi ang brand ng bag, ang feeling ng press, Hermes ito.

Sa Amaya, Panday 2 at ang darating na sitcom muna ang focus ni Marian at ayaw munang isipin ang mga gagawing pelikula. Excited na siya sa warrior phase niya sa epic serye at isinukat na ang kanyang costume.

Samantala, nadagdagan ang budget ng GMA 7 sa Amaya dahil ‘pag tag-ulan, nagpapa-deliver ng trak-trak na buhangin para ilagay sa maputik na daan. Sobrang putik ang location sa Pagsanjan, Laguna at naka-bota ang cast, staff, at crew. Pero kapansin-pansin ang sosyal na portalet, air-conditioned at may hagdan.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites