<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, January 31, 2011

Charice Home for Valentines on GMA

Charice: Home for Valentines is the working title of the singing sensation’s TV special on the Kapuso network which is set to be aired on February 13, 2011, Sunday, 8:30 p.m. Charice is currently taping the said TV special until tomorrow under the direction of Louie Ignacio.

Watch the interview here:

Continue Reading...

Sunday, January 30, 2011

Yasmien Kurdi di kayang magpaka-plastic kay Baron

Sinabi ni Yasmien Kurdi na nag-usap na sila ng abogado niya tungkol sa aksyon nila sa kaso ng graft and corruption na isinampa ni Baron Geisler laban sa kanya.

Ipinauubaya ni Yasmien sa mga tao at sa korte ang paghuhusga kung guilty nga ba siya sa kaso na ibinibintang sa kanya ni Baron.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang idemanda ni Yasmien si Baron at hanggang ngayon, dinidinig pa rin ang kaso. Nasabi sa akin ni Yasmien na ayaw na niyang isipin si Baron dahil napapagod na siya pero nakahanda sila ng kanyang abogado sa asunto na isinampa ng kampo ng aktor sa Ombudsman.

Twenty-second birthday ni Yasmien noong nakaraang Martes at ang demanda ni Baron ang isa sa mga birthday gifts na natanggap niya.

Hindi plastik si Yasmien kaya deretsahan niyang sinabi na nakaramdam siya ng inis at galit nang magkita sila ni Baron sa huling hearing ng kanilang kaso. Hindi lamang si Yasmien ang sinampahan ni Baron ng kaso dahil kasama rin sa demanda ang mga pulis na tumanggap ng kanyang reklamo noong 2009.

Hindi affected ang lawyer ni Yasmien na si Atty. Ferdie Topacio sa demanda ni Baron dahil ganito rin ang ginawa ng aktor kay Patrizha Martinez, ang anak ni William Martinez na nagreklamo rin ng pang-aabuso laban kay Baron.

Hindi pala natuloy ang pagpasok ni Baron sa rehabilitation center dahil uunahin pala muna niya ang pagpapa-check up sa kanyang liver.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 28, 2011

Regine-Ogie 'rushing' to have a baby

PARANG laging nagpupulot-gata ang mag-asawang Ogie Alasid at Regine Velasquez at hindi nila ikinahihiyang aminin na madalas silang magkulong sa kuwarto kapag nagtutugma ang kanilang schedules o kapag nagkaroon sila ng pagkaka-taong mag-abot sa kanilang bahay.

Bukod sa mga panakaw na sandali para mag-honeymoon, super-effort daw talaga sila para makabuo agad ng baby.

Tsika ni Regine, sinusu-bukan nila ang normal na paraan bago sila magdesis-yon na dumaan sa Invitro fertilization procedure para maka-baby.

Umaasa si Regine na magka-baby na agad para hindi na nila kailanganin pang humingi ng tulong sa sensiya.

Ipinagtapat din ni Regine na hindi ganoon kadali ang sumailalim sa proseso ng Invitro dahil bukod sa napakabusisi nito, may kamahalan pa.

Unang bayaran pa lang daw, aabutin na ito ng $3,000 o mahigit sa P129,000.

Kuwento pa ni Regine, kapag sumailalim daw siya sa Invitro, marami siyang isasakripisyong trabaho, tulad ng bago niyang serye sa GMA7 na I Heart U Pare with Dingdong Dantes.

Sa Invitro daw kasi, kailangan na bed rest ka hanggang makapanganak, tulad ng ginawa ni Batangas Governor Vilma Santos

At habang naghihintay silang makabuo ng baby, sinisiguro naman ni Ogie na hindi niya napapabayaan ang taping ng Bubble Gang, na napapanood every Friday sa Kapuso Network.

Sa gag show raw kasi siya nakakapag-relax at nakapag-iisip ng mga dapat gawin bilang padre de pa-milya.

Natutuwa rin si Ogie sa segment nila ni Michael V sa BG na Cheche Bureche. Pinagtutulungan daw nilang dalawa kung ano ang segment na gagawin sa susu-nod na mga eksena para mas maging kuwela ito.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Thursday, January 27, 2011

Richard Gutierrez perfected kissing with Solenn

Unahin na nating pag-usa-pan ang sinabi ni Richard Gutierrez na “longest kis-sing scene” ever na ginawa niya sa isang pelikula ang sa kanila ni Solenn Heussaff sa My Valentine Girls, ang na-g-iisang Valentine movie na showing sa Feb. 9.

Say ng aktor, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan: “Dumating pa nga sa point na nagkabitawan kami (Solenn) sa pag-kiss. And we asked kung hindi pa ba sumigaw ng “cut” si Direk?”

“We try to make it perfect as possible dahil may instruction si Direk na gawin ’yung highlight sa episode namin, plus the fact na gusto ni Direk na iba’t ibang anggulo ito kunan,” hirit ng 27-anyos na binata.

Pero nang ipa-describe kay Richard ang “lasa” ng mga ginawa niyang halik sa leading ladies niyang sina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn at Eugene Domingo, namumula itong napangiti at napatahimik.

But since si Solenn ang latest na nali-link sa kanya at sila ang may longest kissing scene sa movie, it is then safe to say na kay Solenn marahil siya pinaka-nasarapan, kahit pa ayon kay Uge, si Richard naman ang pinakamasarap na kiss na natikman niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 26, 2011

Daniel Matsunaga Kissing Video

Here it is, the Daniel Matsunaga kissing video controversy. Heart Evangelista‘s boyfriend, Daniel Matsunaga, was caught by CCTV camera kissing another girl inside an elevator.

What do you think of the video? Is it really Daniel Matsunaga in it or just a look-alike?

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 24, 2011

Aljur Abrenica Diet Plan for Machete

Aljur Abrenica spent at least 4 times a week for outdoor workout in preparation for his teleserye “Machete,” not to mention his regular gym sessions. He also disciplined himself with the food that he eats.

“Kumakain ako ng at least 6 to 8 meals a day, maramihan talaga. Kasama po d’yan ‘ung fruits, veggies, lean meat, lagi po ako may nilagang baka, steamed fish at chicken breast….kamote, hindi na rin po ako nagkakanin ngayon,” he said.

Video:

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 23, 2011

Aljur Abrenica Rejects Indecent Proposal

Rolex ang suot kahapon ni Aljur Abrenica sa promo guesting niya ng Machete sa Startalk. Hindi courtesy of ng bading ang mamahaling relo ni Aljur dahil bigay ito ng kanyang tatay na matagal na rumaket sa Japan.

Aminado si Aljur na nakatanggap na siya ng indecent proposal na tinanggihan niya. Ayaw nang sabihin ni Aljur ang halaga ng offer para hindi na humaba ang isyu.

Hindi rin sinabi ni Aljur ang name ng older woman na nakarelasyon niya at taga-showbiz din. Kilala ko ang girl pero in fairness to her, hindi naman siya old na old.

Isang taon lang ang agwat ng edad niya kay Aljur nang magkaroon sila ng relasyon. Minahal ni Aljur ang girl at may respeto sila sa isa’t isa kahit hiwalay na sila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 21, 2011

Kapuso stars join Dinagyang festival

GMA stars troop to Iloilo this weekend to join Dinagyang festival.

Starting today, the Kapuso contingent will be at the Ledesma Wing Carpark of Robinson’s Place Iloilo for the Kapuso Fiesta Mall Show featuring Regine Velasquez with Dingdong Dantes.

Regine and Dingdong banner the upcoming GMA romantic-comedy I Heart You Pare.

“We are really very excited, coz we have the lead stars of our upcoming major program coming in full force to promote and at the same time, personally invite all of our Kapuso to support our shows and programs. It’s a great start for the year,” said Jocelyn Bautista, program manager of Entertainment TV for Regional ETV.

This is one treat that Ilonggos must-not miss as Regine and Dingdong share the stage for the Dinagyang and invite everybody to watch out for the premier of I Heart You Pare.

Tomorrow, Jan. 22, it’s the cast of Dwarfina that will be in town for Kapuso activities. Heart Evangelista will lead the line-up of GMA stars. Joining her are Dennis Trillo, Vaness del Moral, and Will Devaughn. They will be present for the Kapuso Fiesta Mall Show at the Event Centre of SM City Iloilo.

“Every year, we bring our artists in the regions as part of our commitment to bring entertainment and quality programs. And our Kapuso can only expect more surprises that GMA has prepared and planned for them this year,” Oliver Amoroso, AVP for marketing and sales, RTV-IMS Regional.

On-ground activities will start at 12 noon with a special screening of Dwarfina. Fans and audience who missed the pilot week of GMA’s newest fantaserye will now get the chance to view it on Saturday.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 19, 2011

Ritchie Paul Gutierrez sa Alakdana

Type rin ng mga reporter ang walang halong pang-eeklay na mga sagot ni Ritchie Paul Gutierrez sa presscon ng Alakdana.

Pareho ng ugali sina Rap at Ritchie Paul. Sinasagot nila ng diretso ang mga tanong as in hindi sila paliguy-ligoy.

Remember, si Ritchie Paul ang nagbuko noon tungkol sa relasyon nina Jewel Mische at Richard Gutierrez sa presscon ng Pilyang Kerubin?

Hindi binawi ni Ritchie Paul ang kanyang mga sinabi dahil ‘yon ang totoo pero in fairness sa kanyang kapatid na si Richard, never na nag-deny ito tungkol sa relasyon ni Jewel at iginalang ng mga entertainment press ang privacy niya.

Mapapanood si Ritchie Paul sa Alakdana, ang panghapon na programa ng GMA 7 na magsisimula sa darating na Lunes, January 24.

[via]

Continue Reading...

Tuesday, January 18, 2011

Nita Negrita Soon on GMA

Isa sa pina-plug na new afternoon soap ng GMA 7 ang Nita Negrita, pero hindi pa sinasabi kung sino sa Kapuso talent ang magbibida. Ang nadinig namin, kabilang sa pinagpipilian sina Bea Binene at Joyce Ching at suwerte ng dalawa kung sa isa sa kanila nga mabibigay ang project.

Ang mapipiling bida sa Nita Negrita ay isusunod ng GMA 7 kay Louise delos Reyes na una nang ini-launch sa Alakdana. Saang aspeto kaya ibabatay ng istasyon ang pagpili kung kanino ibibigay ang project?

Sa fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, hindi raw nakakalimutan ng network ang magka-love team. Sila pa rin ang pinakabida sa Reel Love Presents... Tween Hearts at nauna na silang na-launch sa Pil­yang Kerubin.

[via]

Continue Reading...

Monday, January 17, 2011

Richard Gutierrez nervous about kissing scene with Eugene

SUPER-KINABAHAN si Richard Gutierrez sa kissing scene nila Eugene Domingo dahil nagbanta pala ang comedienne sa aktor na mag-handa sa naturang eksena sa My Valentine Girls.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin. Pero nang nag-take na kamim na-relax na ako. Wala rin pagbabago sa ibang kahalikan ko. Pareho lang. Kaya take one lang kami,” kuwento ni Richard.

Hindi rin makakalimutan ni Richard si Uge (palayaw ni Eugene) kasi binibigyan siya ng magaling na komed-yana ng pointers, lalo sa pag-arte sa comedy scenes.

Kaya sa presscon ng My Valentine Girls, may alam na agad na ireregalo si Richard kay Eugene bilang pasa-salamat sa magandang pagsasama nila sa movie.

Pero sa iba pang girls na kasama ni Chard sa movie tulad nina Rhian Ramos, Lovi Poe at Solenn Heusaff, pinag-iisipan pa niya kung ano ang ibibigay sa kanila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 16, 2011

Alice Dixson is Back

ONE of the most beautiful actresses is back. Alice Dixson recently breezed into town to do an errand for her mom, and at the same time, face the cameras again.

"It was luck," she told reporters at a small presscon at Dulcinea's Greenbelt, Makati. "My mom was asking me to fix some problems with her properties here in the Philippines. Little did I know that (TV5 programming head) Perci (Intalan) had been trying to reach me."

"Matagal ko na talaga siyang gustong makausap," revealed Perci.

"Fortunately, I got her number and so here we are."

Alice has been tapped to play Alex Gonzaga's mom in TV5's Babaeng Hampaslupa which would launch the latter to primetime teledrama stardom.

The former Palmolive "It Girl" has taped some episodes and feels excited about it.

"Nasalang ako kaagad," she said. "Medyo naninibago pa, but mabilis naman akong naka-recover."

Her husband, Ronnie Miranda, an animation and computer expert, is all-out with his support to his wife. While they have not been blessed with kids, Alice feels fortunate to have a husband who gives her the freedom to do what she thinks is good for her. "Mahirap din ang long distance relationship," she said."But now, with the Internet, it doesn't feel you're away from someone miles away."

The last time she had an acting assignment about six years ago (with GMA7), she and husband Ronnie agreed on a one-year "separation". "Pero naging three (years) at okey lang naman kami," she explained.

In the past, Alice has had commendable performances, and she is now open to doing movies again. Meantime, she is focused on her role in Babaeng Hampaslupa (which Perci clarifies isn't a remake of the Maricel Soriano starrer) and might be away from her husband for a longer period this time.

[via]

Continue Reading...

Saturday, January 15, 2011

Glaiza de Castro avoids Felix Roco

PANAY daw ang iwas ni Glaiza de Castro sa dating suitor na si Felix Roco.

Pinanindigan na yata ni Glaiza na huwag munang ma-involve sa opposite sex dahil bumubongga pa lang ang kanyang career.

Nang pumunta ang ka-patid na si Alcris para gumi-mik sa Cebu City sa taunang SinulogFestival doon, hindi sumama si Glaiza dahil ka-join nito ang magkapatid na Felix at Dominic Roco.

Ayon sa aming source, nawalan daw ng gana si Glaiza nu’ng malaman na kasama si Felix.

Bukod daw kasi sa nag-iisa siyang babae sa grupo, hindi niya maisama ang friend niyang si Maxene Magalona, na kaka-split lang kay Dominic.

Pero kahit walang nangyari sa panliligaw ni Felix sa dalaga, hindi nito nasira ang friendship ng kapatid na si Alcris sa kambal na sina Felix at Dominic. Sa blessing nga ng bahay nina Glaiza sa may Commonwealth, dumating si Dominic para makisaya sa kanila.

Busy ngayon si Glaiza sa movie niyang gagawin sa Regal -- ang Aswang at Mahinhin Vs. Mahinhin -- at regular din siyang napapanood sa Party Pilipinas.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, January 13, 2011

Heart Evangelista cries during Daniel's interview

Hindi naiwasang maiyak ng star ng inaabangang telefantasya ng Kapuso Network na Dwarfina.

Ayon kay Heart Evangelista nang makatsikahan na-min, sinabi ng nobyo ni-yang si Daniel Matsunga sa isang interview na siya na talaga ang babaing gustong pakasalan ng actor-model.

Bulalas ni Heart, hindi niya akalaing sasabihin ‘yun ni Daniel, kaya sobra-sob-rang na-touch daw ang aktres at hindi maiwasang ma-luha sa kaligayahan.

“Naku, no guy has ever done that to me. I mean, walang nagsabi ng ganyan sa akin with all confidence on live television. Kaya it makes me love him more for being proud of our relationship. Kung sigurado siya, siyempre sigurado rin ako, ‘di ba? I can’t say anything more. This is what I call love!” pahayag ni Heart.

Napag-uusapan na raw nila ang pagpapakasal. Pe-ro hindi pa raw ngayon ka-si mag-iipon pa si Daniel para sa future nila ni Heart at kanilang magiging pamilya.

“I will admit, excited ako. Pero sana naman huwag mangyari ito next month, ‘di ba? We are talking about it, pero may kasunduan naman kami ni Daniel. We will work muna and we want everything na maayos.

“Hindi puwede sa amin na rush-rush ang lahat. Mas maganda nga na may plano and we are prepared.

“Daniel knows how much I love my career and I know din that he wants to work hard as well. Doon muna kami, and if we are ready, malalaman n’yo naman ’yan. Hindi namin ita-tago ang mga magaganap pa sa relasyon namin,” kuwento pa ni Heart.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 12, 2011

Marian Rivera as Burlesk Queen?

Hindi lang mga artista ang nag-o-audition para maka­pareha ni Marian Rivera sa epic serye nitong Amaya. Sa mga pangalang binanggit sa amin, may basketball player, may commercial model, at may taga-kabilang network.

Kasama rin sa nag-audition si actor M na galing sa StarStruck at si actor J na galing sa Survivor Philippines, pero waiting pa rin sila sa magiging desisyon if they’re in or out.

Sa rami nang nagbakasakali, wala pa ring mapili ang mga nasa likod ng Amaya na babagay na makapareha ni Marian na tila dalawa ang leading men nito. Tama ba ang dinig naming kaila­ngang moreno ang makapareha ng aktres?

Bagay sanang makapareha ni Marian ang newcomer na si E, pero how true na ’di ito pinayagang mag-audition. Bakit kaya?

Siyanga pala, alam kaya ni Marian at ng mana­ger nitong si Popoy Caritativo na may tsikang ire-remake ang Burlesk Queen na unang ginawa ni Batangas Gov. Vilma Santos at si Celso Ad. Castillo pa rin ang direktor at ang balita, si Marian ang bida sa remake ng movie?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 11, 2011

Mark Bautista affected by Sarah-Cristine-Rayver intrigues

MARAMI ang nakakaalam na nanligaw din si Mark Bautista kay Sarah Geronimo, kaya kapag may pangit daw na nasusulat sa singer-actress, nasasaktan siya.

Tulad na lang sa balitang niyang nagkaroon ng “away” sina Sarah at Cristine Reyes dahil umano kay Rayver Cruz.

Hanggang ngayon kasi, may communications pa sila ni Sarah, pero hindi raw siya nangahas na tanungin ang dalaga tungkol sa naturang isyu.

Alam ni Mark, na okey na ang magkabilang kampo, pero sobra raw siyang nalungkot para kay Sarah nu’ng mabalitaan ang naturang isyu.

“I felt bad, kasi kilala ko si Sarah. Kapag may lumabas na ganoon, feeling mo, parang masyadong nasasaktan ang tao, kaya bilang kaibigan, nasasaktan din talaga ako,” say ni Mark.

Kung may feelings pa si Mark kay Sarah, hindi ito itinanggi ng magaling na singer.

“Oo, kasi nasasaktan pa rin ako,” aniya.

Anyway, hindi lang nga-yon mapapanood sa Party Pilipinas si Mark, kasama rin siya sa Kapuso fantaserye na Dwarfina, na ang role niya ay ang bestfriend ni Dennis Trillo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 10, 2011

Vic Sotto Pursuing Gwen Zamora?

Two pairs in stark contrast but with one thing in common: they are friendly in front of the TV cameras.

As Funfare has been reporting, Vic Sotto and Pia Guanio formally ended their nearly seven years of going steady in July last year, but they have remained friendly toward each other as can be seen on Eat, Bulaga! where they sometimes tease each other, with Vic giving Pia a hug and a kiss. That’s what friends are for, isn’t it?

Vic is famous for romancing his Bulaga! co-hosts (Christine Jacob, Angela Luz and Coney Reyes; he has a kid each with Coney and Angela) who would quit the show as soon as the romance ended. Yes, the hosting job was co-terminus with the romance. But Pia seems to be the exception to the rule. She has broken the “tradition” and stayed on on the show that has remained unchallenged and undefeated for more than three decades.

Is it possible for an ex-couple to happily co-host and co-exist after the love is gone
? Of course, it is. Vic and Pia are the best proof.

The good news is that Pia has found a new love in the person of Steve (surname withheld, so far) with whom, according to Funfare DPAs, she has been “on” since September last year. Steve, between 26 and 30 years old, comes from a rich family who lives in Ayala Alabang, although Steve maintains a posh bachelor’s pad in Makati. Steve is a Filipino. His family is into the car-rental business. As Funfare reported a few issues ago, Steve was with Pia’s family during a post-Christmas holiday in Shanghai. Pia is happy with her new love and it shows, doesn’t it?

Meanwhile, Vic is said to be keeping an interested eye on Gwen Zamora, the Hilda Koronel lookalike who was his leading lady in Si Agimat at si Enteng Kabisote, the 2010 Metro Filmfest top-grosser. The irony of it all is that it was Pia who had to report the story on 24 Oras last Friday, quoting sources as saying that Vic spent Christmas Eve with Gwen’s family. Gwen said that Vic did bring her home because she didn’t have a car that night — “But he didn’t get in; he just stayed outside.” Hmmm, serious relationships
usually start that way.

Fair is fair. Pia has found a (slightly) younger man, so what will stop Vic from finding his own younger woman? If she and Vic end up as an item, Gwen doesn’t have to worry about being criticized for going out with a “married man” because Vic has been “un-married” (from Dina Bonnevie) a long time ago and is therefore legally an eligible bachelor.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 09, 2011

Watch Machete Trailer Video

“Machete” the tv series, starring Aljur Abrenica, is set to premiere on January 24, 2010 on GMA-7.

Watch the trailer video:

Continue Reading...

Iwa Moto denies taking illegal drugs

MORE than six months hindi gumawa ng TV show si Iwa Moto dahil sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo at kalusugan.

Pero sa pagpasok ng 2011, handang-handa na raw siyang sumabak ulit sa mga teleserye kaya isinama siya sa Dwarfina ng GMA7.

As usual, kontrabida ang role ni Iwa sa bagong telefantasya ng Kapuso Network at ang Dwarfina ang second time niyang magko-kontrabida kay Heart Evangelista.

“Na-miss ko si Heart kasi ang bait-bait niyang tao talaga. Kapag kausap mo siya, parang positive ng lahat. Maganda ang energy niya. Nakakahawa ang pagiging masayahin niya kaya gusto ko siyang katrabaho,” say ni Iwa sa presscon ng Dwarfina.

Ang last TV series na ginawa ni Iwa ay ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Nagkaroon lang siya ng guest appearance sa Pilyang Kerubin at Beauty Queen. Tsika pa ni Iwa, marami siyang inayos sa buhay kaya nag-beg off muna sa mga show.

Lalong sumeksi si Iwa na medyo nangayayat kaya hindi totoo ang intriga na dahil daw sa nagda-drugs siya.

“Apat na wisdom tooth ang pinabunot ko dahil impacted sila. Kaya grabe ang ipinayat ko kasi hindi ako makakain ng tama at nagkasakit pa ako pagkatapos ng magpabunot.

“Then ’yung business namin ng boyfriend ko, medyo nagkaproblema financially. Hindi naman kami nalugi pero kailangan tutukan ko nang husto. Kaya doon lahat naka-focus ang energy ko sa business, kasi ayokong mawala ang pinaglagyan ko ng kinita sa showbiz.

“Ngayon unti-unti na kaming nakakabawi. Pero kailangan pa ring tutukan ko parati. Kaya this year lang ako nakatanggap ng show kasi nababawasan na ang mga negative energies ko sa katawan,” tsika ni Iwa.

Muling inurirat kay Iwa ang tunay na ang rason umano ng pag-lie low niya sa showbiz ay dahil nagpakasal siya at nagbuntis.

“Hindi pa ba sila nagsasawa sa isyu na ’yan? Three times na akong nababalitang ikinasal tapos five years na akong nababalitang may anak. Aba, sana may five-year-old na anak na ako ngayon, ’di ba? Patunayan nila kung nagkaanak at nagpakasal na ako,” paghahamon pa ng sexy star.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 08, 2011

Pia Guanio doesn't hide new BF

MORE stories about Pia Guanio’s new squeeze are coming in. His name is Steve, comes from a good well to do family, and said to be younger and better looking and more hunky than ex-BF Vic Sotto.

We’re just wondering why her co-hosts (Raymond Gutierrez, John Lapus and Rufa Mae Quinto) in “Showbiz Central” last Sunday didn’t bother to ask her about Steve who was with her and her family during their Shanghai vacation after Christmas? It’s an opportunity lost, indeed, since Pia and Steve are not hiding their relationship and have been seen together in public several times. We’re sure such a scoop will help their show rate higher.

What they featured was John Lapus’ new 5-bedroom home worth P6 million, the fruit of his labors. Maybe they can grill Pia about it this coming Sunday in “Showbiz Central.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 07, 2011

Mart Escudero To Transfer to TV5

After Jewel Mische, Mart Escudero is the next StarStruck season 4 winner to leave GMA-7.

Ang StarStruck season 4 winner na si Mart Escudero ay nakatakdang lumipat sa TV5. Ayon sa Scoopbox ng PEP, ang manager ni Mart na si Popoy Caritativo (ang manager din ni Marian Rivera at Dennis Trillo) ay namataan kahapon sa bakuran ng TV5 habang nakikipag-usap sa mga executives ng Kapatid network.

Kasama na si Mart sa story conference ng upcoming TV5 primetime teleserye na “Ang Babaeng Hampaslupa” na ginaganap ngayon sa Max’s Roces. Ang nasabing teleserye ay pagbibidahan ni Alex Gonzaga sa kanyang pinaka-unang dramatic lead role sa telebisyon. Makakasama na rin ni Mart ang isa pang StarStruck alum na si Rainier Castillo na nauna nang naging Kapatid.

Hindi maganda ang year 2010 kay Mart dahil kumpara sa batchmate niya sa StarStruck na si Aljur Abrenica ay naging matumal ang mga projects niya sa siyete.

Dalawa lang ang maituturing na naging proyekto ni Mart sa Kapuso network last year, ang soap opera na “Gumpang Ka Sa Lusak” at isang guest role sa “Jillian: Namamasko Po.”

Mabuti na lang at nakasama si Mart sa cast ng “Shake, Rattle and Roll 12″ at naging lead star siya sa indie film na “Zombadings: Patayin Sa Shokot Si Remington” kung kaya may pinagka-abalahan siya habang naghihintay ng projects sa siyete.

Mapigilan pa kaya ng Kapuso network ang paglipat ni Mart sa TV5?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 04, 2011

Heart Evangelista Hopeful sa 2011

AWARE si Heart Evangelista na hindi naging maganda ang career niya nitong 2010.

Pero good or bad man daw ay ‘yon ang parte ng buhay niya sa showbiz na hindi niya puwedeng kontrolin.

Una na riyan ang pag-aaway nila ng manager na si Annabelle Rama na tila mauuwi pa sa demandahan ang lahat.

Pero, may maganda namang nangyari dahil nag-karoon ng kulay ang kanyang lovelife dahil sa boyfriend na si Daniel Matsunaga.

“There may be some ne-gative that happened sa buhay ko, pero kahit paano ay may maganda pa ring nangyari,” positibong say ni Heart.

“Kaya I always thank God for all of those things that happened to me last year. Sinabi ko na mabuti man or hindi nakabuti sa akin, pasasalamat ko pa rin. It`s part of my life na and I cannot stop that.

“It the Lord allows it, then it will happen. Nasa akin naman kung paano ko ‘yon iha-handle, di ba?”

Nagpapasalamat si Heart dahil sa pagpasok ng 2011 ay primetime show ni-ya ang mauunang ilalabas sa GMA7, ang Dwarfina na magsisimula na sa Lunes (Jan.10) with Dennis Trillo.

“First time kong gumawa ng ganito and I really enjoyed it. Maganda ang set namin at may mga oversize na mga gamit. It`s really like a movie na, pero series lang siya. I`d like to thank GMA7 for starting 2011 with Dwarfina,” tsika pa ni Heart na bakas ang kasiyahan sa muk-ha dahil in-love.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 03, 2011

Bong: It's Panday for 2011 MMF

With the unprecedented box-office success of Si Agimat at si Enteng Kabisote, his first team-up with Vic Sotto, which continues to rake in more millions at the ongoing 2010 Metro Manila Filmfest which last until Jan. 7, Bong Revilla is expected to do a follow-up also with Vic in next year’s MMFF but unfortunately he has already decided on doing another Panday as the family-owned Imus Productions’ entry (possibly with a co-producer).

“Even before the (2010) MMFF,” said Bong during a victory party with the press Thursday night, “I already announced that Panday would be ‘it.’ Vic also has his own plan to this year’s MMFF, so if ever, our next team-up would before the 2012 MMFF.”

Agimat has made history by being the first Filipino movie to have made the highest opening gross at P31M. So far, it has grossed P131,213,092M and is predicted to make even more until the end of the nationwide MMFF and beyond (on its extended run).

The target gross of the MMDA (Metro Manila Development Authority), which is in-charge of the MMFF, is P.5B and I think half of that, if not even more, will come from the earnings of Agimat.

Bong inherited the Agimat character from his father, former Sen. Ramon Revilla Sr. Likewise, he also inherited the Panday character (a creation of Komiks King/National Artist Carlo J. Caparas) from his Ninong Ronnie, Da King Fernando Poe Jr. no less.

“Agimat and Panday are the best gifts I have ever received in my entire career,” admitted Bong. “That’s why I’m taking care of them so that I won’t let my Dad and my Ninong down.”

Agimat is co-produced by Imus Productions and Vic’s M-ZET Productions with OctoArts Films, GMA Films and APT Productions.

How will they divide the money?

50/50 between Bong and Vic and 25 percent for each of the three co-producers.

[via]

Continue Reading...

Sunday, January 02, 2011

Negative comments don't bother Aljur

ALJUR Abrenica couldn't contain his happiness after he was chosen by GMA7 to topbill the TV remake of the late Pablo S. Gomez's "Machete".

It’s one of the Kapuso network’s grand opening salvos this 2011. "Honestly, when I first heard that GMA would do the remake of "Machete" back in 2007, I prayed hard that I’d get considered for the part," Aljur says. "That is why I gradually worked on the development of my physique.

“Fortunately, my efforts paid off in the end. When management told me I’d be playing Machete, I got overjoyed. It was like a dream-come-true for me. And mind you, GMA didn’t hold auditions for the title role. I was their ultimate choice,” he said.

Despite some negative comments, Aljur believes he is a credible Machete on screen.

“For one, I can see some of his characteristics in me. Physically, we’re both brown-skinned. Just like me, he is also a man of few words."

Because he will wear a revealing costume, many have the impression that it’s a sexy prime time offering.

“It’s not," he says with a laugh."Machete is a legendary Ifugao warrior so that explains the costume. We won’t capitalize on that but rather, on the eternal love between him and the lady sculptress to be played by Ryza (Cenon).”

Aljur is confident that Ryza could handle the mature role with aplomb.

“She fits the role to a T. I’ve known her since our SOP days. She’s got what it takes to become a premiere leading lady."

Last year, he passed the acid test when "The Last Prince' became a very big hit". Just like "Machete", it was also GMA’s first prime time offering then. With his impressive track record as a prime time star, he still feels the pressure on the ratings.

“But I have faith in the project," he assures."I vow to do my best to endear the character to TV viewers."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 01, 2011

Vic: Gwen to remain as Faye in next movie

HIHIGIT sa P100 million ang kikitain ng "Si Agimat at si Enteng Kabisote." Kaya naman tuwang-tuwa ang mag-partner na sina Vic Sotto at Bong Revilla. 'Yun nga lang, hindi na muna sila magsasama sa susunod nilang MMFF entry. Come December, may kanya-kanya na silang ilalahok. Pero mukhang walang mababago sa casting. Nagustuhan nina Vic at Bong ang dalawa nilang leading ladies na sina Gwen Zamora at Sam Pinto, kaya naman, in their separate projects, mukhang ang dalawa pa rin ang kanilang kukunin.

"Mahusay si Gwen," ani Vic. "At saka, ayaw ko na ng paiba-iba ng Faye (ang karakter ng misis ni Enteng na isang fairy)."

Ayon pa kay Vic, kung hindi rin lang naging girlfriend at future wife ng anak niyang si Oyo Boy si Kristine Hermosa, ayaw na sana niyang palitan ito bilang Faye. "Nakakahiya naman," ani Vic. "Misis ng anak ko, tapos, leading lady ko sa pelikula."

Samantala, matagal na palang kilala ni Vic si Sam Pinto (na leading lady ni Bong). "Kasama siya ni Oyo sa "Midnight DJ" bago sumali sa PBB (Pinoy Big Brother)," paliwanag ni Vic.

Sabi namin, mukhang pabata nang pabata ang mga nagiging leading ladies nila. "Ganun talaga," sabi ni Vic sabay tawa. "Para manatili kaming bata."

Ganun din ba sa tunay na buhay?

Ngumiti lang si Bossing Vic. No comment naman si Bong.

[via]

Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites