<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, May 31, 2011

Playful Kiss Ko­rea­n Novela on GMA 7

Nagsimula nang mapanood kahapon, ang Ko­rea­novelang naging isang YouTube sensation at na­itampok sa CNN dahil sa popularidad nito.

Ang Playful Kiss, hango sa manga na Itazura Na Kiss, ay nagkaroon ng 520,000 hits sa YouTube.com dalawang araw matapos i-post ang unang episode nito. Ito ang kapalit ng Temptation of Wife sa GMA.

Handog ng Playful Kiss ang makulay na kuwento tungkol sa isang beautiful-yet-clumsy girl na nagkagusto sa isang cold-hearted at perfectionist guy. Si Honey Oh (played by Jung So Min), ay isang high school student na hindi gaanong mahusay sa klase.

Nahulog ang kanyang loob kay Gelo Baek (Kim Hyun Joong) sa unang beses pa lamang na makita niya ito. Kaya lang, exact opposite niya ang lalaking kanyang hinahangaan; ito ay matalino, sikat at halos perpekto.

Minsan, ipinagtapat ni Honey kay Gelo ang kanyang nararamdaman ngunit hiniya at ni-reject siya nito. Dito na nakialam ang tadhana na siyang nagtulak upang tumira sa iisang bubong ang dalawa.

Maraming nagsasabing nagsisimula sa pinaka­maliliit na bagay ang pagbabago ngunit maging totoo kaya ito kina Gelo at Honey?

Paano makakatulong ang isang munting mapag­larong halik upang umusbong ang isang pag-ibig na kapwa nila hindi inaasahan?

Panoorin ang Playful Kiss Lunes hanggang Bi­yernes bago ang Magic Palayok sa GMA 7.

[via]

Continue Reading...

Sunday, May 29, 2011

Marco Alcaraz With No Regrets

Hindi bida ang role ni Marco Alcaraz sa Sisid ng GMA-7 na pilot na bukas, kaya ang tanong namin, hindi ba siya nagsisi na agad nawala ang karakter niya sa My Lover, My Friend na isa siya sa mga bida at mataas ang ratings hanggang natapos?

“Pasalamat ako na kahit two weeks, nakasama ako sa My Lover, My Friend, sana next time, may lead role na dumating sa akin at matagal ang exposure ko. Pero masaya rin ako rito sa Sisid, ibang experience naman ito bilang tauhan ni Bembol Roco na magkakarelasyon sa asawa niya,” ani Marco.

Engaged to be married end of next year si Marco kay Lara Quigaman kaya nag-iipon siya. Baka beach wedding sa Batangas ang maging wedding nila at naniniwala ang actor na makakatulong sa relasyon nila ang kanilang long engagement dahil marami pa silang nadidiskubre sa isa’t isa.

Bukas na mapapanood ang Sisid after Nita Negrita sa direction ni Ricky Davao na ngayon lang makakatrabaho ni Marco.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera nagkasugat-sugat ang paa

Gandang-ganda ang entertainment press kay Marian Rivera bilang si Amaya nang dumalo sa presscon ng bagong epic serye kamakailan. At si­gu­radong tuwang-tuwa rin siya sa papuri ng director na si Mac Alejandre at program manager sa pagsasabi kung gaano ka-propesyonal ng aktres.

May ilang eksena raw kasi na kailangang tumakbo sa gubat ng aktres at sinabihan siyang gumamit ng proteksiyon o sapin sa paa pero hindi ito pumayag. Hindi ininda ni Marian na magkasugat-sugat ang paa sa katatakbo sa gubat.

Nag-topless din ito sa ilang eksena.

‘Wala namang bra noong araw, ‘di ba? May takip na buhok at mga kuwintas ang dibdib ko kaya okey lang.’’

Natutuwa si Marian dahil first time niyang gumanap na prinsesa and this time wala siyang powers gaya sa Darna, orihinal ang istorya at hindi ito batay sa komiks o sa ibang TV shows.

Kasama rin sa Amaya si Raymond Bagatsing bilang si Datu Bugna na ama ni Marian Rivera. Umaasa ito na magtuluy-tuloy na ang career niya.

Naikuwento nito ang mga karanasan noong siya’y napunta ng Amerika kung saan nagbebenta siya ng ticket at brochure ng mga pelikula at naging kahero at salesman sa California. Hiwalay na sila ng kanyang may-edad na asawa at kasalukuyang may nobyang Australian-American na isang singer at composer.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, May 27, 2011

Amaya is na Expensive Project

Hindi pa masagot ng management ng GMA Network kung magkano aabutin ang magagastos nila sa Amaya na 22 weeks tatakbo at hanggang October ang airing.

Nabanggit ni Wilma Galvante na kinagalitan sila ni Atty. Felipe Gozon nang i-present ang project dahil sa laki ng gagastusin, pero inaprubahan din.

Ipinakikilala sa Amaya ang pag-aagawan nina Sid Lucero at Miakel Daez kay Marian Rivera at okey sa aktres ang dalawang kapareha.

Si Sid, dito lang niya makakatrabaho, pero si Mikael, kasama niya sa Temptation Island.

’Kaloka si Marian dahil nang tanungin ng pisikal na hirap niya sa taping, ang scene na nag-duet sila ni Sid ang binanggit dahil mahirap daw kumanta at umiyak at the same time, kahit subukan pa ng press.

Samantala, may special screening mamaya ang Amaya at buong pilot week ang ipalalabas.

Bukas, mapapanood naman ang primer na The Making of an Epic hosted by Cesar Montano, 7:30-8:30 p.m.

Masisilip din ang isa sa action-filled scenes na ipinagmamalaki ng Amaya, ang musika ni Von de Guzman at mapapanood din kung paano ginawa ang complex at realistic production design ni Rodell Cruz, ang period costumes ni Gino Gonzales at ang direction ni Mac Alejandre.

[via]

Continue Reading...

Thursday, May 26, 2011

Alessandra De Rossi Back in GMA 7

Alessandra De Rossi‘s primetime series “Green Rose” on ABS-CBN is airing its finale episode this Friday, May 27. This will be her final project on ABS-CBN as she is set to make a comeback on GMA-7 via the afternoon drama series “Sentensyada.”

This was confirmed by De Rossi’s manager, Popoy Caritativo, on Twitter:

“Yes, Alex De Rossi is back in GMA! Magkasama sila ni Dennis sa new soap. Kaibigan namin si Alex. Huli silang nagkasama sa Super Twins”

Caritativo is also the manager of actor Dennis Trillo, the male lead star of “Sentensyada.” Bianca King, on the other hand, is the female lead star, her first title role after 7 years of working with the Kapuso Network.

De Rossi will play the villain who will make the life of King’s character miserable.

It will be recalled that De Rossi transferred to ABS-CBN in 2008 to be part of “I Love Betty La Fea.” This was after she refused to be part of GMA-7′s “La Lola” because of her rift with its lead star Rhian Ramos.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, May 23, 2011

Amaya New Trailer Released

“Amaya” is topbilled by GMA’s biggest star–Marian Rivera–as a woman blessed with extraordinary powers, which she will use to lead her people in a time dominated by males. His leading man in the epicserye is International Emmy-nominated actor Sid Lucero who will breathe life to the character of Bagani.

Also starring in the historical series are Glaiza de Castro, Mikael Daez, and Rochelle Pangilinan.

Other cast-members include Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Gina Alajar, Perla Bautista, Daniel Fernando, Roy Alvarez, Irma Adlawan, Angie Ferro, Ana Capri, Rustica Carpio, Ayen Munji-Laurel, Rajuh Lingayan, Ana Feleo, Sheena Halili, Roxanne Barcelo, Bituin Escalante, Mia Pangyarihan, Bayang Barrios, Mon Confiado, Richard Quan, Julian Trono, Robert Villar, AJ Dee, Sef Cadayona, Dion Ignacio, Ryan Eigenmann, Leon Miguel, Pancho Magno and Dindo Arroyo.

Video:

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 21, 2011

Hotmen 'huhubaran' sa Zirkoh

Maghuhubad ang Hotmen na sina Kenneth Salva, Mark William Yap, Jhonmark Marcia, Danniel Derramayo at Jake Mendoza sa paglulunsad ng kanilang All-Star Hunks Kick-off Tour, sa sexy-comic show na pinamagatang Stripped, sa Hunyo 4, Sabado, 10:00 p.m. sa Zirkoh, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Iti-treat ng The Hotmen ang mga suki ng Zirkoh sa kanilang cover interpretation ng pop songs ng kilalang boy bands, sa kanilang sariling tatak na sexy singing-dancing. Huhubaran sila ng Comedy Concert Queen na si AiAi de las Alas.

Makaka-back-to-back ng The Hotmen launch party ang mga mapagpatawang sina Jose Manalo at Wally Bayola, at ang mga nagseseksihang EB Babes.

Sponsor ng launch party ang Frenzy Condoms at EZ Lubricating Jelly.

[via]

Continue Reading...

Friday, May 20, 2011

Secret Garden Body Swap

This week, Owen and Jamie’s mysterious and magical body swap takes place on GMA’s newest hit koreanovela, Secret Garden.

Owen and Jamie could not believe that they woke up in each other’s body one morning. And even if others are unaware of this, Owen and Jamie’s strange actions and drastic personality change become very apparent.

While in Jamie’s body, Owen tricks direk Jason into confessing his feelings for the tough woman. Will the stunt director’s long-kept admiration for Jamie be finally revealed?

Viewers should also watch out for Owen and Jamie’s attempt to reverse the body swap with a kiss. Will it work or will it not?

Do not miss the funny, kilig moments set to happen while Owen and Jamie reside in each other’s body and witness how the body swap helps them know more about the other person.

Secret Garden airs Monday to Friday after I Heart You Pare on GMA 7.

[via]

Continue Reading...

Thursday, May 19, 2011

Kris Aquino nagulat kay Jake Vargas

Baguhang artista pa lamang si Jake Vargas, ka­ba­taan pa. Hindi kataka-taka kung marami ang hindi pa nakakakilala sa kanya, lalo na ’yung mga adults.

Nagsimula si Jake bilang isa sa mga kabataang co-hosts ni German Moreno sa pang-madaling araw na programa nitong Walang Tulugan with Master Showman. Pagkanta ang una niyang pinasok pero dahil may taglay na kaguwapuhan, mada­ling lumaki ang bilang ng kanyang mga tagahanga, at dahil na rin sa tulong ni Kuya Germs ay unang napanood ang bagets sa mga serye ng GMA 7.

Pinaka-memorable ang Stairway to Heaven na nakasama niya sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Sinundan ito ng First Time na kung saan ay ginawa silang pinaka-batang love triangle ng network. Kinagat naman ang trio nila pero hindi ito nabigyan ng magandang follow up.

Sa kasalukuyan, nilalakad ni Kuya Germs, na ipinasyang tulungan siya nang malaman nito na cancer-stricken ang kanyang ina, na makabilang siya sa mga contract stars ng network. Iba ito sa GMA Artist Center na nasa pamumuno ni Ms. Ida Henares.

Regular na napapanood si Jake sa Tween Hearts, isang serye na ginagawa na ring movie at Captain Barbell bilang kasapi ng Liga ng Kalayaan, ang grupo na tumutulong sa super hero. Sa parehong palabas, tampok sila ng ibini-build up ng istas­yon na kapareha niya, si Bea Binene.

Because of his stints in Captain Barbell, Tween Hearts and Walang Tulugan, nakapag-amass na ng mga followers si Jake na sinusundan siya sa lahat niyang mall shows. Hindi man ganun karami ang project niya sa GMA, mabenta naman sa mall shows si Jake. Paborito siyang kunin ng SM dahil talagang dinudumog nga siya ng manonood.

Minsan sa isang event ni Kris Aquino, nagulat pa ito nang tawagin niya ang pangalan ni Jake bilang next performer dahil bigla na lang umugong at nagkagulo ang audience. Tinanong tuloy ng Queen of All Media kung sino siya.

Paboritong kunin ng SM marketing si Jake dahil nagagawa niyang punuin ang entertainment center ng SM sa lahat ng branch na puntahan niya. Hindi nila maipaliwanag kung anong karisma meron ito at maraming napapaiyak na mga bata at maging matatanda kapag nagpi-perform siya. At bilang pagkilala sa malaking tulong na nagagawa niya sa na­sabing establishment, binigyan nila siya ng titulong Prince of Malls.

Mabenta rin ang unang album na ginawa ni Jake na pinamagatang Ngiti. Sayang at hindi ang GMA Records ang nag-release ng album. Sila ang unang nilapitan ni Jake para pagawin siya ng album pero tinanggihan nila siya at sinabihang magsanay munang kumanta ng mabuti. Sinalo si Jake ni Howard Dy ng Dyna Music at hindi pa nagtatagal ang album sa record bars ay bumenta na ito.

Ngayon ay nasa proseso ang Dyna Music ng pagdaragdag ng kopya ng Ngiti dahil marami pa ang naghahanap pero wala ng kopya.

Masaya na si Jake sa takbo ng kanyang career. Hindi man siya matatawag na super young star, hindi naman siya nawawalan ng trabaho. Ito lamang naman ang mahalaga sa kanya dahil habang may work siya, patuloy niyang mabibigyan ng pampagamot ang kanyang ina.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 17, 2011

Mapapangasawa ni Pia sobrang mahiyain

Naunahan ko si Pia Guanio sa kanyang kuwento na nakahiga pa siya sa kama at kagigising lang nang mag-propose ng kasal ang boyfriend niya na si Steve Mago.

Tumpak ang report ko dahil inamin ni Pia ang pagkagulat kaya nagtalukbong uli siya ng kumot.

Umaga nang matanggap ni Pia ang proposal dahil naghanda si Steve ng breakfast with matching champagne.

Mahiyain si Steve kaya hindi siya na-convince ni Pia na mag-guest sa Showbiz Central noong Linggo. Hindi nawawalan ng hope ang mga fans ni Pia na darating ang araw na makikita nila ang hitsura ng mysterious fiancé ng kanilang idol.

Hindi puwedeng i-deny na masayang-masaya si Pia sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Halatang-halata na ready na siya na lumagay sa tahimik at magsimula ng pamilya. Nagbigay ng hint si Pia na ikakasal sila sa 2012 at baka summer season ito kaya nagkaroon ng haka-haka na isang beach wedding ang mangyayari.

Kung tama ang mga hula, may bahid ng katotohanan ang tsismis na posibleng ikasal sina Pia at Steve sa Amanpulo, isang sosyal at very expensive beach sa Palawan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, May 15, 2011

Amaya: Philippine TV's first epic-serye

Amaya has yet to unravel on the TV screens, but superlatives – biggest, boldest and most expensive – are already being bandied about the forthcoming GMA 7 primetime series that casts Marian Rivera in the title role.

The STAR had an exclusive roundtable chat with the people behind Amaya last Wednesday, getting a glimpse into the depth and breadth of this production that vows casting, costumes, set locations and budget of epic proportions.

“It was such a bold move from the network to bankroll such a huge project,” began director Mac Alejandre. “But when we talk about huge, I would like to contextualize it because people may think it is only huge in budget. Well, yes it is. It is the biggest and most expensive, and when we say biggest, it is far, far bigger than the second biggest production – that’s how expensive it is.”

Direk Mac continued, “But when we’re talking about big, it’s not just confined to its expense. We’re talking about bigness in terms of daring, preparation and pre-production. We were immersed in this project since its conceptualization.

“For a historical fiction-based story that has never been tried on Philippine television before, it’s daring in terms of epic scope. Meaning, even if the central love story or drama is fiction, everything surrounding it is based on history – from culture, customs, demeanor to look.”

Set in the Visayas during pre-colonial Philippines, Amaya tells the journey of Marian Rivera’s character, who is born a princess but who suffers the misfortune of becoming a slave before rising to become a warrior and leader of her people.
Her co-stars Gardo Versoza and Daniel Fernando

According to Amaya headwriter Suzette Doctolero, who also wrote most of the network’s successful fantaseryes, most notable of which is the Encantadia saga, the idea of Amaya was pitched and given the go-signal last year, after a year of research and conceptualization. Initially, it was to be a historical series centering on the life of the Visayan hero Lapu-Lapu. But upon the advice of historians from UP Diliman, they instead pursued a historical fiction that would still give light to the pre-Hispanic ambiance and traditions.

“We also chose Central Visayas because the written materials about its pre-colonial history are more complete, and it’s very fascinating to read about how women lived and thrived during that era. Tapos sa Visayas lang yung may binukot, or mga princesang kinukulong at di pinapaapak sa lupa gaya ni Amaya. And we weaved these details into the story. But we believe that the beauty about Amaya really is that, if you take away the manner it is being told, it is still a soap opera,” Suzette said.

Direk Mac, on the other hand, said that one major challenge of mounting this TV series is how to present a period backdrop – a part of history that people are largely clueless about save for what they learned about it from scholarly literature or history textbooks – that doesn’t mask the very contemporary concepts it talks about such as love, integrity, lust, greed and honor.

And so, no stone is left unturned, especially for its production design department , which has branched into several divisions so as to be able to encompass the minutest details in terms of costumes, visuals, lighting, sets, technology, among others, to make Amaya as realistic as possible.

Take, for example, the fight scene that featured 250 warriors from the warring banwa (tribes) of Datu Mangubat (Gardo Versoza) and Datu Bugna (Raymond Bagatsing). They had to be dressed in full regalia but everything they wore – accessories, armory and tattoos – had to be distinct from each other. The whole process of just making this single scene ready to roll lasted from morning to dawn.

Dressing the women is another story, said costume designer Gino Gonzales, whose portfolio includes mostly Repertory Philippines productions plus the period US-produced film Amigo. The female characters, so as to evoke how they appeared in this particular past, are made to wear in intricate costumes and jewelry made of materials from Singapore and Malaysia, with handiwork done by weavers in Baguio, Ilocos and the Yakan and T’boli ethnic groups of Mindanao. The costume–making started as early as November.

Then there are the set locations, carefully chosen, and spread throughout Northern and Central Luzon plus Southern Tagalog. For the opening scene, which introduces the sea-worthy, reconstructed warship Karakoa, three locations were maximized – Pangasinan, Bataan or Laguna – and you wouldn’t even notice it in the seamless whole.

Direk Mac said that they are thankful that these physical challenges are being addressed by the organization and that the network is gambling hundreds of millions is more than enough to strengthen the production people’s resolve to deliver an original project that they can be truly proud of.

Plus, this early, historians involved in the project are excited because it teaches history in a medium that is accessible to the masses. "We wouldn't be surprised if it sparks academic discussions," said Neil Santillan, a UP professor.

“We can give 10 million anecdotes of how difficult this is, but at the end of the day, as much as we want to present a visual spectacle, the story that we want to tell is about the emotions and feelings of Filipinos during that period in history. This is the story of Amaya – how a woman transcended her time.”

As for the series’ star, Direk Mac said, “We will give them the Marian that they know and love in Marimar, Dyesebel, etc., plus more. They will rediscover that this waif-life beauty and spunky performer has still a lot to give.”

“After Amaya, I believe the people involved here – from cast to production staff – will be changed. We cannot give anything lesser after this.”

Amaya also stars Sid Lucero, Mikael Daez, Gina Alajar, Lani Mercado, Rochelle Pangilinan and Glaiza de Castro. It will premiere on May 30.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 14, 2011

Pia Guanio will stay in Eat, Bulaga!

Yes, it’s true that she’s marrying her non-showbiz businessman-boyfriend (of barely one year), Pia Guanio wouldn’t comment beyond that. To borrow Maurice Arcache’s favorite line, her lips are sealed — so far.

Funfare knows that Pia is already making a list of their principal sponsors (one of them Mike Enriquez) and secondary sponsors.

Asked if it’s true that she and her fiancé are considering Vic Sotto, Pia’s ex-boyfriend, as Best Man, Pia was mum. But why not? She and Vic have become good friends after they broke up in July last year, haven’t they?

But one thing is sure. Even after the wedding (date to be announced soon), Pia will stay on as one of Eat, Bulaga’s! co-hosts.

“She loves the show so much to leave it,” said somebody close to Pia. “She loves Mr. T (Tony Tuviera, Bulaga! producer) and Malou (Choa-Fagar, executive producer) so much for her to leave the show.”

It’s a good assurance for followers of the show (this one included). Contrary to suspicions, Pia’s stint on Bulaga! was not co-terminus with her romance with Vic (they went steady for more than seven years), unlike those of Vic’s romance(s) with previous co-hosts who quit the show when they (separately, of course!) parted with Vic.

Up to now, Pia and Vic look good together on the show, proving to all and sundry that they can draw a line between the personal and the professional — you know, trabaho lang po, walang personalan.

Funfare texted Vic for his reaction to Pia’s impending wedding and whether he would say yes if asked to be the Best Man but, true to form, he didn’t text back. Mum, as usual. But I didn’t take it to mean that he’s hurting. Knowing Vic, I’m sure he can easily find his own new happiness.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, May 12, 2011

Is Rhian Ramos suing Mo Twister?

Even after Mo Twister has chronicled in his Twitter account what he claimed he and Rhian Ramos did during the (two?) years that he claimed they went steady, something neither of them confirmed while it was going on, Rhian has admirably remained mum, refusing to make even a word of comment, thus in the process turning out to be the underdog and Mo the ungentlemanly tell-all broken-hearted lover.

“Rhian and her family have been advised by their lawyer not to say anything, to keep quiet,” said a Funfare Update DPA.

Is the Ramos family’s silence pregnant with the possibility of a planned legal action against Mo?

“It’s very possible,” added the DPA who happened to be a brilliant legal mind.

Asked if Mo is perhaps guilty of, maybe, “malicious mischief,” the lawyer simply smiled.

In fairness to Mo, he did apologize for his emotional unloading on his Twitter account, baring the pain he said he was going through after he and Rhian broke up. Or was it a one-way break-up, with Rhian simply walking out of the relationship after she was reportedly hurt when Mo put in his Twitter (or Facebook) account one of their pictures taken during one of their romantic trips abroad (in Greece, this time)?

The break-up was much too much to Mo that, since he claimed that he couldn’t reach Rhian because she has changed her phone number and that she has closed her Twitter account, he had no alternative but to unburden himself on his Twitter account, recounting intimate details such as, among others, how they first kissed in public in Amsterdam, how they spent the night on a bench in Central Park in New York, how they solved crossword puzzles side by side, how they checked into a hotel in Athens which gave them an upgrade when they told the front desk that they were honeymooners, how they kissed a lot in every country they visited, how he would gently wake Rhian up from sweet slumber, how he and Rhian talked long distance between Paris (him) and Singapore (Rhian) just to discuss the details of an expensive bag he was giving Rhian as pasalubong and, this one is very personal, according to Mo how “I saw an old strand of your hair in the shower this evening.”

While I sympathize with Mo for feeling so devastated since he said that Rhian meant all the world to him, I cannot for the life of me understand why he had to put a girl he said he deeply love(s) in such an embarrassing situation, unwittingly tarnishing the wholesome image Rhian has been projecting so far not only as a person (from a decent family) but also as an actress of versatile potential.

Come to think of it, if Rhian’s number has been changed and her Twitter account closed, why didn’t Mo just write her a long letter so that only the two of them could be privy to whatever happened or was happening between them, and thus shut off the whole world from voraciously eavesdropping on them?

“The harm has been done,” Funfare’s lawyer-DPA said. “Rhian’s privacy has been grossly violated.”

What did they say again about the worst of times?

Yes, it brings out the best, or the worst, in men.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, May 11, 2011

Del Monte Kitchenomics Now on GMA 7

Balik telebisyon ang Del Monte Kitchenomics – ang cooking show na patok sa mga Pinoy dahil sa hain nitong masarap, masustansya, at murang pagkain!

Simula bukas, Huwebes, May 12, apat na beses sa isang linggo mapapanood ang Del Monte Kitchenomics sa GMA News TV Channel 11, at tiyak na mabubusog ang mga viewers sa baon nitong MaMuMas (Masarap, Mura, at Masustansya) recipes.

Hatid ang mga pinadaling recipes mula agahan at hapunan hanggang desserts at drinks, siguradong gagawing espesyal ng programa ang mga lutong-bahay ng viewers sa tulong ng guwapo at batikang chef na si Chef Rob Peng­son kasama ang nakakaaliw na si Love Añover.

Handa sina Chef Rob at Love na bigyan ng budget tips ang mga manonood.

Una na rito ang healthy kiddie recipes na hindi matatanggihan ng mga chiki­ting. Easy-to-prepare meals naman ang ibibida nina Chef Rob at Love para sa mga palaging on-the-go. Gamit ang tamang ingredients at simpleng steps, ipapa­kita ng dalawang hosts na hindi imposibleng makapaghanda ng masarap na pagkain kahit gipit sa oras.

Mapapanood ang Del Monte Kitchenomics tuwing Huwebes, Biyernes, Sabado, at Linggo, 9:55 ng umaga.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 10, 2011

New 'Amaya' Teaser Trailer

New 'Amaya' Teaser Trailer.

Continue Reading...

New Sitcom for Vic Sotto

MAY sitcom na inihahanda para kay Vic Sotto na ididirek ni Bert de Leon.

Pero ang tanong, kung kakayanin pa ito ni Bossing dahil may apat na shows na siya sa kasalukuyan kasama na rito ang Eat Bulaga.

Sabi ni Direk Bert, kapag natapos na raw ang isang show ni Bossing, puwedeng ipalit nila ang sitcom na bago ang concept na nagustuhan daw ng sikat na TV host/comedian.

Tungkol naman sa concert na marami ang nagre-request kay Vic, imposible na raw matuloy ito sa November, dahil sa dami raw ng ginagawa niya pati ang pelikulang isasali niya sa 2011 MMFF.

“Malaki at matagal ang paghahanda para sa isang concert sa Araneta Coliseum. Dapat, may sapat na oras para sa lahat ng bagay para mapaganda at maging memorable talaga ang palabas.Kung kakayanin, baka sakali,” paliwa-nag ni Bossing Vic.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, May 09, 2011

Paris Hilton at Jinkee Pacquiao super tsika!

Samantala, dahil sa hindi masyadong naging magandang laban nina Pacman-Mosley, ang pinag-uusapan ay si Jinkee Pacquiao. Pagkaganda-ganda raw nito at halos hindi mo na makilala.

At ang bongga, tsika-tsika pala sila ni Paris. In fact, may photo sila – Paris, Pacman and Jinkee na nagtatawanan sa post fight news conference pagkatapos ngang talunin ni Pacman si Sugar Shane Mosley by unanimous decision sa WBO welterweight title fight.

At after ng tsikahan, nakinig pa si Paris sa nasabing news conference. “Hanging out with MannyPacquiao and his beautiful wife Jinkee. They are such a sweet & down to earth couple! Love them! :) tweet niya uli.

“Wow! Such an honor to be brought on stage by Manny & his wife Jinkee after the fight. Can’t wait to visit them when I go to the Philippines.”

Nakunan ng AP ang nasabing mga eksena pero nang hinahanap namin ang photos ni Charice habang kumakanta siya ng Lupang Hinirang, wala kaming makita. Meron ba?

Bakit ganun?

Kung sabagay, puring-puri naman ang pagkakanta niya.

At totoo nga. Perfect at hindi siya bumirit nang eere na sa GMA 7 kaya wala sigurong magrereklamo sa National Historical Institute (NHI).

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, May 07, 2011

Marian Rivera Red Cross endorser

SI Marian Rivera ang napiling endorser ng Philippine Red Cross ngayon. Kaugnay ng pagkakapili sa Regal Baby at isa sa female lead stars ng Temptation Island, ilo-launch ni PRC Chairman Richard Gordon ang Million Man Run, ang pinakamahabang fun run sa history, sa Mayo 9 sa Manila Polo Club.

Magsisilbing fund-raising ang project para sa humanitarian work of volunteerism ng ahensya.

Eh, ngayong 2011, idineklara ito ng United Nations bilang International Year of Volunteers.

Ang International Red Cross at Red Crescent Movement ay sine-celebrate ang World Red Cross Day na pinu-promote ang volunteerism sa temang, "Find the Volunteer Inside You."

Darating din sa launching ng fun run ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde Teo, board of governors at iba pang board members ng PRC.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, May 03, 2011

Jennylyn tsinugi sa gagawing soap opera kasama si Dennis

Si Iza Calzado at hindi na si Jennylyn Mercado ang bida sa another new soap opera ng GMA 7 na pang-hapon.

Ang sabi ng aking spy, nagkaroon ng pagbabago sa cast dahil si Dennis Trillo ang leading man at dahil break na sila ni Jennylyn, mahirap na silang pagsamahin sa isang project, lalupa’t fresh na fresh pa ang kanilang break-up.

In short, si Iza na ang leading lady ni Dennis at ang taping ng bagong afternoon soap ang kanyang pagkakaabalahan kapag natapos na ang I Heart You Pare.
[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites